Watch Now

Amy Austria, isiniwalat na nagbaon ng shabu sa spiritual retreat: "Adik ako. Lulong ako."

by Jojo Gabinete
Apr 5, 2022
Amy Austria
"Nag-try ako ng ibang drugs out of curiosity kasi alam ko kaya kong itigil. Pero noong 1986, nauso ang shabu. Ito ang pinaka-deceiving sa lahat... Gusto kong i-stop, pero hindi ko magawa. Adik ako. Lulong ako," pag-amin ni Amy Austria tungkol sa pagkalulong niya sa drogo ilang dekada na ang nakararaan.
PHOTO/S: @amyaustria_ventura Instagram

Must-watch sa Amy Ventura YouTube channel ni Amy Austria ang kanyang testimonya tungkol sa simula ng pagkalulong niya sa ipinagbabawal na gamot dahil sa pressure ng trabaho niya bilang artista.

Kapupulutan ng mga aral at magbibigay ng inspirasyon para sa mga nahihirapang makawala mula sa masamang bisyo ang mga rebelasyon ni Amy.

Siya ay 14 years old lamang nang mag-umpisa ang kanyang acting career, at bold movies ang trend sa showbiz noon.

"Pinakagrabe na yung wet look tapos puti na kamison ang suot mo, pero ang madalas na hindi nawawala sa pelikula ay yung naka-bathing suit ka," balik-tanaw ni Amy.

"Ang labanan talaga, kailangan maganda ang katawan mo. Iyon ang wala ako. Wala akong beywang, wala akong balakang.

"So, kailangan lang, ang the best na magagawa ko para sa sarili ko, para kunwari makadaya akong maganda yung katawan ko ay yung manatiling payat. “

"Kailangang mag-diet, mag-exercise, pero ang hirap magpapayat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NAG-"SHAKE" PARA RAW PUMAYAT

Ayon kay Amy, una siyang tumikhim ng bawal na gamot sa paniniwalang ito ang solusyon para magkaroon ng seksing pangangatawan.

Menor de edad pa lang siya noon.

"Hanggang madiskubre ko ang drugs na tinatawag na 'shake'—cough syrup saka pang-sipon, pagsasamahin mo, iinumin mo sila. Tapos ang epekto talaga, mawawalan ka ng gana na kumain.

"Parang upper siya—maliksi ang katawan mo, ang lakas pawisan. Ang bilis, pumayat agad ako. Siguro mga ilang araw pa lang.

"Hindi ko naman siya ginagamit sa trabaho. Hindi ko kaya kasi namumula ang mata ko.

"Pero kapag wala akong trabaho, sige, para manatiling payat," lahad ni Amy.

Kinalaunan, itinigil daw niya ito dahil nabubulol siya sa pagsasalita kapag nagtatrabaho.

Labing-walong taong gulang si Amy noong 1980 nang matuto siya na gumamit ng marijuana, pero inihinto rin daw niya dahil sa side effects na kanyang napansin.

Aniya, nawala ang kumpiyansa niya sa sarili at ninenerbyos siya sa tuwing umaarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Amy Austria

ANIM NA TAONG NALULONG SA SHABU

Hanggang sa nadiskubre raw niya ang shabu.

"Nag-try ako ng ibang drugs out of curiosity kasi alam ko kaya kong itigil.

"Pero noong 1986, nauso ang shabu. Ito ang pinaka-deceiving sa lahat," ang pagpapatuloy ng pagtatapat ni Amy tungkol sa bisyo niya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa una ay wala raw siyang nakitang pangit na epekto nito.

"Sabi ko, 'Okay ito, a. Hindi namumula yung mata ko. Aba, puwede ko siyang ipang-trabaho. Aba, mas mabilis akong magmemorya. Aba mas maliksi ang katawan ko, okay ito.'

"Kapag naglinis ako ng mga gamit, kinakalas ko pati kotse. May mga panahon, hindi ako matutulog para matapos ko kung anuman ang ginagawa ko.

"Nagtuluy-tuloy nang ganoon ang buhay ko."

Dumating sa puntong sinubukan ni Amy na talikuran ang shabu.

Pero dahil daw sa withdrawal effect ng shabu, halos anim na taong kalbaryo ang dinaanan niya bago nakawala rito.

"After a few months of using it, sabi ko, 'Ayoko na nito.' Gusto ko nang tigilan pero nang tinigilan ko, mahirap pala," pag-amin niya.

Patuloy na salaysay ng beteranang aktres: "Hindi siya katulad nang iba. Ito, merong withdrawal. Tulog ka nang tulog. Ayaw mo nang matulog. Ang bigat na ng ulo mo sa katutulog, matutulog ka pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gigising ka para kumain, kain ka nang kain. Gusto mo nang tumigil, pero hindi.

"Ang laki na ng tiyan sa kakakain. Hindi mo mailabas yung kinain mo kaya maga, manas, lahat na ‘yon.

"Tapos ang bahay ang gulo na, ang dumi na. Hindi ko na naaayos. Hindi ko na nalilinis."

Nalinlang daw siya ng shabu dahil hinahanap-hanap ito ng katawan niya.

Rebelasyon pa ni Amy: "So ano ang solusyon? Bibili na naman ako ulit.

"Kapag bumili ako, ayan gigising na ako. Magagawa ko na yung mga dapat kong gawin.

"Matitigil ako sa kakakain nang kakakain. Matitigil yung tulog nang tulog. Malilinis ko na uli ang bahay.

"Six years, ganoon ang buhay ko."

