PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelvin Miranda mourns death of father Patricio

Kelvin’s father dies in accident.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 8 hours ago
kelvin miranda father death
Kelvin Miranda to late father Patricio Miranda: "Mahal na mahal kita. Hindi man natin ito nasasabi sa isa't isa pero alam kong alam mo na mahal kita at alam ko rin na mahal mo ako."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Labis na nagdadalamhati ngayon ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda dahil sa pagpanaw ng kanyang amang si Patricio Miranda.

Nitong Biyernes, April 17, 2026, ibinahagi ni Kelvin sa kanyang social media accounts ang malungkot na balita sa pagpanaw ng pinakamamahal na ama.

Kalakip ang lumang litrato nila na kuha noong nagtapos ng high school si Kelvin, naghayag ng saloobin ang aktor sa pagkamatay ng kanyang ama.

Kelvin Miranda mourns death of father Patricio
Photo/s: Kelvin Miranda on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Kelvin, tanging pangarap ng kanyang ama ang makatapos siya ng pag-aaral—isang bagay na hindi natupad nang piliin niyang pasukin ang mundo ng showbiz, na noong una ay hindi sinang-ayunan ng kanyang magulang.

Read: Kelvin Miranda recalls past cheating allegation

Saad ng Sang'gre actor: "Wala pa akong napapatunayan sayo magmula noong sinuway ko yung gusto mo na magtapos ako ng pag-aaral para sa pag aartista ko.

"Marami akong laban na itinago sayo para isipin na kaya ko at malakas ako, na kaya ko yung sarili ko.

"Itong litrato na ito, ito lang ang kaisa-isang achievement ko na nasaksihan mo na alam kong masaya ka para sakin.

"Isang taon nakalipas, pinili kong tahakin ang showbiz kahit na mahirap ito para sa akin dahil alam kong labag ito sa loob mo.

"Pero nagsumikap ako para makita mo na patunayan ko sayo na kaya ko yung sarili ko.

"Hindi para kontrahin ka, kung hindi para maging masaya ka sa bagay na alam kong makapagbibigay ako ng kulay sa buhay natin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gaya ng ibang mag-ama, inamin ni Kelvin na nagkaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ama.

Ngunit kalaunan, napagtanto niyang ang mga ito ang humubog sa kanyang pagkatao at nagpatatag sa kanya.

Kaya naman ganoon na lamang daw ang pagdadalamhati ngayon ni Kelvin dahil sa biglaang pagpanaw ng ama nang hindi man lamang ito nakapagpaalam sa kanya.

Pahayag niya: "Lahat ng pagtatalo natin ay hindi ko makakalimutan, dahil doon ako natuto at napatunayan na lahat ng sinasabi mo sakin noon ay totoo.

"Akala ko kaya ko na pero ngayon ko lang naramdaman na ganito pala kasakit kapag wala ka na.

"Walang kasing sakit, hindi ka nagpaalam sa akin, sa amin. Lagi kang nambibigla, yung hindi ako handa, palagi mo akong sinusubok sa bawat pagkakataon.

"Sa pagkakataong ito, mukhang mahihirapan akong tanggapin na wala ka na, wala nang kokontra sa akin para sa mga gagawin kong desisyon.

"Napatunayan ko yon na ginagawa mo [lang] yon para lang siguraduhin kung tama ang pasya na pipiliin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, ipinahayag ng aktor ang kanyang walang hanggang pagmamahal sa ama, kahit pa raw hindi nila ito madalas nasasabi noon sa isa’t isa.

Mensahe ni Kelvin: "Mahal na mahal kita. Hindi man natin ito nasasabi sa isa't isa pero alam kong alam mo na mahal kita at alam ko rin na mahal mo ako.

"Masakit Daddy, lagi mo nalang ako sinasaktan pero kahit na ganon mahal na mahal kita at hindi kita makakalimutan."

Read: BINI members introduce themselves in local dialects at Coachella

Kelvin recalls family memories in emotional tribute to late father

Sa hiwalay na post, ibinahagi ni Kelvin ang isang lumang video mula sa birthday celebration ng inang si Daisy Miranda, kung saan makikitang kumakanta ang kanyang ama habang may hawak na cake.

Sa caption ng post, sinabi ng Kapuso actor na nais niyang bumalik sa mga panahong ito na sila ay kumpleto—sa isang tahanan na bagamat maliit ay puno naman ng saya at pagmamahalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya: "Parang gusto kong bumalik sa mga oras na tio. Kahit na nasa maliit tayong tahanan maituturing ko itong masayang uwian, mabilis magkakitaan, mabilis magkarinigan, walang maitatagong sikreto lahat nagkakakitaan ng laman ng damdamin.

"Masaya kahit hindi nagkakausap, kahit na walang kibuan bastat yung presensya lang ay nandiyan.

"May biruan asaran, diskusyunan maliit na inuman, sama-sama sa iisang tulugan."

Base sa hulling pahayag ni Kelvin, sumakabilang buhay ang kanyang ama dahil sa isang aksidente.

Read: Lumang naughty interview ni Kelvin Miranda, paulit-ulit nabubuhay

Bagamat walang eksaktong detalye, sinabi niyang sana ay hindi muna ito umalis sa kanilang bahay—isang pangyayaring sa tingin niya’y maaaring nakapagpabago ng nangyari.

Aniya, "Sana masaya ka sa pag alis mo. Sana pala kinain mo na muna yung hinandang pagkain sayo bago ka bumiyahe kanina para sana na-delay at makaiwas ka sa aksidente.

"Sana nakinig ka nalang kay mama na huwag muna umalis. Sabi mo babalik ka para kumain. Pero hindi ka na talaga nagpapigil."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda to late father Patricio Miranda: "Mahal na mahal kita. Hindi man natin ito nasasabi sa isa't isa pero alam kong alam mo na mahal kita at alam ko rin na mahal mo ako."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results