Tinawag na “Satanas” ng aktres na si Agot Isidro ang labintatlong (13) senador na bumoto upang maging senate president si Alan Peter Cayetano.
Lunes, May 11, 2026, nangyari ang pagpapalit ng liderato sa Senado at tanggalin bilang senate president si Tito Sotto.
Labintatlong (13) senador ang pumabor sa pagpapalit ng liderato.
Sila ay sina Bato dela Rosa, Imee Marcos, Bong Go, Robin Padilla, Rodante Marcoleta, Camille Villar, Mark Villar, Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Francis Escudero, Pia Cayetano, Loren Legarda, at Vicente Sotto III.
Siyam na senador ang bumoto para kay Sotto: sina Alan Cayetano, Risa Hontiveros, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Win Gatchalian, Ping Lacson, Lito Lapid, Erwin Tulfo, at Raffy Tulfo.
Habang dalawang senador naman ang nag-abstain—sina JV Ejercito at Juan Miguel Zubiri.
Ibig sabihin, bilang bagong senate president, si Cayetano ang tatayong presiding officer sa Senado sa oras na magsimula ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.
Read: Pro-Duterte senators oust Senate President Sotto; Bato surfaces
Agot questions senators who supported Alan Peter Cayetano
Marami ang nagulat sa biglaang pagpapalit ng liderato sa Senado at pagpapatalsik sa puwesto kay Sotto.
Ipinagpapalagay na may kaugnayan ang pagbabago sa Senate leadership sa nalalapit na impeachment trial ni Sara Duterte, dahil karamihan sa mga nagluklok kay Cayetano ay kilalang kaalyado ng kampo ng mga Duterte.
Read: Sara Duterte announces presidential bid amid impeachment raps
Dahil dito, marami ang nangamba kung magiging patas ang hatol sa bise-presidente.
Sa mga artista, isa sa mga matinding umalma sa kaganapang ito ay ang actress-singer na si Agot Isidro.
Sa X (dating Twitter), diretsahan niyang kinuwestiyon ang mga senador na bumoto kay Cayetano.
Pahayag ni Agot (published as is): "I have ducking NO respect for these 13 hooligans who call themselves Senators of the Philippines. DUCK YOU."

Hayagan din niyang tinawag na “13 Satanas sa Senado” ang mga mambabatas na bumoto kay Cayetano.
Sabay patutsada niya kay Cayetano gamit ang initials nito.
Ani Agot: "APC, can you please stop uttering Bible verses kasi sure ako, hindi natutuwa si God sa’yo. #13SatanasSaSenado."

Nagbigay rin ng saloobin si Agot sa tangkang pag-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Dela Rosa na nauwi sa habulan sa loob ng Senado.
Ito ay kaugnay sa inilabas na arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa dating PNP chief dahil sa umano’y partisipasyon nito sa drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nangyari ang tangkang pag-aresto sa senador nang bigla siyang pumasok sa araw na mangyari ang biglaang botohan, makaraan niyang lumiban ng halos anim na buwan.
"Catch that Bato now," ani Agot.
Dagdag pa niya, “Just saw the CCTV. We have a runner!!! #BatoDuwag.”
Bela Padilla and Jake Ejercito on bato dela rosa's senate return
Bukod kay Agot, umalma rin sina Bela Padilla at Jake Ejercito sa pagbabalik ni Dela Rosa sa Senado.
Kinuwestiyon ni Bela ang pagliban ni Bato sa trabaho kahit patuloy itong sumasahod, pati na ang aniya'y hindi magandang asal ng senador nang makipaghabulan ito sa mga tauhan ng NBI.
Read: Bato dela Rosa logs most absences among 24 senators
Hindi rin nagustuhan ni Bela ang pabalang na sagot ni Dela Rosa nang tanungin siya ng mga reporter kung ano ang dahilan ng biglaan niyang pagpapakita sa senado sa araw ng pagpapalit ng liderato.
Mababasa sa Instagram Stories ni Bela (published as is): "So many questions. 1.) who gave that man the right to shout at a woman CALMLY asking him questions that are valid. 'Senators bakit ka nandito?'
"Yes, we'd like to know...Ikaw na nga nagsabi na sumusuweldo ka. So nasan ka recently? Sumusuweldo ka ng hindi ka pumapasok, ok ba yun?
"2.) why so hysterical? Calm down. Did you come to work today to finally do some good work today, sir?"
3.) is there no citation for being gone for so long? I was in the ER the other day but I still rushed to work immediately after. And I'm not even important.
"Aren't senators important? Don't their decision affect millions of lives? So their wages being high is justified. But if they don't come to work, what happens."
Si Bela ay pamangkin ni Robin Padilla, isa sa 13 senador na bumoto para kay Cayetano.

Si Jake Ejercito naman ay ginawang katatawanan ang CCTV video na inilabas ng senado, kunsaan makikita ang pakikipaghabulan ng senador sa NBI.
Read: Bato and Bong Go named "co-perpetrators" in drug-war killings
Ani Jake sa Facebook (published as is), "strava reveal naman diyan, sen."
Ang tinutukoy ni Jake na "strava" ay ang app kunsaan naire-record ang trail ng nilakaran o tinakbuhan na lugar ng isang walker o runner.

Bianca Gonzalez speaks out on government issue
Nanawagan naman si Bianca Gonzalez para sa isang "sistema't liderato na tunay para sa tao," kasunod ng mga isyu ngayon sa gobyerno.
Mababasa sa tweet niya sa X: "Ang gusto lang naman ng mga Pilipino ay mapagaan ang buhay, na ang buwis na kinakaltas sa araw araw at sa sweldo ay maibalik sa paraan ng serbisyong pampubliko.
"Ano bang kailangang mangyari para matupad yun, para magkaroon ng sistema't liderato na tunay na para sa tao?"

BATO DELA ROSA appeals to PRESIDENT Marcos
Samantala, sa huling update kay Dela Rosa ay nanawagan siya kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na tulungan siyang huwag mapadala sa The Hague, Netherlands, kunsaan nakabase ang ICC.
Nakapiit ngayon si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague dahil sa kinahaharap nitong kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs noong naging mayor siya ng Davao City hanggang sa maging Presidente ng Pilipinas.
Read: Duterte’s lead ICC lawyer seeks withdrawal from defense team
Pagsusumamo ni Dela Rosa kay Marcos: "Sir, BBM, di ako galit sa yo at alam kong wala kang personal na galit sa akin.
"Ako ngayon ay umaapela sa iyo, alagaan mo ang bawat Filipino na hindi madala sa ibang bansa.
"You're our President, it's your moral obligation, not just constitutional mandate kundi moral obligation mo yan, sir, na protektahan ang bawat Filipino na hindi madala sa ibang bansa, lalong lalo na alam mo wala silang jurisdiction sa atin."
