PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin and Kiko clash during heated Senate exchange

Robin Padilla to Kiko Pangilinan: "Huwag mo akong hawakan."
by Rachelle Siazon
Published 3 hours ago
Robin Padilla refuses to shake hands with Kiko Pangilinan after tension-filled exchange at Senate plenary session.
Senator Robin Padilla (left) refuses to Senator Kiko Pangilinan's (right) offer to shake hands after their heated exchange at Senate plenary session.
PHOTO/S: Senate of The Philippines / ABS-CBN News (inset)

Nagkainitan sina Senator Robin Padilla at Senator Francis "Kiko" Pangilinan habang nakasuspindi ang plenary session sa Senado ngayong Martes, May 12, 2026.

Makikita sa video na kumalat online ang tensiyonadong pag-uusap ng dalawa habang sila ay napapalibutan ng ibang senador.

Sinubukan ni Pangilinan na makipagkamay kay Padilla base sa naka-extend niyang kanang kamay.

Pero nanatiling nakabulsa ang mga kamay ni Padilla at aktong lumalayo kay Pangilinan.

Nang subukan ni Pangilinan na hawakan si Padilla, ang mariing sabi nito, "Huwag mo ako hawakan."

Sumenyas si Pangilinan na bahagyang itinaas ang dalawang kamay.

Nasa pagitan ng dalawa si Senator Jinggoy Estrada na makikitang umaalay at tinapik-tapik pa si Padilla para mabawasan ang tensiyon.

Sa isang punto ng kanilang kumprontasyon ay maririnig na sabi ni Padilla, "Hindi kita tinakot. Ako ang nanakot sa yo, ikaw nga ang naninigaw. Ikaw ang naninigaw, ako ang nanakot?"

Malumanay namang sabi ni Pangilinan: "Hindi ako sumisigaw. Tumaas ang boses ko..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Singit ni Padilla: "Iba ang meaning sa yo ng sigaw at tumaas ang boses. Magkaiba yon?"

Read: Agot Isidro slams 13 senators who voted for Alan Peter Cayetano

ROBIN PADILLA AND KIKO PANGILINAN'S EARLIER HEATED EXCHANGE

Mapapanood sa replay ng plenary session na nagkatensiyon sina Padilla at Pangilinan.

Naghayag ng posisyon si Padilla tungkol sa apela ni Senator Bato dela Rosa na bigyan ito ng proteksiyon ng Senado sa gitna ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).

Si Dela Rosa ay tinukoy na "co-perpetrator" sa kasong crimes against humanity na kinahaharap ni former President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Padilla, hindi dapat hayaan ng Senado na arestuhin si Dela Rosa sa bisa ng warrant of arrest ng isang "dayuhang korte."

Dahil hindi naman daw dapat pairalin ang batas ng dayuhan sa sariling bansa.

"Dapat bang mangyari muli ang nangyari kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte?" katwiran ni Padilla.

Umapela rin si Padilla na sana raw ay huwag magkagulo ang Senado sa isyu ni Dela Rosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Huwag tayo magkaroon ng mixed messages...

"Kung di tayo nagkakaintindihan sa katuwiran, huwag tayo magsiraan.

"Sana maging masaya tayo na andito na ang ating kasama. Kahit na pinaghahabol, pumunta dito at pinakita na siya ay senador," mariing sabi ni Padilla.

Read: Pro-Duterte senators oust Senate President Sotto; Bato surfaces

KIKO PANGILINAN CONTRADICTS ROBIN PADILLA

Nang bigyan naman ng pagkakataon si Pangilinan na magsalita sa sesyon, ipinunto niyang hindi na dapat pag-usapan sa plenary session ang anumang manifestation tungkol sa kaso ni Dela Rosa.

Ito ay dahil may hiwalay nang komite para rito. Mabuting gamitin daw ang plenary para talakayin ang iba pang concerns sa Senado.

Tinangkang sumingit ni Robin na halatang tumaas ang boses, "Paano natin pag-uusapan yung ibang..."

Pero hindi natinag si Pangilinan na diretsahang sinabi na oras pa niya para magsalita.

"For the record Mr. President, I still have the floor!" tumaas ang boses at mariing bulalas ni Pangilinan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabay pinaalala ni Pangilinan na may mga senador na kontra sa "Resolution No. 44" o pagsasailalim kay Dela Rosa sa kustodiya ng Senado sa gitna ng nakaambang warrant of arrest ng ICC.

Kaya hindi raw puwedeng ipilit ni Padilla na magkasundo ang mga senador sa bagay na iyon.

"And for the record, Mr. President, we voted against Resolution No. 44. So to say that...

"We have this Resolution, yes, but there are senators who voted against it, and therefore it's not necessarily our agreement with the points being raised by the good senator from Camarines Norte," dagdag ni Pangilinan.

Hindi na humirit ulit si Padilla.

Hindi naman maiwasan ng ilang netizens na pansinin na bukod sa parehong senador, pareho ring may ugnayan ang dalawa sa Megstar na si Sharon Cuneta.

Si Sharon ay misis ni Pangilinan, at dati namang naging kasintahan at muntik pang ikasal si Padilla sa aktres.

Read: Bato and Bong Go named "co-perpetrators" in drug-war killings

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALAN PETER CAYETANO'S TAKE

Sinalo ni Senate President Alan Peter Cayetano si Padilla at sinabing tanggap ng huli na may mga senador na kontra sa resolusyon.

Humingi rin siya ng pasensiya sa mga senador at ipinaliwanag na binibigyan ng "leeway" ang mga kasamahan nila sa mga importanteng usapin.

Sa kaso nga raw ni Dela Rosa ay may kinahaharap itong "threat" na warrant of arrest mula sa ICC.

Sa kabilang banda ay tinanggap din ni Cayetano ang apela ni Pangilinan. Sumang-ayon siyang tama ang intepretasyon nito sa rules of proceedings sa plenary session.

Mainit na usapin ang pagdalo ni Dela Rosa sa Senado kahapon, May 11, 2026, dahil pumasok ito sa araw na nagbotohan ang mga senador para sa bagong senate president.

Napatalsik si Tito Sotto at pumalit na senate president si Alan Peter Cayetano matapos ang 13-9 na botohan.

Mula Nobyembre 2025 ay absent sa Senado si Dela Rosa. Noong panahong ding iyon lumabas ang arrest warrant ng ICC laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inireklamo naman ni Dela Rosa ang ilang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na diumano'y pinigilan siyang pumasok sa bulwagan ng Senado.

Depensa naman ng NBI, naunang tumakbo si Dela Rosa kaya hinabol nila ito sa loob ng Senate Hall.

Naroon ang NBI kaugnay ng ICC warrant of arrest.

Nanawagan naman si Dela Rosa kay President Ferdinand Marcos Jr. na wag siyang ipadala sa The Hague para sa ICC trial.

Read: ICC confirms all crimes against humanity raps vs Rodrigo Duterte

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Robin Padilla (left) refuses to Senator Kiko Pangilinan's (right) offer to shake hands after their heated exchange at Senate plenary session.
PHOTO/S: Senate of The Philippines / ABS-CBN News (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results