Hindi napigilan ni Dani Barretto ang sarili na magkuwento tungkol sa naranasan umano nila ng mga kapatid noong kabataan nila sa piling ng inang si Marjorie Barretto.
Base sa lumabas na clip sa Almost Honest podcast hosted by Kylie Verzosa, may hindi pinangalanang tao si Dani na hindi umano magandang ehemplo noong sila ay lumalaki na.
Bahagi ng pahayag ni Dani sa teaser clip ng podcast: "Childhood namin yun, e. Yan yung childhood namin ng mga kapatid ko, nasanay kami dun.
"We saw... we saw the yelling. We heard of the yelling, the screaming, everything my mom went through.
"And tumatak sa amin yun, di ba?
"Mga bata kami nun but that stayed with us. So I'm just glad my mom left, you know.
"I'm just glad my mom really saw that she did not deserve that sh*t and left.
"And because she did that, I feel like that's why we're all strong women, e.
"Kaya, I feel like, all of us, magkakapatid, feeling ko kaya matatapang or yung personality namin strong, kasi nakita namin sa mom namin, e, that you can leave situations like this.
"You are allowed to leave situations, lalo na if you know you're abused or being hurt or not valued or, alam mo yun, yung puwede. Hindi ka trapped.
"You are allowed kahit very mahirap yung process of leaving or getting out or you have to start again, there is a freedom that comes with it.
"And I saw it with my mom. So I saw how liberating it feels for her to get out of that relationship. The woman she became after.
"So, sabi ko, feeling ko kaya kami lahat mga kapatid ko ganito, e."
View this post on Instagram
Read: Who is Franco Mabanta?
DANI BARRETTO TO DENNIS PADILLA: "we woke up to your screams..."
Sa comments section ng post sa Instagram, nag-react ang stepfather ni Dani na si Dennis Padilla.
Si Dani ay anak ni Marjorie sa dati nitong karelasyong si Kier Legaspi.
Si Dennis ay napangasawa ni Marjorie, kung saan mayroon siyang tatlong anak—sina Julia, Claudia, at Leon.
Makahulugang mensahe ni Dennis (published as is): "The yelling came from your Mom... She kept denying... Wait for my answer... Dani wag masyadong know it all"

Galit pang dagdag ni Dennis "Dani... Abangan mo sagot ko... Point by point... Mula nung nasa tyan ka pa ng nanay mo... I felt abused... I felt liberated nung nakawala ako sa relationship na sinasabi mo.. Huwag masyadong mayabang.. Wala kang alam... Half lang alam mo.. [angry face emojis]"

Burado na ang dalawang komento ni Dennis, pero mabilis itong na-screenshot ng ilang netizens at ibinahagi sa social media.
Gayundin ang komento ni Dani na kasamang nabura sa reply niya sa komento ni Dennis.
Ayon kay Dani, mukhang nakalimutan ni Dennis na magkasama silang nanirahan noon sa iisang bahay.
Malinaw pa raw sa alaala niyang nagigising na lang sila tuwing umaga dahil sa sigaw umano ni Dennis.
Kung hindi raw ang ina ang sinisigawan nito ay ang mga kasambahay nila.
Buwelta ni Dani: "@dennisastig i think you're forgetting we all lived in the same house. That we woke up to your screams almost every morning.
"Kung hindi si mom sinisigawan mo, one of the help."
Kinastigo rin ni Dani si Dennis sa paggamit ng social media upang depensahan ang sarili at palabasing kinakawawa siya ng kanyang estranged children.
Diretsahan niyang sinabihan si Dennis na "abusive."
Aniya: "This is what you always do, use social media to 'defend' yourself and spread more lies and gaslight your children and now me.
"You keep pushing this narrative na kinawawa ka. Weren't you the abusive one?
"Kahit nasaan tayo, kahit sa mall, sa grocery, wala kang pinipiling lugar para may sigawan.
"Default mo yan noon hanggang ngayon."
Read: Dina sells QC home, moves to Ayala Alabang after husband's death
DANI TO DENNIS: "ENOUGH IS ENOUGH."
Ipinaalala rin Dani kay Dennis ang mga dahilan kung bakit hindi maganda ang relasyon nito kina Julia, Claudia, at Leon.
Sinisigawan daw kasi niya ang mga anak sa telepono tuwing tumatawag siya ng madaling-araw. Lasing pa nga raw ang aktor.
Saad ni Dani: "Di ba tatawag ka sa mga anak mo mostly laging madaling araw kasi lasing ka para murahin at sigawan lang sila?
"And now know it all pa ko? Ikaw nanaman kawawa?
"Si mom nanaman sisiraan mo."
Sabi pa niya kay Dennis: "Enough is enough.
"All your kids know who you are.
"Thats why most of them have no communication with you.
"Because you burned bridges with each of them.
"Pero sa kwento mo, sila ang mali and ikaw parin ang kawawa.
"Make it make sense."

