PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy2 Quizon says no issue over inheritance from Lolo Dolphy

Boy2 Quizon on "pamana" from Dolphy: "Sa amin, walang ganung issue, e."
by Arniel C. Serato
Published 14 hours ago
Boy2 Quizon speaks up about inheritance from lolo Dolphy
Actor Boy2 Quizon on how Quizon family handles "mana" from Lolo Dolphy: "Si Tito Eric. I call him Kaizz. Si Kaizz is in charge of yung mga pagdating sa ganyan. Oo. Walang issue sa amin."
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram

Inihayag ni Boy2 Quizon na hindi naging isyu ang mga naiwang ari-arian at yaman ng lolo niyang si Comedy King Dolphy noong pumanaw ito.

Hindi rin daw siya nakikialam sa mga ganoong usapin dahil ang kanyang ama na si Manny "Boy" Quizon, isa sa mga anak ng yumaong Comedy King, ang nakakaalam dito.

Kuwento ni Boy2: "Obviously sa amin, ako nga wala akong idea sa mga yan.

"Kasi, unang-una, yung daddy ko... Di ba, I'm the grandson of Dolphy. Marami nga ang nagkakamali.

"Akala nila anak, which is nagkataon lang talaga na ever since I was a kid, magkasama kami sa show, sa Home Along."

Ang Home Along Da Riles ay ang iconic sitcom ni Dolphy na umere sa ABS-CBN mula 1992 hanggang 2003.

Read: Nova Villa will remember Dolphy as someone who “will make you feel at home”

Sinabi rin ni Boy2 na ang tiyuhin niyang si Eric Quizon ang namamahala sa kung anuman ang distribusyon sa properties at assets ng namayapa niyang lolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag pa ni Boy2, "Yung daddy ko, eldest son ni Dolphy, yung daddy ko ang may mana.

"E, daddy ko yung eldest son, e. But it's being handled... kasi sa amin, walang ganung issue, e.

"It's, Kaizz, which I call him, si Tito Eric. I call him Kaizz. Si Kaizz is in charge of yung mga pagdating sa ganyan.

"Oo. Walang issue sa amin."

Tugma ito sa mga pahayag ni Eric sa mga naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa paggunita ng 85th birthday ng yumaong si Dolphy noong July 25, 2013, nagkuwento si Eric na maraming pagsubok ang hinarap ng pamilya nila, pero unti-unti raw itong naayos sa tulong ni Zsa Zsa Padilla.

Isa na rito ang hatian ng mga ari-ariang naiwan ni Mang Dolphy.

Saad ni Eric noon: “Ang wish niya [Dolphy] talaga is… ang sabi niya sa akin, ‘Eric, ayoko ng gulo, ayoko ng away, gusto ko lahat pantay-pantay. Pangako mo yan sa akin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, that’s his wish.

“So yun ang sinusubukan naming magawa and, so far, successful naman ang isa’t isa sa amin sa paggawa nung wishes niya.”

Read: Eric Quizon reveals Comedy King Dolphy's wish about distribution of inheritance

Consistent ang sagot ni Eric dahil iyon din ang mga binitiwan niyang salita sa panayam ng PEP noong December 2025.

Read: Eric Quizon reveals how adopted sister waived her 50% inheritance

Nakausap ng ilang media si Boy2, kabilang na ang PEP, sa sidelines ng fashion show ng designer na si Haydee Garcia noong Sabado, May 23, 2026 sa The Blue Leaf Events Pavilion sa McKinley Hill, BGC.

Pinamagatang "Petals and Poetry," may dalawang bahagi ang show: ang bridal couture kung saan ang muse ay si Patricia Tumulak at ang ready-to-wear luxury collection kung saan ang headliner ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Fashion designer Haydee Garcia with Catriona Gray (left) showing her luxury ready-to-wear collections and with Patricia Tumulak (right) with her bridal gowns collections.
Fashion designer Haydee Garcia with Catriona Gray (left) showing her luxury ready-to-wear collections and with Patricia Tumulak (right) with her bridal gown collections.
Photo/s: PR Photo
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BOY2'S FONDEST MEMORY OF DOLPHY

Ano ang fondest memory ni Boy2 sa Lolo Dolphy niya?

Aniya, "Marami. Ang isang nami-miss ko ay ka-birthday ko kasi siya.

"So nami-miss kong hindi gumastos pag birthday ko. E, yung birthday ko, bago ako lumabas, e, nakiki-birthday ako, e.

"Oo, nagbi-birthday ako. May pa-cake na rin siya. So may ganun.

"So, nami-miss ko yung mga, alam mo yung mga tito ko, yung mga iba tito ko na kasama niya na rin niya ngayon.

"Alam niyo yung tipong, 'A, birthday rin pala ni Dol?'

"Alam mo yun, tapos kakantahan ka. Tapos after nun, siyempre invite ko yung mga friends ko sa bahay ni Lolo. Tapos, walang bayad. Yun ang nami-miss ko."

Sa July 25, 2026 sana ang ika-98 na kaarawan ni Dolphy.

Pero, pumanaw ang Comedy King sa edad na 83 noong July 10, 2012.

Read: Comedy King Dolphy dead at 83

At bilang tribute sa kanyang lolo, nakatakdang ipapalabas ang Home Along Da Riles: Da Reunion movie ng mga original cast ng sitcom na napagsama-sama niya sa loob ng lagpas sa dalawang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Boy2 Quizon brings back Cita Astals for Home Along Da Riles movie

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Boy2 Quizon on how Quizon family handles "mana" from Lolo Dolphy: "Si Tito Eric. I call him Kaizz. Si Kaizz is in charge of yung mga pagdating sa ganyan. Oo. Walang issue sa amin."
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results