Kinakiligan ng netizens ang Mother's Day greeting ni Yilmaz Bektas sa ex-wife na si Ruffa Gutirrez nitong nakaraang Araw ng mga Ina, May 10, 2026.
Makikita sa unang Instagram post ni Yilmaz ang lumang larawan nila ni Ruffa na magkayakap.
Nakasulat dito (published as is): "To the respected mother of my beautiful daughter, Sharmina Ruffa Gutiérrez, who raised her with love, devotion, and great sacrifice to become the wonderful person she is today, I sincerely thank you for everything and carry endless gratitude in my heart. Yilmaz Bektas"

Ang tinutukoy ni Yilmaz na "my beautiful daughter" ay ang panganay nilang anak ni Ruffa na si Lorin Bektas, na nagtapos ng kursong BA in Advertising sa Seaver College, Pepperdine University, sa Malibu, California, kamakailan.
Read: Lorin Bektas graduates from college in California, USA
Ang bunsong anak aynina Yilmaz at Ruffa ay si Venice Bektas.
Proud ding ipinost ni Yilmaz ang graduation pictures ni Lorin at ang larawan nito noong bata pa habang karga-karga niya.

May ilan pang throwback photos na ibinahagi si Yilmaz kasama ang pamilya.
Sa huli, isang happy family portrait ang kanyang ipinost.
Nakasulat dito: "Endless gratitude for everything you have given, every sacrifice you made, and every beautiful memory you left behind."

Read: Mel Tiangco, Karen Davila trend online after interviews with Bato
RUFFA TO YILMAZ: "Thank you for honoring my journey..."
Na-touch naman si Ruffa sa ipinamalas na pagpapakumbaba ng ex-husband at sa pagtanaw nito ng utang na loob sa pagpapalaki niya sa kanilang mga anak.
Sa TikTok, ibinahagi ni Ruffa ang lahat ng screenshots ng Instagram Stories ni Yilmaz.
Mensahe niya: "Thank you, Yilmaz (praying hands emoji)
"You really have a unique way of making me cry, Yilmaz.
"Thank you for recognizing the years of love, strength, and sacrifice that went into raising our daughters.
"No matter where life has taken us, Lorin and Venice will always remain our greatest blessings."
Dagdag pa ni Ruffa, malaking bagay ang mga nabasa niyang salita mula kay Yilmaz dahil pinapahalagahan nito ang mga sakripisyo niya para sa kanilang mga anak.
At handa raw siyang ulitin ang nasabing yugto ng kanyang buhay.
Saad ni Ruffa: "And hearing those words of gratitude from you means more than you know. Through every season since the day we met 26 years ago today in Cannes, I simply chose love for our children — and I would do it all over again.
"Thank you for honoring my journey in raising Lorin and Venice with kindness, sincerity, and respect. [praying hands emoji]"

Read: Athena Imperial sues Nico Waje for acts of lasciviousness
