Walang dudang nag-level up na ang relasyon ng rumored sweethearts na sina Jake Cuenca at Rabiya Mateo.
Lunes ng gabi, April 20, 2026, magkasama ang dalawa para sa isang "movie night."
Hindi malinaw kung saang condo unit o hotel sila nag-movie night, pero ipinakita ni Jake kung paano niya binuhat sa kanyang likuran si Rabiya.
Sweet na sweet ang dalawa habang papasok sa condo.
"Movie night" lamang ang caption ni Jake.

Noong April 19 naman, magkasamang nag-gym ang rumored couple.

Ilang oras ang makalipas, naka-backride naman si Rabiya habang nagmo-motor si Jake.

Read: Kim Chiu marks birthday by giving free gasoline, grocery packs
Jake and rabiya in baguio city, other sightings
Napapadalas ang public display of affection (PDA) nina Jake at Rabiya.
Hindi nila ito itinatago sa kanilang followers lalo na sa Instagtam.
Noong April 15, sa Baguio nagpalamig ang dalawa.
Kahit walang mahahabang captions ang kanilang post maliban sa "heart" emojis, dama ng publiko na higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon nila.
Read: Jake Cuenca, Rabiya Mateo spotted chilling together in Baguio
Maski "dating" lang ang kumpirmasyong sinabi nila sa publiko, hindi naman maitatatwa sa recent sighting nila sa isang footwear brand opening, naka-holding hands sila habang nakikipag-usap sa mga kaibigan at bisita na para bang umiinog sa isa't isa ang mundo nila.
Read: Jake Cuenca, rumored GF Rabiya Mateo attend an event together
Nanggaling sa isang masalimuot na relasyon si Jake noon sa aktres na si Chie Filomeno.
Read: Jake Cuenca closes chapter of his life with Chie Filomeno
Nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon ni Rabiya sa Kapuso actor na si Jeric Gonzales.
