Nabuhayan ng loob ang followers ni Lie Reposposa at ng British ex-fiancé niyang si Paul Joshua Marsden dahil tila walang nangyaring hiwalayan sa pagitan ng dalawa.
Sa pamamagitan ng Facebook, binati ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Lie si Paul sa ika-23 kaarawan nito ngayong Miyerkules, April 29, 2026.
Maiksi niyang mensahe: "Happy Birthday to you. Have a special day."
Si Paul din ang unang nagkomento sa post ni Lie.
"thanks. you should come over," sabi nit

Read: Ronnie files complaint vs. NDA violators at wedding with Loisa
NETIZENS REACT TO LIE REPOSPOSA'S BIRTHDAY MESSAGE
Napansin naman ng ilang netizens na tila malamya ang palitan ng mensahe ng dalawa, hindi gaya dati na puno sila ng pagmamahalan at sweetness.
Ayon sa isang netizen, indikasyon itong hiwalay na nga ang dalawa.
Sabi ng nag-comment: "This reply screams theyre really no longer together"
Snang-ayunan naman ito ng iba pang netizens.

Nalilitong sabi naman ng isa: "Akala ko hiwalay na cla, fake news na nman ba nabasa ko pero kase Diba nagpost din si Paul Anu ba talaga? Hahaha anyway, HAPPY BIRTHDAY sayo Paul"
Tugon ng isang follower: "yung reply ni paul mejo tagilid. Halatang wala na talaga."

May ilan namang kinukumbinsi pa rin ang kanilang sarili na prank lang ito at bahagi ng April Fools' Day na pumapatak ng April 1.






Read: Matet de Leon fires back at bashers amid inheritance issue
THE BREAKUP ANNOUNCEMENT
Walang paliguy-ligoy ang breakup anouncement ni Paul kahapon, April 28, tungkol sa kanila ni Lie.
Sa Facebook, inanunsiyo ni Paul na tinapos na nila ni Lie ang kanilang relasyon.
Kalakip ang ilang larawan nila, pinasalamatan ni Paul si Lie na nagsilbi umanong "peace and safe place" niya.
Naging sandigan din daw niya si Lie sa loob ng panahon ng kanilang pagsasama.
Pero lahat daw ng kuwento ay may katapusan.
Buong post ni Paul: "Thank you for being my peace and my safe place.
"You helped me stand up when I was down.
"But every story has an ending, and ours ends here.
"Thank you for the memories, they will stay forever."
Read: Lie Reposposa and fiancé Paul Joshua Marsden break up
Unang ipinakilala ni Lie sa publiko si Paul na kanyang nobyo bago mag-Pasko noong 2022.
Makalipas lamang ang dalawang buwan, noong February 25, 2023, ginulat ni Lie ang kanyang followers dahil sa anunsiyo niyang engaged na sila ni Paul.
Read: Ex-PBB housemate Lie Reposposa, 19, engaged to British boyfriend
