PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good

Bea and Vincent wedding cancelled.
by Jo-Ann Q. Maglipon & Rachelle Siazon
Published 1 Hour ago
Bea Alonzo and Vincent Co call it quits for good
Bea Alonzo and Vincent Co nearly got married in Spain, broke up, and then returned to work without saying a word to the public about why they called it quits. These pictures were taken in mid-2025.
PHOTO/S: Ate Rose via @beaalonzo.empire Instagram / @jomar.aviary TikTok

Nauwi sa hiwalayan ang pagmamahalan ng A-list star na si Bea Alonzo at billionaire scion na si Vincent Co.

Ito ang impormasyong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa multiple sources.

May 28, 2026 nang unang nakarating sa PEP mula sa isang source ang tungkol sa breakup ng couple.

Makalipas ng ilang araw, noong June 9, ganoon din ang sinabi ng dalawa pang sources.

BEA ALONZO AND VINCENT CO in HAPPIER DAYS

Paglilinaw ng unang PEP source, na umiikot sa mundo ng showbiz at business, totoong nagmahalan sina Bea at Vincent.

Sinusugan ito ng pangalawang PEP source, na may koneksyon sa pamilya Co, na nagsabing madalas na magkasama ang dalawa kaya ni hindi na raw madaling mahagilap si Vincent ng mga kaibigan noong kasagsagan ng kanilang relasyon.

Ganito rin ang kuwento ng pangatlong PEP source, na isang showbiz insider.

Nariyang magkasama silang nagbakasyon sa Spain bandang April 2025, noong pinakaunang beses na nalaman ng publikong may namumuong ugnayan sa dalawa.

Ang Spain ay inaakalang espesyal para sa dalawa.

Ito ang bansa kunsaan may 50 percent stake ang pamilya ni Vincent sa Bodegas Williams & Humbert, isang 250-hectare winery/vineyard operation sa Andalusia. Ito rin ang bansa kunsaan nakabili ng townhouse si Bea sa upscale Chamberi neighborhood ng Madrid noong May 2022, mahigit tatlong taon bago pa sila nagkamabutihan ni Vincent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang may shoot si Bea sa Thailand noong May 2025, sinamahan siya ni Vincent.

Present din si Vincent sa events ni Bea para sa Bash, ang negosyo ng A-lister ng travel paraphernalia.

Marami ring nakakitang sinundo ni Vincent si Bea matapos dumalo ng aktres sa GMA Gala noong August 2025.

Markado naman ang moments ng couple sa intimate birthday party, noong November 2025, ng ina ni Bea na si Mary Anne Ranollo, na kanya ring personal finance at property manager.

Ang ganitong open show of affection nina Vincent at Bea ay hindi nakaligtas sa kanilang mga masugid na tagasuporta.

Kaya naman marami ang natuwa nang hindi sinasadyang maibalitang ikakasal na ang dalawa, dala ng wedding bann para sa isang Ferdinand Vincent Pe Co at isang Phylbert Angelli Escalante Ranollo—mga tunay na pangalan nina Vincent at Bea—sa St. Peter the Apostle Parish sa Paco noong March 8.

Sina Bea, 38, at Vincent, 45, ay may napatunayan na sa kani-kanilang larangan.

Si Bea ay isang multi-awarded actress na sinasabing isa sa pinakamayamang artista sa showbiz, na liban sa may business ventures ay may 16-hectare farm sa Zambales na tinawag niyang Beati Firma.

Para sa taong 2024-2025, siya ay pinangalanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na isa sa top individual taxpayers ng bansa.

Si Vincent ay presidente ng Puregold, ang kasalukuyang pinakamalaking grocery chain sa Pilipinas, at ayon na rin sa official website ng Puregold, ay presidente at chairman din ng 14 pang kumpanya, liban sa ilan pang posisyong hinahawakan sa ibang mga establisyemento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Forbes Philippines' 50 Richest ng taong 2025, nasa ika-siyam na posisyon ang magulang ni Vincent na may net worth na 3 billion dollars, na sa P60.27/$1 exchange ay umaabot ng 180.810 billion pesos. Si Vincent ang kinikilalang scion ng mga Co.

Bea Alonzo and Vincent Co sweet moments during her mom's birthday
Bea Alonzo and Vincent Co sweet moments during her mother's birthday
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bea Alonzo shows all-out affection for boyfriend Vincent Co

THE PRENUP ISSUE

Ngunit nagkandagulo-gulo ang masaya sanang pag-iisang dibdib ng couple.

Ilang araw lamang pagpasok ng Mayo, ang buwan dapat ng kasalan, sumambulat ang balitang hindi nagkakasundo ang magkabilang partido at ang sinasabing dahilan ay ang prenup agreement.

Ang prenup ay legal na kasulatang naglalaman ng mga kondisyon para sa pagsasama ng ikakasal—bagay na karaniwang pinipirmahan ng bride at groom mula sa mga kilala at mayamang Filipino-Chinese families, ngunit nagiging kalakaran na rin para sa dumaraming all-Filipino couples.