Sinabi naman ni Dennis na sasagutin niya punto por punto ang mga alegasyon ni Dani.

Hindi pa ito burado sa Instagram comments section ng Almost Honest podcast.
Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Dennis.
Read: Matet de Leon speaks up on inheritance issue with brother Ian
MARJOIRE BARRETTO CLAIMS CHILDREN TERRORIZED BY DENNIS
Lagpas isang taon na ang nakararaan nang naganap ang kontrobersiyal na isyu sa pagitan ni Dennis at sa anak na si Claudia sa mismong kasal ng huli kay Basti Lorenzo noong April 8, 2025.
Himutok ni Dennis noon, "nabudol" siya dahil sa halip na maging "father of the bride" sa ginanap na kasal ng sariling anak ay naging "visitor" na lamang siya.
Sa Instagram ni Dennis, habang ongoing ang reception ng kasal ng anak, nagpatutsada ito: "GRABE KAYO!! NABUDOL NYO AKO! FATHER OF THE BRIDE NAGING VISITOR. GALING NYO!"

Read: Heartbroken Dennis Padilla treated as visitor at Claudia wedding
Sa panayam ni Marjorie sa vlog ni Ogie Diaz noong April 11, 2025, sinagot niya ang imutok ni Dennis.
Ayon sa dating aktres, napuno na siya sa pambabastos ni Dennis sa kanila lalo na sa kanyang mga anak.
Read: Marjorie Barretto slams Dennis Padilla's "lies" in Claudia issue
Binalikan din ni Marjorie ang diumano'y verbal, financial, and physical abuse na naranasan niya sa dating asawa.
Saad niya: “When I left you 18 years ago, I removed your power over me.
"I suffered so much. Physical abuse, financial abuse. Verbal abuse was even worse to me than physical abuse.
“I will take the beating anytime. But his verbal abuse is mura na hindi mo alam kung saan nanggaling ang words and terms. I'll take that all. Ayokong maramdaman ng mga anak ko yun.
“Hindi na kita iniisip. Hindi kita hini-hate all these years. I removed your power over me."
Binuweltahan din ni Marjorie si Dennis sa pagra-rant nito tungkol sa nangyari sa kasal ni Claudia.
Saad niya: “So, yung pag pinagkukuwentuhan mo ang isang one-hour ceremony, para na siyang telenovela.
“Pag ni-narrate ni Dennis yun, parang ang daming nangyari. Parang inapi siya mula nang dumating hanggang umalis.
“E, sinong mag-aapi sa kanya? We were all focused on the bride and the groom, listening to the homily of the priest.
“Sino ang nananakit sa yo? Kung nale-left out ka, wala ka kasi sa buhay ng mga anak mo. Mas gusto mo kasi magpa-interview, e.”
Hindi rin daw siya ang namahala sa kasal ni Claudia at itinanggi ring na-brainwash niya ang mga anak.
“I don't need to brainwash my children. Number one, Dennis is doing a good job hurting them. Taga-pacify ako. I help the healing.”
Wala raw maririnig na masama galing sa mga bibig ng anak tuwing sila'y nai-interview.
“Did any of my children talk bad about their father in interviews? Never. They suffer in silence. It has an effect on their mental health."
Pinakiusapan din niya noon si Dennis na tigilan na ang pagsabing siya ay matanda na para sa emotional blackmail sa mga anak.
“Alam mo, Dennis, hindi lahat ng namamatay dahil sa katandaan. God forbid, knock on wood, may mauna sa mga anak ko sa yo mamatay. Will you be able to forgive yourself?
“Kasi laging yan ang pang-emotional blackmail ni Dennis, e.”
Mensahe ni Marjorie sa mga anak noon: "I'm sorry I cannot protect you from [Dennis]...
"Kasi I can protect my children from everybody. Pero hindi ko sila napoprotektahan sa tatay nila. You know the frustration I feel?
“And sometimes I apologize to my children that sana bago ko pinakasalan si Dennis—and this is my advice to my children and my advice to all the single women—when you choose your future partners, when you have boyfriends na red flag na talaga, isipin mo kung ikaw kaya mo ito, he will be the future father of your children.
“So, you choose well. You choose someone na dapat tini-treat well ka na, kasi yan ang magiging tatay ng mga anak mo.
“Kung may makita ka ng bad temper, huwag mo nang pakasalan. Kasi ang papaluin niyan, ang sisigawan niyan, ang painful words niyan, dun sa magiging anak ninyo.
“So, sometimes I really apologize to my kids kasi, sabi ko, I left the marriage. I had the luxury to leave your father. Sila they're stuck for life.
“I'm so sorry I chose wrong. But I'll tell you, I will love you enough. I will protect you enough. Enough for a father and a mother, and I will never forsake you. I love you all.”
Read: Marjorie Barretto claims kids are "terrorized" by Dennis Padilla
