Ipinagdiwang ni Rufa Mae Quinto ang kanyang ika-47 kaarawan noong May 28, 2026.
Ito ang unang pagkakataong nagdiwang ang aktres ng kanyang kaarawan bilang biyuda.
Noong May 18, nagbahagi si Rufa Mae ng video snippet ng kanyang birthday celebration na ginanap sa Hawaii noong 2024.
Ayon sa kanya, noong nabubuhay pa ang mister niyang si Trevor Magallanes, naging routine na nila habang nagta-travel ang magdiwang ng Mother's Day, paggunita ng kamatayan ng kanyang ina, birthday niya, at Father's Day.
Pero maiiba ito ngayong 2026 dahil babalik sila ng California ng kanyang anak na si Athena na wala na si Trevor.
Sabi ni Rufa Mae sa caption ng kanyang post: "My birthday in Hawaii 2 years ago.. missing our family.
"We usually celebrate Mother’s Day, my Moms death Anniversary May 26, my birthday May 28 and Father’s Day when we travel!
"Ok ang lahat, pinaka masaya na taon magkasama … Now, me and Athena will go back to our home in San Francisco without you( physically) … after everything!
"You will be in my heart forevermore! Go go go!"
Mukhang napagtagumpayan naman daw nila ang babang-luksa o ang pagtatapos ng pagluluksa nila.
"First birthday ko na widow.. babang luksa. Luks like we made it! Anak! Naks!"
Pumanaw si Trevor noong July 31, 2025, sa edad na 40.
View this post on Instagram
Read: Did Matteo Guidicelli’s TV5 appearance affect talk show’s TV run?
RUFA MAE AND HER MOST MEMORABLE BIRTHDAY
Noong May 26, nagbahagi muli si Rufa Mae ng isang video na kuha sa isa niyang birthday celebration noon.
Makikita ritong may inihandang salu-salo sa kanya si Trevor, anak nilang si Athena, at mga kaibigan nila sa California.

Saad ni Rufa Mae, "Ok, isa ito sa birthday ko na di ko makakalimutan, lahat ng birthdays we celebrate ng bongga, i miss you [praying hands, heart emojis] memorial day pa namn, death anniversary ng Mom ko si Fe, kaya di ko alam ano na mararamdaman ko sa birthday kong ito."
Mensahe pa niya sa asawa, "Thanks for all the Love, patience and kindness, sweetie! Mahal kita! Salamat, thank you sa lahat."
View this post on Instagram
Read: Rufa Mae Quinto reveals depression after passing of husband
