Nabiktima ng magnanakaw ang aktor na si Royce Cabrera.
Nangyari ang insidente umaga ng Sabado, May 30, 2026, habang abala siya sa Sparkle Run 2026 ng GMA.
Ibinahagi ni Royce ang kanyang di magandang karanasan sa pamamagitan ng social media.
Ayon kay Royce, isolated ang insidente dahil gamit lamang niya ang nawala sa pinag-iwanan ng participants.
Ibig sabihin, tinarget siya ng magnanakaw.
Lahad ng Kapuso actor: "Akala ko hindi ito mangyayari sakin pero naranasan ko.
"Nanakawan ako ng bag during our event.
"Hindi ko inaasahan dahil naging abala kami sa event at naging kampante nako na ligtas na ang gamit ko dahil kasama nito ang iba pang gamit ng mga kasamahan ko.
"Pero sapat na pala ang ilang minutong pagka-busy para manakawan o mawalan ng gamit.
"Pero isang bagay ang sigurado ako—hindi aksidente ang nangyari dahil sa lahat ng pwede mawala bukod tanging gamit ko lang talaga ang pinili mong kunin."
Mabuti na lamang daw at nasa bag na nanakaw ang kanyang airpods kaya na-track niya ito.
Pagpapatuloy niya: "Buti nalang at nasa bag ang Airpods ko kaya mabilis ko agad na-track ang kinaroroonan nito.
"From Quirino Grandstand napunta ng Circuit makati.
"Pinuntahan namin ito kasama ng dalawang pulis at isang marshall."
Dumating daw sa puntong nawalan na ng pag-asa si Royce kaya nagyaya na siyang umuwi kasama ang dalawang pulis at isang marshall ng event.

"Sa ilang beses naming pag-iikot tila ba nawalan nako ng pag-asa mahanap pa at nag-aya nalang umuwi na.
"Palabas na kami ng mall ng bigla nalang namin nakita ang bag ko sa poste kung saan malapit na nakapark ang mobile.
"Nakalapag at bukas lahat ng zipper. Agad ko itong kinuha.
"At ito ang mga nawala: car keys, damit and towel na basa ng pawis, 5k run finisher medal, case ng airpods."
Read: Why Kathryn may not confirm relationship with Mark yet
Royce SUSPECTS He Was Singled Out by the Thief
Ayon pa kay Royce, hindi maalis sa isipan niya ang katanungan kung bakit ang mga bagay na nabanggit niya ang naisipang nakawin ng di pa nakikilalang tao.
"Hindi ko maalis ang hindi mabahala sa mga bagay na pinili mong kunin. Hindi dahil sa halaga ng mga ito, kundi dahil nakakapagtaka kung bakit iyon mismo ang mga naging target mong kunin.
"Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay mo pero kung sino ka man, sana tigilan mo na ang ganyang modus. Gusto kong intindihan kung bakit mo yun nagawa pero sigurado ako na doble ang bad karma na balik sayo sa ganyang klaseng gawain.
"Patuloy ko pa rin ito gagawan ng aksyon. Plano ko mag file ng police report at magpa check ng cctv within the vicinity."
Nagpasalamat si Royce sa pulis at marshall na tumulong sa kanya.
"PS: Gusto ko naman magpasalamat sa mga masigasig na pulis ng Station 5. Na sina PAT Lisbo at PAT Endaya at sa isa sa mga marshall ng event na si Kuya Jun sa pagsama sakin sa paghahanap. Sobrang appreciated ko ang time and effort niyo.
"Stay safe, everyone. God Bless!"
Read: Catriona Gray willing to work with ex-fiancé Sam Milby
