Hindi ikinakahiya ng aktres na si Nadine Samonte ang pagbebenta sa e-commerce apps sa pamamagitan ng live selling.
Ito ay sa gitna ng panghuhusga sa mga showbiz personality na nagla-live selling dahil daw wala na silang career o "laos na."
Pero sa kaso ni Nadine, ipinagmamalaki pa niya ito dahil malaki raw ang naitulong nito sa kanyang pamilya lalo na noong panahon ng pandemya.
Kabilang sa mga ibinenta ni Nadine noon ay danggit at tuyong dilis.

Ibinahagi ni Nadine kung paano siya nagsimula sa pagla-live selling.
Lahad niya: "Actually, nung si Dianne Medina nag-message, nakita ko kasi yung mga post niya.
"Ang dami niyang schedules. Sabi ko, 'Wow. Ang dami mo naman schedule. Sana all.'
"Lahat kami, mga friends niya.
"Tapos nag-message siya sa akin. Sabi niya, 'Nads, gusto mo bang try mag-live sell?'
"Sabi ko, 'Oo! Why not?'
"Sabi niya, 'Okay lang sa yo?' 'Oo, okay lang.'
"Kahit magkano ang budget, wala naman akong ano dun. Kasi gusto ko lang i-try.
"At the same time kasi, yun yung ina-eye ko, na yun yung gagawin ko kasi with Anaiah, para at least meron na akong experience on how to do live sell."
Ang Anaiah ang supplements and drinks business ni Nadine.
Noong sinubukan na niya ang pagla-live selling, natuwa raw si Nadine dahil kahit walang script, sumusunod na lang siya sa daloy ng usapan during the live-selling sessions.
Pagpapatuloy ni Nadine: "So from there, nag-try akong mag-live sell. In all honesty, sobrang tuwang-tuwa ako.
"Nag-enjoy talaga ako kasi sa three hours, hindi ko ma-imagine, e, pagdating ko pa lang dun, hindi niya ako sinabihan kung anong gagawin, anong ibibenta. Wala.
"Talagang salang agad. So, pagsalang ko, 'Ah, okay. Ganito pala.'
"So, sumasabay na lang ako doon sa parang co-host ko. So from there, nag-enjoy ako.
"So, masasabi ko sa mga nagsasabi na parang ang baba ng tingin nila sa amin kasi nagla-live sell na rin ako, e, bahala na sila.
"Bahala sila kung anong gusto nilang isipin at tingin sa amin.
"Kasi at the end of the day, ang nagma-matter lang is nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo and wala ka naman ginagawang masama. And at the same time, kumikita ka.
"So, okay lang. Well, I don't really... no comment lang ako sa kanila.
"Siguro ang comment ko sa kanila is try niyo na rin mag-live sell. Ganun lang."
Nang natapos ang pandemic, tuluy-tuloy pa rin si Nadine sa pagla-live sell.
View this post on Instagram
Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian
NADINE SAMONTE: FROM SELLING DANGGIT TO OWNING A COMPANY
Mula noon ay nagsumikap daw si Nadine na matupad ang isa pa niyang pangarap — ang magkaroon ng sariling negosyo.
At dito nga isinilang ang itinuturing niyang "answered prayer" business, ang Anaiah supplements and drinks.

Nag-ugat daw ito nang sinabihan siya ng doktor na mahihirapan siyang magkaanak.
Saad niya: "Siyempre iyon yung unang question ko, bakit?
"So, 'May problema ba sa akin? May kailangan ba bang ayusin sa sarili ko?'
"So, doon nag-umpisa yung wellness. Inisip ko, dapat alagaan ko yung sarili ko.
"Pero nung binigyan ako ni Lord, nang magkaroon ng tatlong napakagandang mga anak, doon ako nakapag-isip na kailangan alagaan ko yung sarili ko para sa kanila.
"Hindi lang para sa akin, kundi para sa kanila at para sa pamilya ko."
May tatlong anak si Nadine at ang mister niyang si Richard Chua: sina Heather Sloane, Austin Titus, at Harmony Saige.
"So from there, I started doing, nagbenta ko ng mga lipstick noon," pagpapatuloy ni Nadine.
"Gumawa ako ng parang cosmetic noon. Lipstick, nagbenta ako ng liptint, mga ganun.
"Pero hindi pa rin siya parang hindi pa rin ako... hindi pa rin yung para sa kin.
"I don't know why, nararamdaman ko yun, e. Parang hindi pa rin ito yung para sa akin.
"Sumunod, nagbenta ako ng danggit, tuyo, na na-bash pa ako.
"Pero ang sa akin, tuwang-tuwa ako noon kasi kahit pandemic, kumikita ako.
"And para sa pamilya ko yun at nagtatrabaho ka nang maayos.
"After that, parang na-realize ko, parang may nagsabi sa akin, 'Parang hindi bagay sa yo magbenta ng tuyo.'
"Sabi ko, 'Okay lang naman yun, pagkain naman yun, e. Maayos naman yung ginagawa ko, so anong problema doon?'
"So from there, after nun, parang later on, nasabi ko sa sarili ko na, 'Parang siguro it's time na bumalik ako ulit sa nakaraan ko, na yung sarili ko, yung wellness ko.'
"So from there, nag-isip ako, 'Ano bang dapat kong gawin? After kong maging artista, after kong maging nanay, what's next?'
"So doon ko nakita yung name na Anaiah, na pagkita ko, kinutuban ako at kinilabutan ako kasi nakalagay doon, 'Answered prayer of God.'
"So, dito na nag-start yun. So from there, naisip ko na, 'I want something na mai-share ko sa mga tao na, you really have to take care of your health, no matter what. Maski single ka, may pamilya ka, you have to take care of your health.
"Kaya nga sinasabi nila, health is wealth, di ba?"
Ang Anaiah ay five variants ng supplements at drinks. Aprubado raw ito ng Food and Drug Administration.
Samantala, sa Real Talk ng PEP.ph YouTube channel, may ibinahagi si Nadine na hindi niya makakalimutang conversation nila ng namayapang Superstar at National Artist na si Nora Aunor noong nagkasama sila sa seryeng Sa Ngalan ng Ina sa TV5.
Isa sa mga ito ay ang tumatak na matinding pagsampal niya kay Nora na tumatayong stepmother niya sa show.
Ano ang nami-miss niya kay Ate Guy? Abangan sa Mayo 2026.
Read: Janine reveals Jericho has everything she looks for in a partner
