PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto honors late husband on 10th wedding anniversary

Rufa Mae to Trevor: "Salamat for giving me Athena..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 14, 2026
Rufa Mae Quinto honors late husband Trevor on wedding anniversary
Rufa Mae Quinto on late husband Trevor Magallanes: "Salamat sa pang habambuhay na Ikaw, Trev...We miss you physically, pero alam namin kasama ka namin parati. Nandiyan lang watching our daughter."
PHOTO/S: Rufa Mae Quinto on Instagram

Inalala at binigyang-pugay ni Rufa Mae Quinto ang yumaong asawang si Trevor Magallanes sa ika-sampung anibersaryo nila bilang mag-asawa.

Nitong Martes, January 13, 2026, ibinahagi ni Rufa Mae sa kanyang Instagram account ang mga litrato nila ng nag-iisang anak na si Athena, 8, na ayon sa aktres ay pinakamalaking regalong iniwan sa kanya ng late husband.

Read: Rufa Mae clarifies late husband Trevor did not file for divorce

Pagmamalaki ni Rufa Mae, nang magdesisyon sila ni Trevor maging mag-asawa ay ipinangako nila sa isa't isa na magiging mabuti at hands-on silang mga magulang.

trevor magallanes rufa mae quinto marital issue
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw nagsisi si Rufa Mae na ibigay ang lahat dahil sa tulong at pag-aalaga ni Trevor ay naging madali ang kanyang pagdadalantao at pagiging ina.

Saad ng aktres sa caption: "Ang mga larawang ito ay ang memories kung paano ko po pinanganak at inalagaan si Athena.

"Hands-on and wala po kami[ng] yaya, kami lang mag-asawa ang nag alaga, nagpalaki, hands on parents kami.

"Kaya naninibago pa ako mag artista ng todo ulit, naging ordinary person lang ako sa America. [Ang] pinakamaganda at masaya na naganap sa buhay ko [ay] maging ina.

"Salamat sa pang habambuhay na Ikaw, Trev! Mula sa tummy ko siya inalagaan ko ng mabuti, dala na rin ng sobrang pagmamahalan natin."

Read: Rufa Mae Quinto promises late husband to care for their daughter

Rufa Mae recalls whirlwind romance that led to marriage

Hindi rin pinalampas ni Rufa Mae ang pagbabalik-tanaw kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan ni Trevor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa aktres, bagamat mabilis ang naging pagpapakasal nila ng yumaong mister, hindi niya ito pinagsisihan dahil mula’t sapul ay alam niyang si Trevor ang lalaking kanyang pakakasalan.

Pagbabalik-tanaw ng Your Face Sounds Familiar contestant: "Naging kami po January 9, 2016, bago ako umuwi sa [Pilipinas] pero bumalik din ako ng January 13, 2016, sa America para magpakasal at [hin]di na po kami naghiwalay mula noon.

"[Three] days lang ako sa [Pinas], bumalik na ako sa SF [San Francisco] agad at magpakasal! Ganoon kadali, kagaan, at bilis sa amin ang lahat."

Read: How Rufa Mae Quinto celebrated wedding anniversary without late husband Trevor Magallanes

RUFA MAE'S MESSAGE TO TREVOR

Sa huli, taos-pusong nagpasalamat si Rufa Mae sa pagmamahal na ibinigay sa kanya ni Trevor noong ito'y nabubuhay pa, lalung-lalo na sa pagbibigay nito sa kanya ng supling—si Athena.

Aniya, "Salamat for giving me Athena, kitang kita ko ang lahat ng ikaw sa kanyang mga mata, ugali, tawa, mukha, smile, magsalita, kamay, boses , kuko, lahat na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rufa Mae Quinto opens up about coping with husband's death

Hindi rin ikinaila ni Rufa Mae ang kanyang pangungulila sa yumaong mister.

Saad niya, "We miss you physically, pero alam namin kasama ka namin parati. Nandiyan lang watching our daughter.

"Patuloy mo akong alalayan sa mga pangarap natin para kay Athena [kung] paano palakihin ng masaya, mabait, matalino, cute, funny, healthy wealthy way to go go go!"

Dagdag pa ni Rufa Mae, "Magandang umaga, Happy New Year, Happy 3 Kings, Happy Chinese New Year, Happy Valentine’s Day, advance Happy Birthday."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rufa Mae Quinto denies foul play in husband Trevor's death

Pumanaw si Trevor noong July 31, 2025, sa edad na 40.

Read: Rufa Mae Quinto reveals depression after passing of husband

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rufa Mae Quinto on late husband Trevor Magallanes: "Salamat sa pang habambuhay na Ikaw, Trev...We miss you physically, pero alam namin kasama ka namin parati. Nandiyan lang watching our daughter."
PHOTO/S: Rufa Mae Quinto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results