Isang madamdaming sulat ang ibinahagi ni Dani Barretto para sa kakakasal lamang na half-sister na si Claudia Barretto at sa longtime boyfriend nitong si Basti Lorenzo.
Sa unang bahagi ng sulat, binati muna niya ang kapatid at si Basti dahil napagtagumpayan nilang mauwi sa kasalan ang sampung taon nilang pagmamahalan.
Sabi ni Dani: "Dear Claudia and Basti,
"Congratulations on this incredible milestone, 10 years in the making.
"Your love, patience, and commitment have brought you to this moment, and it’s truly something to be celebrated."
Pinayuhan din niya ang couple na namnamin ang saya sa bawat segundo nilang pagsasama.
Ani Dani, "Savor every second, hold each other a little tighter, and let your hearts be full. This day is yours, soak in all the joy, the laughter, the love. You deserve every bit of it."
Sinabihan din ni Dani si Claudia na huwag magpaapekto sa sinuman o anumang alingasngas na maaring makasira sa kanilang kaligayahang nararamdaman.
Sabi ni Dani (published as is): "Don’t let anything or anyone dim the light of this moment. It’s your story, your love, and your forever beginning.
"I wish you both a lifetime of happiness, adventure, and love that only grows deeper with time. (heart emoji)
"I love you more than words can ever express @claudia (heart emoji)"
View this post on Instagram
Hindi man tuwirang binanggit, maaring ang "anything or anyone dim the light of this moment" na sinabi ni Dani ay patungkol sa social media post ng ama ni Claudia na si Dennis Padilla.
Labis na nasaktan si Dennis dahil sa kawalang partisipasyon nito sa seremonya ng kasal ni Claudia.
Sa halip na "father of the bride" si Dennis ay naging "visitor" daw ang trato sa kanya sa kasalan.
Read: Dennis Padilla heartbroken after being treated as "visitor" at daughter Claudia's wedding
CELEBS, NETIZENS REACT ON DANI BARRETTO'S POST
Maraming comments mula sa celebrities at netizens ang inani ng post na ito ni Dani.
Ang ilan sa mga artistang bumati kina Claudia at Basti ay sina Mariel Padilla, Bela Padilla, Ruffa Gutierrez, Juliana Gomez, at Maymay Entrata.


May netizens na sumang-ayon kay Dani na dapat ay huwag nang pansinin ni Claudia ang ingay tungkol sa kanilang kasal.
Sabi ng isa (published as is), "Nakakalungkot lang talaga na hindi kaya magpaubaya Ng Sarili mong ama para sa ikakatahimik ng lahat. Etong magkakapatid na to, sobrang strong nyo. (heart emojis) God bless (raising hands emoji)"

Ayon naman sa isa, "Your story, your love” and that’s the truth! Tama! Don’t let anyone rain on your parade! What a beautiful wedding!"

Pagtataray ng isa pa, "Agree, ignore the noise. Congratulations!"

Hanggang ngayon ay wala pang nagsasalita sa kampo ni Claudia ukol sa issue.
