PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cai Cortez thrives as single mom; finds new love

"Kaya kong buhayin ang mga anak ko."
by Ruel J. Mendoza
Published 11 hours ago
Cai Cortez with kids Bibo and Carmen
Cai Cortez wins the custody battle against ex-husband Wissem Rkhami. She is now in a long-distance relationship with a U.S. Navy serviceman. In photo: Cai with kids Bibo and Carmen
PHOTO/S: Cai Cortez on Facebook

Single parent si Cai Cortez, pero masaya raw siya.

Sa huling panayam ng aktres sa PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) taong 2024, inila-lobby niyang maipasa na sana ang Divorce Bill.

Ongoing at that time ang custody battle nila ng Tunisian ex-husband na si Wissem Rkhami sa dalawa nilang anak, sina Bibo, 9, at Carmen, 6.

Pumabor sa kanya ang desisyon ng korte.

Sa presscon ng Kapuso afternoon series na Apoy Sa Dugo, nagkuwento si Cai sa PEP: “He actually sued for full custody. Pero siyempre, nanalo tayo.

"Gusto niya sa kanya yung mga bata, hindi naman ako pumayag.

"Sa edad nila ngayon, dapat sa nanay sila.

"Kaya nagtatrabaho tayo nang husto, para sa mga anak ko. Kahit ako lang, kaya kong buhayin ang mga anak ko."

Naghiwalay sina Cai at Wissem noong 2023 matapos ang limang taong pagsasama.

Read: Cai Cortez inihayag kung bakit siya pabor sa Divorce Bill

CAI CORTEZ HAS FOUND A NEW LOVE

Kasalukuyang may inspirasyon ang 37-year-old actress: isang divorced U.S. Navy guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“More than a year na rin kami. Nag-meet kami online. He’s one year younger than me."

Nagkita na raw sila in person, at tila going strong ang kanilang Long-Distance Relationship o LDR.

"Umuwi siya ng Pilipinas. He’s in the U.S. now kaya balik sa pagiging LDR. But he has plans na umuwi ng Pilipinas for good.

“My kids are close na sa kanya. Tuwing nandito siya, sobrang bonding sila.

"Diyos ko, spoiled ang mga anak ko sa kanya. And siyempre, pinaplano din namin dalhin sa U.S. ang mga bata.”

CAI CORTEZ JUGGLES SHOWBIZ AND PUBLIC SERVICE

Bukod naman sa pagiging artista, isa ring pulitiko ang anak ni Rez Cortez.

Na-elect si Cai noong May 2025 elections bilang konsehal sa municipality ng Taytay, Rizal.

Proud ang aktres na sa kabila ng pagiging abala sa iba pa niyang roles sa buhay ay visible daw siya sa lugar na pinagsisilbihan.

Aniya, “Makikita nila ako parati sa munisipyo. At patuloy ang pagsama ko sa mga activities sa mga barangay."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Cai Cortez is a councilor in Taytay, Rizal
Cai Cortez is a councilor in Taytay, Rizal.
Photo/s: Cai Cortez on Facebook

Alam daw niyang maraming mata ang nakatutok sa kanya lalo pa't artista siya.

“Well, kailangan mo na i-expect yun kasi, siyempre, tumatanggap ka ng sahod galing sa taong bayan. So you have to be open to be criticized by the taong bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, kaya ako tumakbo talaga. Kasi sawa na ako magreklamo...Marami rin akong mga katanungan, e.

“Gusto ko nang gumawa at magkaroon ng pagbabago. So far, happy naman po ako. May nagagawa na tayo para sa mga taga-Taytay.

"I'm given this chance to work for them and happy naman po ako."

Every month daw ay may performance evaluation sila sa munisipyo, pero mas matindi pa raw ang evaluation ng mga mapagmatyag na netizens.

“Sa totoo lang, mas malala nga po ang social media evaluation, e.

“Kasi every day, di ba? May nakikita kang comments, may nakikita kang mga messages. Kaya dun pa lang, na-assess mo na sarili mo kung nasa tama ka bang path? Nagtatrabaho ba ako nang tama?

“In fairness, maganda, nakakatulong ako sa maraming tao. Sa social media mo na lang makikita na, ‘Ay, mabait ito, masipag ito!’”

Pero inamin din ni Cai na in the long run, mas pipiliin pa rin daw niyang maging artista kesa maging pulitko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Trabaho ko ngayon, pulitiko, so gagalingan ko. Pero mas madaling maging artista, sa totoo lang.

“Mas madaling kang kumita sa showbiz. Walang judgment, pero walang kita sa pulitika.

“Yun kasi ang misconception. Kapag naging pulitiko ka ay yayaman ka. Yung mga magnanakaw lang pala ang yumayaman,” tawa pa ni Cai.

Cai Cortez is part of Kapuso series Apoy sa Dugo
Cai Cortez is part of Kapuso series Apoy sa Dugo
Photo/s: Screen Grab from GMA Drama video on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman, kapag may offer kay Cai na pelikula o teleserye, pinagpapaalam niya ito dahil ang pag-arte ang pinaka-bread and butter ng kanyang pamilya.

“Kaya thankful ako sa mga producers at sa mga TV network na kinukuha ako kahit alam nilang nasa public service ako ngayon.

"I’m being very professional sa dalawang mundo ko. I make sure na wala akong nababalewalang trabaho. Tamang time management lang,” sabi ni Cai, na kabilang sa cast ng GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.

Samantala, may plano raw si Cai na ituloy ang pagkakaroon ng master’s degree para raw mas mapalawak ang kaalaman niya.

“As councilor naman, tatlong terms puwede bago maka-graduate. So, wala pa sa isipan ka na lulundag ako to a higher position.

“Gusto ko po mag-aral nang mag-aral. Like, bago ko pinasok ang pagiging konsehal, nag-aral po ako ng political science.

"Ngayon, gusto ko po magtapos ng master's.

“Parang gusto kong mag-aral muna bago isipin na iangat pa yung political career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi po tama na takbo lang tapos wala kang alam.

"Nakakatakot din na sumabak na hindi ka handa. Parang nakakatakot na papirmahin ka ng something na hindi mo naiintindihan. So, magandang mag-aral muna.”

Bago nito, nag-aral siya ng Theatre Arts sa University of the Philippines-Diliman.

Read: How Maxene Magalona fixed her sleep and overall well-being

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cai Cortez wins the custody battle against ex-husband Wissem Rkhami. She is now in a long-distance relationship with a U.S. Navy serviceman. In photo: Cai with kids Bibo and Carmen
PHOTO/S: Cai Cortez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results