Lumikha ng ingay ang mga selfie post ng Kapuso actress na si Elijah Alejo, 21, sa Facebook noong April 1, 2026.
Nag-post si Elijah ng behind-the-scene photos lamang ng upcoming movie niyang She Who Must Not Be Named.
Saad niya sa caption, "Selfies from my look test last year for #SheWhoMustNotBeNamed"
Sa kabila nito, ilang netizens ang binigyan ng malisya ang larawang ibinahagi ni Elijah at hayagang nagkomento ng malalaswang salita.
Inipon ni Elijah ang mga bastos na komento at kanya itong ipinost noong April 4.

Caption niya: "The post vs the comments
"my photos are not your excuse, disrespect is never a compliment."
Read: Impersonator Michelle O'Bombshell dies
ELIJAH ALEJO LASHES BACK AT INAPPROPRIATE COMMEBTS
Matapos mag-post ng screenshots ng malalaswang comments, ibinahagi ni Elijah ang saloobin tungkol dito.
Deklarasyon niya (published as is): "Women are not toys. Hindi kami laruan na pwede niyong pagtripan kung kailan niyo gusto.
"Hindi kami objects na pwedeng bastusin at tawagin pang 'compliment.'"
Ikinalulungkot ng aktres na may mga netizen na ginawa nang normal ang pagsasabi ng mga bastos na salita sa isang tao, lalo na sa babae.
Saad ni Elijah: "2026 na pero may mga utak pa ring naiwan sa panahong akala nila okay lang ang pambabastos.
"Hindi pagiging confident o maganda ang problema. Hindi pagpo-post ng photos ang issue.
"Kayo ang problema. Yung mindset na iniisip niyong may karapatan kayong mang-bastos."
Ayon pa sa 21-anyos na aktres: "Just because you see a woman online does not mean you own a piece of her.
"Hindi ibig sabihin na visible kami, available na kami sa kabastusan niyo. Hindi ibig sabihin na nagpost kami, pumayag na kami.
"Respect is basic. Kung wala kayo nun, that says everything about you."
Sana raw nanahimik na lamang ang netizens na nagkomento kung hindi nila kayang rumespeto sa babae.
Hindi rin daw compliment ang mga salitang nakakabastos sa iba.
Ani Elijah: "So kung wala kayong kayang ibigay kundi bastos na salita, manahimik na lang kayo.
"Women will continue to exist, express themselves, and take up space kahit hindi niyo kayang rumespeto.
"At tandaan niyo, ang pambabastos ay hindi kailanman magiging compliment."
Maraming netizens ang naghayag ng suporta kay Elijah.


Read: Andi Manzano recovers lost bag thanks to Korean Uber driver