Taong 1990, unang sinubukan ni Amy na dumalo sa isang three-day spiritual retreat para hanapin ang sarili.

Pero natulog lang daw siya noon sa retreat, at bumalik sa pagdrodroga paglabas sa outside world.

Amy Austria

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

AMY ISINUKO SA DIYOS ANG KANYANG BISYO

Dumanas ng matinding depression si Amy nang biglang pumanaw noong February 4, 1992 ang isang tao na kanyang pinakamamahal, pero hindi na niya binanggit ang pangalan.

Noong una, kumapit daw siya sa drugs para makalimutan ang sakit na nararamdaman.

Pero pagkawala ng "tama" ng drugs, mas lalo lamang siyang nakakaranas ng depression.

Sa kagustuhang makawala sa kanyang drug addiction, sinubukan daw niya ulit sumali sa isang spiritual retreat.

Sa pagkakaalala niya, nagbaon pa siya ng shabu doon para masigurong hindi siya makatulog.

Pero isang himala ang nangyari nang isuko niya ang sarili sa Panginoong Diyos, isang gabi bago mangyari ang pagbibinyag sa kanya.

"Isinurender ko ang buhay ko kay Lord. Nag-one-on-one kami," ani Amy.

Sa kanyang taimtim na pananalangin, inamin ni Amy ang lahat-lahat ng pagkakamali niya sa buhay.

Ito ang sinserong dasal ni Amy:

"Lord, alam Mo naman lahat ng mga kasalanan ko, e. Pero itong pinakagrabe, itong drugs, itong shabu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Please lang, tanggalin Mo ito. Alisin Mo na ito. Alam Mo na for so many years, halos anim na taon ‘yon, I’ve been trying na maalis ito.

"Tingnan mo, eto may dala ako dito.

"Di ba ang kapal ng mukha ko? Retreat ito tapos nagdala ako ng drugs dito? Di ba ang sama ko?"

Idinulog daw ni Amy sa Diyos na hindi niya kakayaning mag-isa ang pagtalikod sa shabu.

Dasal pa rin ni Amy:

"I’m still in mourning, namatayan ako ng mahal sa buhay. Single mother ako, wala akong trabaho, wala akong pera.Addict ako.

"Please lang Lord, alisin Mo ito. Isinusuko ko ito sa Iyo, hindi ko ito kaya.

"Inaamin ko, hindi ko it kaya so please lang alisin Mo.

"Sa ’yo na ito. Maawa Ka. Ayoko na po. Parang awa Mo na Lord, tanggalin mo na ito.

"Pero Lord, kapag tinanggal mo ito, huwag Mong hayaan na magkaroon ako ng withdrawal ha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi kapag natulog ako nang natulog, papaano ako makapagtrabaho? Kapag kumain ako nang kumain, tataba ako. Sino pa ang kukuha sa akin?'"

ANG HIMALANG NARASANAN NI AMY

Hindi malilimutan ni Amy ang himala na nangyari na naging dahilan ng pagbabagong-buhay niya.

Kinabukasan, bago sumalang sa pagbibinyag o "Baptism of the Holy Spirit," muling ipinagdasal ni Amy na tuluyan niyang matalikuran ang pagkalulong sa shabu.

"May naramdaman ako na parang kasing-laki ng jackstone na bilog, parang tender pressure na dumiin sa kanang kamay, sa kaliwang kamay ko diniinan, parang kunyerente na napaka-mild," muwestra pa ni Amy.

At nang i-pray over daw siya ng elders sa spiritual retreat, natumba raw si Amy, inihiga sa sahig, at matagal na nanatili sa kanyang posisyon.

Ang pagkatumba sa pagbibinyag, ayon kay Amy, ay isa sa sinabi sa kanyang senyales ng epekto ng "Baptism of the Holy Spirit."

Nang matapos ang retreat, kuwento ni Amy, "Umuwi ako sa bahay, natulog nang mahimbing, gumising ng maaga, kumain, nagbanyo. Naging normal ang lahat, walang withdrawal. Hallelujah!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Amy Austria

Bilang Christian believer, napagtanto raw niya na ang sikreto para maiwasan ang tukso ay itakwil ang demonyo at ang kanyang bisyo.

Tatlumpong taon (30) na ang nakalilipas mula nang ipagkaloob ng Diyos ang lahat ng mga hiniling ni Amy nang siya ay magbalik-loob sa Diyos.

Hindi na raw siya muling tumikim ng bawal na gamot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At hanggang ngayon, nananatiling tapat ang multi-awarded actress sa mga ipinangako nito sa Maykapal na iniligtas siya mula sa masamang bangungot na naranasan niya sa pagkalulong niya sa bawal na gamot.

Sa pamamagitan ng kanyang YouTube Channel, nais ni Amy na magpalaganap ng salita ng Diyos na aniya'y tunay na sagot sa anumang kawalang-pag-asa ng tao.

"Pero po sa salita ng Diyos, ang hope o pag-asa ay one hundred percent na mangyayari yung inaasahan natin dahil ang tunay na pag-asa ay nakasalalay sa ating Diyos."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nag-try ako ng ibang drugs out of curiosity kasi alam ko kaya kong itigil. Pero noong 1986, nauso ang shabu. Ito ang pinaka-deceiving sa lahat... Gusto kong i-stop, pero hindi ko magawa. Adik ako. Lulong ako," pag-amin ni Amy Austria tungkol sa pagkalulong niya sa drogo ilang dekada na ang nakararaan.
PHOTO/S: @amyaustria_ventura Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results