PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date

So, has the wedding already happened, or is it yet to happen?
by Bernie V. Franco
Published 5 hours ago
Vincent Co, Bea Alonzo
Speculation is rife that A-lister Bea Alonzo has allegedly tied the knot with businessman Vince Co. However, there is still no confirmation about the Manila wedding. What PEP sources point to is the wedding in Spain that will happen on May 12.
PHOTO/S: Instagram

Kasal na o ikakasal pa lang?

Palaisipan ngayon sa showbiz kung ano ang totoo tungkol sa napapabalitang kasal ng A-list actress Bea Alonzo at ng businessman na si Vincent Co.

Ikinasal na umano ang couple sa isang pribadong seremonya, ayon sa isang showbiz blogsite, noong April 24, 2026, Biyernes.

Pero at this writing, wala pang kumpirmasyon kaugnay ng diumano’y celebrity wedding.

Read: Bea Alonzo at Vincent Co, ikinasal na sa Maynila?

Sa ulat ng PEP Troika noon ding April 24, tinalakay ang bali-balitang nagpakasal na umano ang couple sa Maynila bago ang Spain wedding sa darating na Mayo.

Subalit humirit ang Troika na may source sila na sinabing huwag patulan ang sinasabing nagpakasal na raw ang dalawa.

Vincent Co, Bea Alonzo
Bea Alonzo and beau Vincent Co keep people guessing as to when is the date of their wedding.
Photo/s: Dr. Aivee Teo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo at Vincent Co, ikinasal na sa Maynila?

Nakadagdag sa pagkalito ng netizens ang sighting kay Bea sa opening ng isang branch ng beauty clinic noong araw na kumalat ang bali-balitang ikinasal na ito sa Manila.

Isa si Bea sa mga artistang dumalo sa Aivee Clinic sa Parqal Mall sa Parañaque City noong Biyernes.

Dumalo rin sa event sina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Judy Ann Santos, Heart Evangelista, Maja Salvador, Nadine Lustre, at marami pang iba.

REPORT ABOUT MANILA WEDDING NOT TRUE

Sa hiwalay na impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakumpirmang walang naganap na Manila wedding sa pagitan nina Bea at Vincent.

May mga nakausap ang PEP na may kaugnayan sa couple na tila nagtaka pa kung bakit may mga ganung lumalabas na impormasyon.

Hindi pa raw talaga kinakasal ang couple.

Tila hindi maiwasang mag-isip ng iba na may kasalang naganap sa Manila dahil noong March 8, inanunsiyo sa St. Peter The Apostle Parish sa Paco, Manila, ang wedding banns nina Bea at Vincent.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakunan ng screenshot ang announcement sa online Mass sa official page ng simbahan kaya lehimito ang impormasyon.

Sa pagsisiyasat ng PEP, isang parishioner sa St. Peter The Apostle Parish Church ang nagkumpirmang narinig niya ang wedding banns nina Bea at Vincent noong March 8.

Ang wedding banns ay public announcement ng napipintong kasal ng isang Roman Catholic couple.

Ginagawa ang anunsiyo for three consecutive Sundays sa parish church kunsaan residente ang ikakasal.

Inaanunsiyo rin ito sa karatig na mga simbahan upang masigurong walang balakid sa pagpapakasal ng isang couple.

Ayon sa isang Catholic priest na nakausap ng PEP, bagamat nakapaglabas ng wedding banns sa isang simbahan, hindi nangangahulungang sa simbahang iyon gaganapin ang kasal.

Puwedeng maganap ang kasalan sa Roman Catholic church sa ibang probinsiya o ibang bansa.

Hindi rin ibig sabihin na three weeks pagkatapos ianunsiyo ang wedding banns ay magaganap na ang kasalan.

Ang mahalaga ay nakumpleto ang mga dokumento, proseso, at preparasyon para maging lehitimo ang pagpapakasal ng couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kaso nina Bea at Vincent, natapos na nung katapusan ng Marso ang three consecutive Sundays para ianunsiyo ang wedding banns.

Pero hindi ibig sabihin na kinasal na ang dalawa.

Ito ay dahil puwede namang lumampas ng three consecutive weeks ang mismong wedding date na napili nila.

WHAT PEP SOURCE SAYS ABOUT WEDDING IN SPAIN

Isa pang hiwalay na source ang nagsabi sa PEP na sa Spain nga gaganapin ang kasal nina Bea at Vincent.

Ang pagkakaiba nga lang sa mga ibang lumabas na balita, hindi sa May 16 ang wedding kundi mas maaga ng ilang araw.

May 14 umano ang nakatakdang kasal nina Bea at Vincent.

Sinabi rin ng PEP source na may gaganaping welcome party ng May 12, o dalawang araw bago ang binanggit na wedding date.

Inaasahan daw rito ang pagdalo ng mga guest ng ikakasal na sina Bea at Vincent.

Ang welcome party ay gaganapin sa Jerez de la Frontera, ayon sa PEP source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kasal naman ay mangyayari sa Seville.

Ang Jerez dela Frontera at Seville ay parehong nasa Andalusia, isang autonomous community na matatagpuan sa Southern part of Spain. Sinasabing around one-hour drive ang layo ng dalawang lugar sa isa't isa.

Incidentally, may negosyo ang pamilya ni Vincent sa Jerez de la Frontera sa Andalusia.

Noong May 2018, lumagda ng business partnership ang ama ni Vincent, ang bilyonaryong si Lucio Co, kay Jesús Medina García de Polavieja, chief executive officer ng Williams & Humbert Wineries.

Ang winery business na ito sa Jerez ay tinatayang 149 years old na at kilala sa paggawa ng Sherry wine at brandy.

Binili ng The Keepers Holdings Inc. (TKHI), pagmamay-ari ni Lucio Co, ang 50 percent ng Williams and Humbert Wineries sa halagang 88.75 million euros, ayon sa Esquire article noong 2022.

Ang katumbas nito, tumataginting na PHP5.08 billion.

Si Lucio ay business tycoon na nasa retail business. Bukod sa TKHI na focused sa liquor distribution, kabilang sa negosyo nila ay retail, real estate, oil and mineral distribution, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa retail business, pagmamay-ari nila ang Puregold at S&R.

Noong 2025, pang-siyam si Lucio at asawang si Susan Co sa Philippines' 50 Richest ng Forbes.

BEA ALONZO UPCOMING TELESERYE IN GMA-7

Samantala, napaulat naman noong 2022 na nakabili ng apartment si Bea sa Madrid.

May ginagawa ngayong teleserye si Bea sa GMA Network, ang Whispers From Heaven.

Kinumpirma naman ni Zig Dulay, ang direktor ng teleserye, na naayos na ang mga schedule dahil sa susunod na taon pa ito ipalalabas sa GMA.

Umiwas ang direktor nang matanong kung tatamaan ba ang kanilang schedule sa inaasahang wedding ni Bea sa Mayo.

Basta ang tiniyak ni Zig patungkol sa serye, "I think naayos naman na lahat ang schedule."

Read: Zig Dulay asked if taping will stop for Bea Alonzo's wedding

Vincent Co, Bea Alonzo
Photo/s: Cheddy's Corner on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Speculation is rife that A-lister Bea Alonzo has allegedly tied the knot with businessman Vince Co. However, there is still no confirmation about the Manila wedding. What PEP sources point to is the wedding in Spain that will happen on May 12.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results