PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zeinab Harake speaks about life after “walwal days”

Zeinab: "Pag pinapanood ko yung sarili ko ngayon, like napa-proud naman po ako."
by Arniel C. Serato
Published Apr 1, 2026
Zeinab Harake post-walwal days
Content creator and influencer Zeinab Harake on changing for the better: "Natuto din ako, kasi hindi din po ako magiging ganito kung hindi ko po napagdaanan yung mga malaking pagkakamali ring ginawa ko sa buhay ko. And nagpapasalamat din ako doon kasi lesson po yun na ngayon, ayaw ko na balikan."
PHOTO/S: Arniel Serato / Facebook

Aminado ang content creator at influencer na si Zeinab Harake na lumipas na ang kanyang "walwal days."

Ito ang mga araw na laman siya ng iba't ibang high-end bars sa Maynila.

Kuwento niya: "Actually, kasi ngayon pagka makita man nila ako sa ano [labas], ibig sabihin niyan ay galing ako sa contract signing, galing ako sa shoot, like celebration siya.

"Or kaya yung husband ko nandidito or family kaming lalabas.

"Pero nabu-bored na din nga po ako, e. Feeling ko kasi pa-30s na ako, parang tapos na rin po ako na, napagdaanan ko na siya. Ayun po."

May mga nagsasabi ngang 180 degrees ang pagbabago sa buhay niya.

Malaki raw ang impluwensiya ng asawa niyang si Bobby Ray Parks, Jr. sa kanyang ipinagbago.

Kahit sa mga panayam sa kanya ngayon, mas malalim at interesante ang kanyang mga sinasabi.

Komento ni Zeinab, "E, kasi po natuturuan ako ng asawa ko din, e. Kasi siyempre, deep talks kasi kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun po talaga. And andami po kong natututunang words. Yung mga dating hindi ko alam, talagang nag-open ako sa kanya, 'Anong ibig sabihin nun?' Mga ganun."

Siya man ay nagugulat din sa mga bagay na ipinagbago niya.

Aniya, "Ako rin po, e.

"Pag pinapanood ko yung sarili ko ngayon, like napa-proud naman po ako. Feeling ko po ano, [180 degrees], 'no?"

Sabay sabi rin niya, "Pero gusto ko pa ding good vibes pa din, kulit pa din, daldal pa din, ako pa din naman yun.

"Ngayon lang meron lang parang feeling ko ito yung purpose ko to become ano, example sa mga babaeng akala, nada-down, kasi isa ako sa number one na na-down."

Nakausap ng Real Talk ng PEP.ph si Zeinab sa contract signing nito bilang ambassador ng Luxe Slim ni Miss Anna Magkawas kamakailan lamang sa Okada, Manila.

Zeinab Harake with Miss Anna Magkawas at her contract signing as Luxe Slim ambassador held at Okada, Manila.
Zeinab Harake with Miss Anna Magkawas at her contract signing recently as Luxe Slim ambassador held at Okada, Manila.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Zeinab Harake says husband Ray Parks Jr. "an answered prayer"

ZEINAB HARAKE: ayaw ko na balikan...

Para kay Zeinab, kuntento at masaya siya sa direksiyon ng buhay niya ngayon.

Na sa kabila ng mga pagsubok na dinaanan niya sa buhay, posible pa rin daw pala na mahanap niya ang peace na mayroon siya ngayon.

"Yes, natuto din ako, kasi hindi din po ako magiging ganito kung hindi ko po napagdaanan yung mga malaking pagkakamali ring ginawa ko sa buhay ko.

"And nagpapasalamat din ako doon kasi lesson po yun na ngayon, ayaw ko na balikan."

Dagdag pa niya: "And hindi din po siya pagpapakitang-tao kasi talagang stable ang buhay ko.

"Kahit na nasa loob po ako ng bahay, hindi po ako umiiyak. Kailan ba ako huling umiiyak? Hindi ko na maalala.

"Yung mga iyak ko more in ano na lang, happiness or kaya sobrang overwhelmed na po."

Naka-upload na sa PEP.ph YouTube account ang Real Talk interview ni Zeinab.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Content creator Zeinab Harake says she is now a changed person

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Content creator and influencer Zeinab Harake on changing for the better: "Natuto din ako, kasi hindi din po ako magiging ganito kung hindi ko po napagdaanan yung mga malaking pagkakamali ring ginawa ko sa buhay ko. And nagpapasalamat din ako doon kasi lesson po yun na ngayon, ayaw ko na balikan."
PHOTO/S: Arniel Serato / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results