Ibinahagi ni Dennis Trillo na naaksidente ang anak niyang si Calix Ho habang mag-isa itong nagmamaneho ng sasakyan.
Si Calix ay anak ni Dennis sa ex-girlfriend na si Carlene Aguilar.
Sabi ni Dennis sa Facebook post niya ngayong Lunes, May 25, 2026: "Kaninang 5AM, nakatulog habang nagda-drive mag-isa 'yung panganay ko.
"Bumangga siya sa island at tumaob 'yung kotse...
"Total wreck."
Burado na ang post ni Dennis.
DENNIS TRILLO SAYS SON GOT INJURED BUT STILL SAFE
Pero sa ulat ng GMA News na nailathala sa GMA Network Online, inilahad ni Dennis na bumangga sa isang island ang kotseng minamaneho ni Calix at "tumaob ang kotse."
Nagtamo ng injury ang anak, pero laking-pasasalamat ng Kapuso actor na hindi malubha ang sinapit nito.
“May pasa sa ulo, braso, at maga ang kaliwang kamay," ani Dennis, saka sinabing, “Hindi lahat ganito kaswerte sa aksidente."
Liban dito ay wala nang ibang detalyeng ibinigay ang aktor.
Siniguro naman ni Dennis na walang ibang tao o kotse na nadamay dahil sa insidente.
Read: Dennis Trillo gives a glimpse of dream home with Jennylyn Mercado
