Muling kinilig ang followers ni Frankie Pangilinan sa Instagram dahil spotted na naman silang magkasama ng boyfriend na si Dan Santamaria Laurel.
Sa kanyang account noong April 20, 2026, nag-post si Frankie ng random pictures niyang kuha nitong mga nagdaang araw.
Kasama sa mga ito ang larawan nila ni Dan.

Caption ng anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan: "all songs are old to someone"
View this post on Instagram
Read: Bea at Vincent, ikinasal na sa Maynila? Bea, hindi pa raw buntis
MIEL PANGILINAN, NETIZENS REACT
Ang kapatid ni Frankie na si Miel Pangilinan ang isa sa mga nagkomento sa post.
Biro niya, "there yall go again [face with rolling eyes emoji]"

Ngunit bawi niya, "im kidding i love you"

Puro heart emojis naman ang komento ng iba at may nagsasabi ring bagay sina Frankie at Dan.


Read: Who is Dan Santamaria Laurel, Frankie Pangilinan's boyfriend?
FRANKIE FLEXES DAN DURING THEIR BEACH GETAWAY
Bago ito, kinakiligan ng netizens ang beach getaway photo nina Frankie at Dan noong April 9, 2026.
Nasa tabing dagat ang magkasintahan kung saan sweet na sweet sina Frankie at Dan.
Base sa comments, natukoy roon ng netizens na ang lalaki raw, si Dan nga, ay boyfriend ng anak nina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.
Lalo pa itong nakumpirma nang tawagin ni Miel na "Ate and Kuya" sina Frankie at Dan.
Base sa pagsasaliksik, si Dan ay second cousins ng aktres-singer na si Denise Laurel, at TV personality and socialite na si Tessa Prieto.
Read: Frankie Pangilinan flexes boyfriend Dan Laurel on Instagram
