Masayang ibinalita ng actor-director na si Boy2 Quizon na all set na for showing sa nalalapit na Father's Day ang Home Along Da Riles: Da Reunion movie.
Ang Home Along Da Riles ay ang iconic sitcom na nagsimulang umere sa ABS-CBN sa ABS-CBN noong 1992 at nagwakas noong 2003.
Pinagbidahan ito ng namayapang Comedy King na si Dolphy.
Kasama sa original cast sina Nova Villa, Bernardo Bernardo, Smokey Manaloto, Cita Astals, Claudine Barretto, Gio Alvarez, Maybelyn dela Cruz, Vandolph, Babalu, at si Boy2.
Paano nabuo ang konsepto na gumawa sila ng reunion movie?
Saad ni Boy2: "Nakaka-excite kasi ang intensiyon namin... actually, by accident nung nag-form yung, wala talaga... hindi namin sinasadyang magkaroon ng movie.
"Nag-umpisa lang to [nung] nag-reunion yung buong cast nung Home Along.
"Kasi unti-unti, biglang, 'Ano kaya gawin natin yung reunion?'
"Pero yung pinaka nag-drive sa amin na ituloy yung movie is to pay tribute to Tatay [Dolphy].
"So, it's a Father's Day thing."
Ano ang pagkakaiba ng Home Along Da Riles: Da Reunion sa sitcom at mga naunang movie version?
Ayon kay Boy2, na siya ring direktor ng reunion movie: "Actually, it's a continuation. So, marami rin kasing nag-iisip, e, 'Ano ba to? Series ba to? Remake ba to?'
"It's actually a continuation.
"So, parang ano yan, it's a nice way of, like, at least going back to that time na na-miss, na feeling namin, yung mga batang millennials at batang mga Gen Xs, di ba?
"So, best time na bisitahin yung time na yun. So, parang feeling namin na maging part yung buong cast, and it took some time."
HOME ALONG DA RILES ORIGINAL CAST
Nahirapan daw silang mabuo na iisa ang schedule dahil may kanya-kanya nang buhay ang bawat isa sa kanila.

Umabot daw ng dalawang taon at kalahati bago nila mabuo ang istorya na kasama ang buong original cast.
Lahad ni Boy2: "Hindi kasi siya magiging reunion kung iiwan namin yung iba, di ba?
"Yung iba kasi, one, hindi na rin ganun ka-active.
"Of course yung iba, obviously, active pa sa TV, like, of course, Tita Nova.
"Yung iba naman, magkakaiba ng network. May iba sa amin, based siya sa Canada.
"Sinama-sama namin, ultimo yung mga sunog-baga, e.
"Tumagal-tagal din yung time ng paghahanap kasi, of course, thirty years yung... from the last time na nagkita-kita talaga kami.
"So, it's good na, alam mo, kahit yung sunog-baga, tatatlo na lang yata o apat, e.
"So, masaya kami na napagsama namin lahat."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boy2 sa sideline ng fashion show ng designer na si Haydee Garcia na may pamagat na "Petals and Poetry."
Ginanap ang show sa The Blue Leaf Events Pavilion sa McKinley Hill, BGC.
Finale walk sa show ni Haydee si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Read: Home Along Da Riles: Da Reunion set as Father’s Day tribute film
BOY2 ON CITA ASTALS: "hundred percent all in..."
Inusisa rin ng media si Boy2 kung kasama sa cast si Cita Astals, na gumanap bilang si Hillary Lagdameo, ang boss ni Mang Kevin (Dolphy) sa Lagdameo Placement Agency, sa Home Along Da Riles sitcom.
Saad ni Boy2: "We're very excited definitely.
"Alam mo, nung nakita ko si Tita Cita, sabi ko, 'Tita, hindi makukumpleto yung reunion project kasi na-miss ka nila. Miss ka nila bilang Hillary.'
"So sabi ko, 'Sana, sana sumama ka sa amin. Sana magawa natin to together. And whatever it takes para mabalik natin yun sa tao. Dahil sobrang maraming nakaka-miss sa yo."
Kumusta si Cita?
Excited na sabi ng actor-director: "Makikita niyo yung Hillary is definitely hundred percent all in.
"Alam mo nung nagsama-sama kami, despite on whatever things na nangyayari na pinagdadaanan ng bawat isa, I have to be honest with you, marami rin naman sa amin na may kanya-kanyang topak, including myself.
"But in reality, when nagkita-kita kami, alam kong parang hindi na kailangan pag-usapan pa ang detalye what's going, what's going on.
"May isang natural bond talaga na meron yung bawat isa na, all of a sudden, may comfort.
"Kasi siguro, talagang umabot sa point na, 'Bakit ganun, tagal nating di nagki-takita?Pero nung nagkita-kita tayo, parang kasama lang kita kahapon.'
"That's the kind of feeling. And yun yung nag-drive sa amin na maging together.
"Despite on, you know, kung anuman. Basta ang goal namin is ibalik si Hillary.
"So, Tita Cita, makikita, abangan niyo si Tita Cita. Nakakatuwa."
Read: Cita Astals regrets telling public about mental health disorder
