PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Amy Austria looks back on journey to overcoming drug addiction

Amy Austria opens up about past drug addiction: “Hindi talaga maganda ang droga”
by Arniel C. Serato
Published 5 hours ago
Amy Austria recalls how she transitioned from being an addict to healed person
Veteran actress Amy Austria: "Kaya ako, naintindihan ko yung mga naadik sa droga na mahirap umalis. Oo, humahanga ako doon sa mga hindi sinubukan yan. Congratulations! Napakatibay ninyo. Pero mas humahanga ako sa nanggaling diyan pero nakaalis, nakaraos, natalikuran yan. Hindi ganun kadali. Dahil para sa akin, kinailangang lumapit sa Diyos."
PHOTO/S: Arniel Serato / Amy Austria-Ventura on YouTube

Hindi ipinagmamalaki ng award-winning actress na si Amy Austria na dumaan siya sa yugtong gumamit ng ipinagbabawal na gamot noong kasikatan niya.

Ngunit ang ipinagmamalaki niya ay kung paano niya ito nalagpasan at natakasan.

Noong 2022, sa kanyang vlog sa YouTube, binuksan ni Amy ang usapin tungkol sa kanyang pinagdaanang drug addiction.

Labing-apat na taong gulang lamang si Amy nang pasukin niya ang showbiz

Labing-walong taong gulang naman siya, noong 1980, nang una siyang gumamit ng marijuana. Pero inihinto rin daw niya ito dahil sa side effects na kanyang napansin.

Ngunit ang ipinalit naman niya rito ay mas matindi — methamphetamine o mas kilala bilang shabu.

Kuwento niya sa kanyang vlog noong April 2022: "Nag-try ako ng ibang drugs out of curiosity kasi alam ko kaya kong itigil.

"Pero noong 1986, nauso ang shabu. Ito ang pinaka-deceiving sa lahat.

"Sabi ko, 'Okay ito, a. Hindi namumula yung mata ko. Aba, puwede ko siyang ipangtrabaho. Aba, mas mabilis akong magmemorya. Aba, mas maliksi ang katawan ko. Okay ito.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag naglinis ako ng mga gamit, kinakalas ko pati kotse. May mga panahon, hindi ako matutulog para matapos ko kung anuman ang ginagawa ko.

"Nagtuluy-tuloy nang ganoon ang buhay ko."

Read: Amy Austria reveals miraculous recovery from her drug addiction

HOW FAITH HELPED AMY OVERCOME DRUG ADDICTION

Ngunit nagawa itong lagpasan ito ni Amy magmula nang magkaroon siya ng "personal relationship" sa Diyos.

Lahad ni Amy sa Real Talk ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Kasi, actually, matagal ko nang... nagkaroon ako ng personal relationship kay God, 1996.

"And then, nakilala ko ang Panginoon. Nakilala ko noon, naging klaro sa akin na may kaligtasan pala, na may kasiguraduhan pala na habang nandito tayo, [makakapunta tayo] sa langit.

"Doon kasi, akala mo kailangan mong magtrabaho, magpakabait para trabahuhin mo yung makapunta ka sa langit.

"Hindi pala. Grasya pala ng Diyos yun.

"Grasya pala ng Diyos na kaya Siya namatay sa krus para bayaran lahat ng kasalanan natin, at Siya lang may karapatan na magbayad kasi Siya lang yung nabuhay nang walang kasalanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya Siya lang ang binigyan ng karapatan na tumubos sa sangkatauhan."

Dagdag ni Amy: "So, ganun pala lang kadali. Kaya pala may Pasko. Yun pala ang ibig sabihin nun.

"Siya yung reason for the season. The best gift.

"Yun yung Gospel, yun yung good news na ipinagkaloob sa tao.

"Kung tatanggapin mo lang si Jesus Christ as your Lord and Savior, ikaw ay maliligtas.

"And then, hanggang sa naging Kristiyano na nga ako, ganyan, nakilala ko si Lord.

"Hanggang sa napag-aralan ko yung pagmamahal Niya sa akin.

"Tapos, lahat ng mga kahit na pangit na nangyari sa buhay mo, puwede Niyang baligtarin at gamitin sa maganda."

Nakausap ng PEP.ph si Amy sa media conference ng Kamao sa GMA Network Studio 6, Quezon City, kamakailan.

Palabas na ang Kamao sa GMA Afternoon Prime, 3:20 ng hapon.

Read: Catriona Gray excited for Gazini Ganados, backs Bea Windorski

The cast of Kamao, GMA's newest Afternoon Prime series.
The cast of Kamao, GMA's newest Afternoon Prime series.
Photo/s: Courtesy: Kapuso PR
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

AMY AUSTRIA on taking drugs: "hindi talaga maganda."

