Masalimuot man ang kanilang naging hiwalayan, handa raw makipagtrabaho si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa ex-fiancé niyang si Sam Milby.
Pero, kailangan daw isang magandang proyekto ito at akma sa kanya.
Sa "Petals & Poetry" fashion show ng designer na si Haydee Garcia kung saan si Catriona ang finale walk para sa kanyang luxury ready-to-wear collection, diretsahang tinanong ng media ang beauty queen tungkol sa ex-boyfriend.

Bukas ba siyang makatrabaho si Sam kung mabigyan ng pagkakataon?
Direktang sagot ni Catriona: "Siguro if it's a good project and it's a project fit for me, I think that's the consideration that would be there."
Halos dalawang taon na rin ang lumipas mula nang maghiwalay ang dalawa.
Na-engage sina Sam at Catriona noong February 16, 2023.
February 18, 2025, pormal nang inamin ni Sam na hiwalay na sila ni Catriona.
At nitong nakaraang February 12, 2026, sa vlog ni Karen Davila, naging bukas si Catriona na pag-usapan ang masalimuot na kinahinatnan ng noo'y pagmamahalan nila ni Sam.
Lahad niya, makaraan lamang daw ang ilang buwan matapos mag-propose sa kanya ni Sam ay bigla umanong nagbago ang takbo ng isip ng aktor nang magtapat itong hindi pa pala ito handa sa pag-aasawa.
Ikinagulat ito ni Catriona at labis raw na ikinadurog ng kanyang puso't kalooban.
Read: Catriona Gray breaks silence on canceled engagement to Sam Milby
Sa kabilang banda, inamin ni Sam na nagulat siya sa biglang pagpapa-interview ng ex-fiancée tungkol sa ilang detalye ng hiwalayan nila.
“Was I surprised, yes,” reaksiyon ni Sam sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News na lumabas noong February 16.
Dagdag pa ni Sam, nais niyang panatilihing pribado ang kuwento tungkol sa kanila ng Miss Universe 2018 titleholder kaya ayaw na niyang magkomento pa.
Aniya, “My reaction is just I just wanna keep yung sa amin ni Cat, private. I just dont want to comment. That’s it.”
Read: Sam Milby surprised by Catriona's interview about their breakup
Para naman kay Catriona, tila naka-move on na ito sa hiwalayan nila ni Sam.
Nang tanungin tungkol sa non-showbiz guy na nauugnay sa kanya, hindi direktang kinumpirma ni Catriona kung ito nga ang bagong nagpapatibok ng puso niya.
Pero, kapansin-pansing hindi rin niya itinanggi ito. Sabi lang niya, masaya siya ngayon.
Read: Catriona Gray on rumored new boyfriend: “I’m happy.”
CATRIONA SAYS ACTING PROJECTS "CHALLENGING" FOR HER
Samantala, napuri si Catriona sa The Loved One, ang una niyang pelikula.
Bida rito sina Jericho Rosales at Anne Curtis, sa direksiyon ni Irene Emma Villamor.
Maiksi lang ang role ni Catriona sa pelikula, at ilan lang ang kanyang eksena, pero positibo ang feedback sa pagpasok niya sa pag-arte.
Saad niya, "I'm very grateful for the feedback, grateful to be a part of a project that's done so well.
"As I understand, it's one of the best performing movies locally this year. And yes, it's on Netflix now."
Meron na raw kaagad siyang kasunod na proyekto. At hindi lang ito pelikula kundi marami pang iba.
Lahad niya, "Yes, I have a movie in the works.
"I cannot speak about it yet kasi early stages siya, but I'm very excited about that."
Sabi pa niya sa mga pinagkakaabalahan niya, "I have a ready-to-wear collection out with Nino Franco that I co-designed with him that's out at the moment.
"I'm working on some music. Yeah, just a lot of different things so siguro na-follow along na lang kayo sa socials ko to keep updated."
Speaking of movies, nag-i-enjoy na ba siya sa pag-arte?
Aniya, "Yeah. I mean it's challenging for me kasi hindi ko forte."
Dahil ba minsan Tagalog ang mga linyahan?
Sagot niya, "Well, I guess I just try my best. Ganun lang.
"I mean, I cannot be something that I'm not."
Ano ang dream role niya?
Tugon niya, "Oh, I love to do action. Mga fight scene, ganun."
Read: Catriona Gray, ayaw maging "weakest link" sa kanyang first movie
