Nilaro ni Frankie Pangilinan ang birthday greeting niya sa boyfriend na si Dan Santamaria Laurel.
Kahapon, May 5, 2026, ipinagdiwang ni Dan ang kanyang ika-29 kaarawan.
Sa Instagram, nagbahagi si Frankie ng carousel of pictures nila ni Dan sa mga gimik nilang dalawa.
May eksenang kumakain si Dan sa isang simpleng mamihan o kaya ay bumibili ng prutas sa isang fruit stand.

Nag-post din siya ng mga kuhang larawan mula sa kanilang casual dates at beach getaway.

Kapansin-pansin naman ang turing ni Frankie kay Dan sa birthday greeting niya rito.
Mensahe ni Frankie: "happy birthday to the rumored boyfriend of frankie Pangilinan"
View this post on Instagram
Mukhang may kinalaman ito sa mga artikulong nagsilabasan kunsaan "rumored boyfriend of Frankie Pangilinan" ang madalas na pakilala kay Dan.
Read: TV5 launches premiere talent arm Star Worx under Mr. M
Sharon Cuneta, Miel Pangilinan JOIN THE JOKE
Sinakyan din ng ina ni Frankie, ang Megastar na si Sharon Cuneta, ang caption ng anak.
Mensahe ni Sharon kay Dan: "Happy birthday to the alleged of my 2nd baby! Love you! [pink hearts emojis]"
Tugon naman ni Dan: "@reallysharoncuneta thank you so much tita! allegedly love you too [heart, smiling face emojis]"

Pati ang nakababatang kapatid ni Frankie na si Miel Pangilinan ay gumamit din ng "allegedly" sa pagbati nito kay Dan.
Aniya: "HAPPY BIRTHDAY KUYA! ALLEGEDLY"
Tugon ni Dan: "@mielpangilinan thanks so allegedly yeyepotttt"
Biro ni Miel: "@danlaurel2 i miss you very allegedly!!!!"

Sa comments section ay nag-react din ang ibang celebrities gaya nina Ruffa Gutierrez, Sam Cruz, at Tim Yap.


Read: Lorin Bektas graduates from college in California, USA
FRANKIE PANGILINAN-DAN LAUREL LOVE STORY
Hindi ma-post si Frankie Pangilinan tungkol sa kanyang personal na buhay.
Naging hayag lamang sa publiko ang relasyon nila ni Dan dahil noong April 9, 2026, nag-post si Frankie ng beach getaway photos nila kasama ang ilang kaibigan.
Mapapansing sweet na sweet ang magkasintahang Frankie at Dan habang sila ay nasa asa tabing dagat.
Read: Frankie Pangilinan flexes boyfriend Dan Laurel on Instagram
Nasundan pa ito noong April 20 kung saan nag-post ng random photos si Frankie ng mga ginawa niya noong mga nakalipas na araw.
Read: Frankie Pangilinan spotted with boyfriend Dan Laurel anew
Base sa pagsasaliksik, si Dan ay second cousin ng aktres-singer na si Denise Laurel at ng socialite na si Tessa Prieto.
Read: Who is Dan Santamaria Laurel, Frankie Pangilinan's boyfriend?