Bago pa ibahagi ni Amy sa kanyang vlog ang drug addiction niya, may testimonials na raw siya noon kapag may mga lugar siyang napupuntahan at siya'y pinagsasalita.

Saad niya: "So, isa na yun, yung pagiging adik ko noong nakaraan na hindi ko nilalabas noon.

"Pero noong nasa Panginoon ako, hindi naman noong 2021 ko lang nilabas yun.

"Pag may mga naiimbita ako, may mga naiimbitahan ako sa mga ano na magbigay ng testimony sa mga tao, ino-open up ko... basta depende.

"Sa Bicutan, nagsi-share ako dun, ganyan. O sa mga lugar na pagka wala.... kahit wala sa plano ko, iba yung topic ko.

"Pero pagka nararamdaman kong parang merong kailangan dito makarinig, baka merong problema rin sa adiksyon o sa anak nila, doon, sini-share ko yun.

"And then, gumawa ako ng vlog. Noon pa ako sinasabihan ng Panginoon na, 'Gumawa ka ng vlog. Gumawa ka ng ano na makakapagpalapit... kasi make disciples of all nations.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maaabot ko ba lahat? E, tama na yung... itong social media ang eksaktong platform para sa mga taong gustong mag-share tungkol sa good news ng Panginoon.

"Ayan, inumpisahan ko. Talagang kinukulit na ako, nina-nag na ako ng Diyos noon pa. 1996 pa lang, year 2000, ganyan.

"Hanggang sa, 'Sge na nga.' Talagang sunud-sunod na yung pagkulit Niya sa akin.

"Ginawa ko na noong pandemic."

Hindi raw talaga maganda ang droga sa katawan.

"Ay, hindi talaga maganda. Hindi talaga maganda. Talagang never," sabi ni Amy.

"Pero ang maganda doon sa pinagdaanan kong yun, noong hindi ko ginagawa... hindi ko naman talaga gusto, e.

"Kasi noong umpisa, parang gusto mo lang magpapayat, e.

"Kaya lang, hindi mo alam, unti-unti, hinahanap mo na. Tapos hindi ka na makakilos, tulog ka na lang nang tulog, wala ka na magawa, tapos kain ka nang kain.

"Nananaba ka, paano ka magtatrabaho? Tapos hindi ka makabanyo.

"So, bibili ka na naman. Paulit-ulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ng aktres: "Kaya ako, naintindihan ko yung mga naadik sa droga na mahirap umalis.

"Oo, humahanga ako doon sa mga hindi sinubukan yan. Congratulations! Napakatibay ninyo.

"Pero mas humahanga ako sa nanggaling diyan pero nakaalis, nakaraos, natalikuran yan.

"Di kasi, hindi ganun kadali. Dahil para sa akin, kinailangang lumapit sa Diyos."

Hanggang sa naging bahagi raw siya ng Oasis of Love, isang prominenteng Catholic Charismatic renewal community.

"Noong [nag-retreat sa] Oasis of Love ako. Sabi ko, 'Lord, alam mo, anim na taon ko itong pinilit alisin. Halos araw-araw pinaglalaban ako, pero hindi. Di ko kaya.'

"Pero sabi ko, 'Ngayon, sige na, Ikaw lang. Ikaw lang ang makakatulong sa akin. Alisin Mo na ito. Inaamin ko, hindi ko kaya.'

"Haggang dumating... nasa Oasis yun, mga 12 or 2 A.M. ng madaling-araw

"And then noong umaga, mayroong Baptism of the Holy Spirit. Simula nun.

"Tapos noong umaga, wala pang... three days yung retreat, e. Pero walang pang 24 hours, wala na kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sinabi ko pa, 'Lord, huwag mo ako patabain. Huwag mo akong... tulog nang tulog. Papaano ako magtatrabaho pag tumaba ako, sino pang kukuha sa akin?'

"It was a miracle."

Ngayon, naging misyon na raw ni Amy magbahagi ng mga leksiyong natutunan niya upang maiwasan ng iba ang malulong sa ipinagbabawal na gamot.

Mapapanood ang buong Real Talk interview ni Amy sa YouTube ng PEP.ph sa Hunyo.

Read: Robin Padilla faces backlash over "force majeure" argument

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Amy Austria: "Kaya ako, naintindihan ko yung mga naadik sa droga na mahirap umalis. Oo, humahanga ako doon sa mga hindi sinubukan yan. Congratulations! Napakatibay ninyo. Pero mas humahanga ako sa nanggaling diyan pero nakaalis, nakaraos, natalikuran yan. Hindi ganun kadali. Dahil para sa akin, kinailangang lumapit sa Diyos."
PHOTO/S: Arniel Serato / Amy Austria-Ventura on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results