Hiwalay na ang former Pinoy Big Brother housemate na si Angelie "Lie" Reposposa sa British fiancé niyang si Paul Joshua Marsden matapos ang tatlong taong relasyon.
Sa kanyang Facebook ngayong hapon ng Martes, April 28, 2026, inanunsiyo ni Paul na tinapos na nila ni Lie ang kanilang relasyon.
Kalakip ang ilang larawan nila, pinasalamatan ni Paul si Lie na nagsilbi umanong "peace and safe place" niya.
Naging sandigan din daw niya si Lie sa loob ng panahon ng kanilang pagsasama.
Pero lahat daw ng kuwento ay may katapusan.
Buong post ni Paul: "Thank you for being my peace and my safe place.
"You helped me stand up when I was down.
"But every story has an ending, and ours ends here.
"Thank you for the memories, they will stay forever."
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date
NETIZENS REACT TO PAUL-LIE BREAKUP ANNOUNCEMENT
Sa comments section ng post ni Paul ay ipinahayag ng ilang netizens ang kanilang pagkabigla at pagkalungkot.
Tanong ng isa (published as is): "Why po i hope have a chance pa to grow up again your relationship"

Nakatunog naman ang isang netizen na tila may problema sa relasyon ang dalawa.
Sabi nito: "Sabi ko na nga ba kasi lagi sayang mag Isa samga TikTok nya recently"

Obserbasyon naman ng isa: "You were there when lie has no one to talk to. You stand by her side, but all of a sudden, your sacrifices we’rent paid off.
"So sad to know that you will go in separate ways. I hope the stars will align for you to meet again."

Sabi pa ng isa, "it is true Paul Marsden ... im fan two boths of u and why.. what reason.."

May mga umaasa ring sana ay hindi ito totoo at baka "April Fools Day" lamang na nahuling i-post.



Pero may nananalig ding "ikakasal" sina Paul at Lie.


Ang iba naman ay idinaan na lamang sa biro ang hiwalayan nina Paul at Lie.


Wala pang post si Lie ukol dito.
Read: Maria Isabel Lopez now recovering after surviving car crash
LIE REPOSPOSA-PAUL MARSDEN RELATIONSHIP
Unang ipinakilala ni Lie sa publiko si Paul na kanyang nobyo bago mag-Pasko noong 2022.
Napagtanto ng netizens na may love life na si Lie dahil sa post niyang larawan kasama ang isang banyaga habang nasa isang clothing store.
Caption ni Lie sa kanyang photos (published as is): “Your my sun and moon your everything between in the middle of the stars collide with you.”
Nilagyan niya ito ng hashtag na #rodtoo4ever (road to forever).
Nag-upload naman ng video si Paul sa Instagram na may simpleng caption na: “Happy Days.”
Read: Lie Reposposa, posts foreigner boyfriend on social media
Makalipas lamang ang dalawang buwan, noong February 25, 2023, ginulat ni Lie ang kanyang followers dahil sa anunsiyo niyang engaged na sila ni Paul.
Ginawa ito ni Lie noong February 25, 2023, o dalawang buwan lamang matapos niyang ipakilala ang nobyo sa social media.
Caption ni Lie sa kanyang post, "It’s a YES. Parents approved."
Read: Ex-PBB housemate Lie Reposposa, 19, engaged to British boyfriend
