PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?

The anticipated wedding of the year hangs in the balance.
by Erwin Santiago
Published Just now
bea alonzo vincent co wedding
A-list actress Bea Alonzo and billionaire heir Vincent Co have allegedly called off their much-awaited Spain wedding due to prenup agreement issues. As of this writing, the couple is yet to decide when the wedding is back on.
PHOTO/S: Instagram

Tuloy ba o hindi ang kasal ng A-list actress na si Bea Alonzo at ang billionaire scion na si Vincent Co?

Ito ngayon ang katanungan ng publiko matapos sumambulat ang isang blind item na hindi na raw matutuloy ang engrandeng kasal ng dalawang high-profile personalities na gaganapin dapat sa Spain.

Ayon sa ulat, ang dahilan umano ay ayaw pirmahan ng babae ang prenup agreement.

Marami ang naghihinalang ang tinutukoy sa kumalat na blind item ay sina Bea at Vincent dahil sila ang mga kilalalang personalidad na napapaulat ang kasalan sa Spain ngayong kalagitnaan ng Mayo.

Kaugnay nito ay nagsaliksik ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa katotohanan sa likod ng usap-usapang ito.

Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date

WHY THE WEDDING GOT CALLED OFF

Dahil mga prominenteng pangalan ang pinag-uusapan, inasahan na naming maingat sa pagbibigay ng impormasyon ang mga taong makakausap ng PEP.

Sa katunayan, walang iisang source ang nakapagsabi ng kabuuan ng kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit ayon sa sources ng PEP mula sa mundo ng showbiz, business, at fashion, totoo ngang natigil ang dati-rati'y tuloy-tuloy na paggulong ng malaking kasalan.

Ngunit nakatanggap ng abiso ang mga panauhing una nang naimbitahan na humihingi ng paumanhin o dispensa sa abalang naidulot ng mga pagbabago sa kasal.

Sa katunayan, makailang beses nang "on and off" ang pagpapakasal nina
Bea at Vincent.

At sa kasalukuyan, wala pa ring linaw kung ito ay "on or off."

Marami sa nakausap na sources ang nagsasabing ang isyu ng prenuptial agreement—o prenup, na isang legal na kasulatang nagtatalaga ng mga kondisyon para sa pagsasama ng ikakasal—ang malaking sanhi ng urong-sulong na kasal.

Dahil mula sa isang kilala at mayamang Filipino-Chinese family si Vincent, hindi kataka-takang humingi ang kanyang partido ng isang prenup agreement.

Karaniwan itong ginagawa hindi lamang ng Filipino-Chinese families kundi ng mga pamilyang malaki ang mga ari-arian.

Ngunit maliban sa sinasabing prenup, may iba pa raw na dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagdadalawang-isip sa kasalan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa ilang insider, mas matutuwa ang konserbatibong pamilya ng lalaki kung hindi naging showbiz personality ang mapapangasawa ng kanilang nag-iisang anak na lalaking tagapagmana.

Ang showbiz ay kilalang nakakatawag-pansin ng celebrity reporting, isang bagay na hindi inaasam ng isang pamilyang tutok sa business.

Liban dito, marahil daw ay nag-iisip din ang partido ng lalaki sa magiging anak ng dalawa. Kung matutuloy ang kasalan nitong Mayo 2026, si Bea ay 38 na taong gulang at si Vincent ay 45.

THE LATEST NEWS ABOUT THE WEDDING OF THE YEAR

Ayon sa pinakahuling impormasyon na natanggap ng PEP, hindi pa rin malinaw kung ano ang magiging desisyon nina Bea at Vincent sa isang kasalang nagpaghandaan na ng mga ninong at ninang at mga panauhing lilipad sa Espanya.

Masayang balita sana ito lalo pa't marami ang nagsasabing nakikita nilang tunay na nagmamahalan sina Bea at Vincent.

Hangad ng marami na magkaroon ng hindi lang isang masayang wedding day kundi isang lasting marriage ang low-key but happy couple na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vico Sotto wins $1M grant at Bloomberg's Mayors Challenge

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A-list actress Bea Alonzo and billionaire heir Vincent Co have allegedly called off their much-awaited Spain wedding due to prenup agreement issues. As of this writing, the couple is yet to decide when the wedding is back on.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results