Ikinasal na ang matinee idol na si Polo Ravales sa longtime non-showbiz partner niyang si Paulyn Quiza.
Sa Instagram Stories, ibinahagi ni Polo ang ilang larawan nila ni Paulyn mula sa kanilang pag-iisang dibdib na ginanap nitong Linggo, May 24, 2026.


Maging ang mga post ng mga bisita sa kanilang kasal ay ni-repost din ng aktor sa kanyang IG Stories.
Kabilang sa mga nakasaksi sa pagpapalitan ng “I do” nina Polo at Paulyn sina Dingdong Dantes, Rio Locsin, Dino Guevarra, Jackie Lou Blanco, Mikey Bustos, at The Master Cutter director na si Dominic Zapata.
Read: Dingdong appreciates Max's respectuful gesture toward Marian
Bakas kay Polo ang labis na saya at pasasalamat sa pagdating ng espesyal na araw nila ni Paulyn.
Sa isang video na ibinahagi niya, makikita ang pagsasayaw nila ng kanyang misis.
May caption itong, "In our 28 years of friendship, I've seen you in many seasons of your life.
"May this season be the best one yet."

Polo and Paulyn's love story
Noong December 2018, o walang taon na ang nakararaan, na-engage sina Polo at Paulyn.
Read: Polo Ravales gets engaged on Christmas Day
September 5, 2021, nang isilang ni Paulyn ang una nilang anak ni Polo—si Yatrick Paul Quiza Gruenberg.
Read: Polo Ravales, fiancée Paulyn Quiza welcome first baby
Bukod pa rito ang unang anak ni Paulyn na si Tyler sa dating nobyo.
Sa eksklusibong panayam ni Polo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 22, 2022, proud nitong ibinahagi ang pagiging compatible nila ni Paulyn.
Ayon sa aktor, bagamat non-showbiz si Paulyn ay madalas din itong nakakasalamuha ng mga personalidad sa entertainment industry dahil sa kanyang trabaho.
Personal fitness trainer kasi si Paulyn ng ilang sikat na artista.
Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit lubos nitong naiintindihan ang trabaho at buhay ni Polo.
"Yung fiancée ko kasi, she's the fitness trainor of some artistas like Jackie Lou Blanco, Iza Calzado...
"Tapos naging kaibigan din siya nina Ellen Adarna, Solenn Heussaff. Siya yung nag-train sa kanila before kaya kahit papaano mayroon na siyang background sa mga celebrities."
Read: Polo Ravales on delay in wedding plans with non-showbiz fiancee
Kailanman ay hindi rin daw naging isyu kay Paulyn kung ipareha man si Polo sa mga aktres.
"Selos? Hindi naman. Alam naman niya na I'm professional, like sa mga kissing scene, trabaho lang. Naiintindihan naman niya," buong pagmamalaki ng aktor.
