Mukhang hindi na talaga mapipigil ang pagmamahalan nina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at Kapamilya actor na si Jake Cuenca dahil dinala mismo ng una ang napapabalitang boyfriend kung saan siya nagsimula sa showbiz.
Sa ongoing coronation ngayon, May 2, 2026, ng Miss Universe Philippines 2026 sa Mall of Asia Arena, Pasay City, spotted na magkasama ang rumored couple.

Sina Jake at Rabiya ang nagpakilala sa pageant's provincial partner, ang Misamis Occidental.
Si Rabiya ang unang Miss Universe Philippines matapos bitawan ng Bb. Pilipinas ang franchise ng pageant.
Ang huling sighting nina Jake at Rabiya ay noong April 20, 2026, kung saan magkasama sila sa isang "movie night."
Dito ay ipinakita ng aktor kung paano niya binuhat sa kanyang likuran si Rabiya.
Matatandaang sa panayam ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 2025, sinabi niyang single siya, pero "enjoying someone's company."
At kung iibig daw siyang muli, aniya, "I'm never gonna be that type of person who's hiding...So, when it comes to my personal life, I'm gonna live it the way I wanna live it. And I'm not gonna hide."
Ang huling girlfriend ni Jake ay si Chie Filomeno. Kinumpirma ng aktor ang breakup nila noong October 2025.
Ang latest boyfriend naman ni Rabiya ay si Jeric Gonzales, na kinumpirma ang hiwlayan nila nitong March 2026.
Read: Jake Cuenca gives Rabiya Mateo piggyback ride during movie night
MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2026 TOP 7
Ongoing pa rin ang pagsasala sa Miss Universe Philippines 2026, kung saan ongoing ang Top 7 sa Question and Answer portion.
NARITO ANG PUMASOK SA TOP 7:
- Sultan Kudarat – Jenrose Javier (Pina Beauty Voting winners)
- La Union – Bea Millan-Windorski
- Cebu City – Apriel Smith
- Tarlac – Marian Arellano
- Taguig – Bella Ysmael
- Cebu Province – Nicole Borromeo
- Pampanga – Allyson Hetland
Read: Miss Universe Philippines 2026 unveils Top 15 finalists
Matapos nito, tatanghalin na ang Miss Universe Philippines 2026.