Ang bumulagta sa publiko ay isang Blind Item tungkol sa prominenteng engaged couple na hindi na raw matutuloy ang kasalan. Ang itinuturong dahilan ay ang hindi raw pagpirma ng babae sa prenup, at ang nagsusulsol daw dito ay ang kanyang "inner circle" na mawawalan ng "cash cow" kapag ito'y nagpakasal. Sinabi ring ikinagulat ito ng pamilya ng lalaki dahil hindi naman daw madrama ang prenup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad namang ibinaba ng online site ang sariling Blind Item, na halos sabay ng pag-ulat naman ng PEP ng "Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?" noong May 8.

Sinundan ito ng Cabinet Files, sa PEP din, na nagsabing mahirap paniwalaan ang bintang sa "inner circle" ni Bea, na malinaw na patukoy kay Shirley Kuan o SK, ang manager ni Bea mula 2021 nang umalis na ang huli sa Star Magic at lumipat mula ABS-CBN patungong GMA-7.

Argumento ng Cabinet Files, kilala si SK sa industriya na hindi nangingialam sa personal na buhay ng talents nito. Bilang pruweba, inungkat ng Cabinet Files ang pagsabi noon ng singer-actress na si Donna Cruz kay SK, bilang manager nito, na siya'y magpapakasal na, sa panahon ng kasikatan ni Donna, na ang ending ay ang manager pa raw ang naging punong-abala sa church wedding.

Damay din sa naging Blind Item si Alan German—kilalang veteran PR para sa piling personalidad sa politics at business—na miyembro raw ng inner circle ni Bea.

Sa FB post ni German, sinabi nitong nananahimik siya at ni hindi pa sila nagkakatagpo ni Bea sa tanang buhay niya. Matapos ay hinamon nito ang sinumang makapagbibigay ng ebidensiyang magkakilala sila ni Bea at nagsabing kusang bibigyan ito ng sampung-libong piso.

Walang narinig sa mismong kampo ni Bea; wala ring narinig sa pamilya ni Vincent.

Nang sumunod na mga araw, naglabas naman ang Troika ng balitang nasa prenup agreement daw na kailangang manirahan ang dalawa sa bahay ng pamilya Co matapos ng kasal. Sa kasulukuyan, may sariling condo si Vincent at nakabukod sa sariling bahay si Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo's house undergoes major makeover; see before and after photos!

Ayon pa rin sa Troika, nakasulat din umano sa prenup na kapag maghiwalay ang dalawa ay maiiwan ang anak nila sa mga Co.

Nag-viral naman ang post ni Wilfredo Garrido ng Arteche, Garrido & Associates nang biglang magkomento ito na may karapatang tumanggi si Bea kung ganoon nga ang prenup. Paano raw nangyaring mamamanduhang tumira ang isang adult female sa tahanan ng mapapangasawa, at "poison pill" daw ang probisyong isuko ni Bea ang mga magiging anak sakaling maghiwalay sila ni Vincent.

Diin ng abugado, ang kustodiya ng anak ay "fundamental right" ng magulang at "ilegal" daw ang ipa-waive ito ng walang court approval. "That no longer looks like a prenup but a life sentence," may angas na sabi ng litigation lawyer sa kanyang May 9 FB post.

Sa kabilang banda, may isang source ang PEP na nagsabing may hiningi ring mga proteksyon si Bea sa prenup, kasama na ang pagpapawalang-bisa ng prenup kapag siya ay pagtaasan ng boses ni Vincent.

Dito ay nagkomento uli si Garrido. Sabi nito, hindi naman fair iyon dahil natural lang daw na magkaroon ng di pagkakaunawaan ang isang couple. "What if you need to let off steam? ...Why bar what is sometimes perfectly normal and necessary?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na tila nagkasubukan kung hanggang saan mapaninindigan nina Vincent at Bea ang isa't isa.

Unang naiulat ng PEP ang isyu ng prenup noong May 8.

Read: Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?

Sinundan ito ng ulat ng PEP Troika, noon ding May 8, na naudlot ang pirmahan sa prenup dahil sa "unverified info" na nagpadagdag daw ng panibagong stipulations sa kontrata ang ina ni Vincent.

Read: Bea-Vincent wedding faces delays amid prenup, family issues

Sa pagsuma-tutal, ayon sa PEP Troika, hindi nagustuhan ng kampo ni Vincent ang ipinadagdag na stipulations ng kampo ni Bea, at ganoon din ang kampo ni Bea sa mga kondisyong inilatag ng pamilya ng fiancé.

Ganunpaman, naging tikom-bibig pa rin sina Bea at Vincent. Ngunit nagkaroon ng bulong-bulungan na apektado talaga ang dalawang nagmamahalan at sinasabi ring naiwan silang nag-iiyakan.

THE FOILED WEDDING IN SPAIN

Hanggang sa tatlong sources ng PEP ang nagsabing hindi na talaga tuloy ang church wedding.

Nakatakda ang destination wedding nina Bea at Vincent para sa May 14, 2026, sa Sevilla, Spain, mga limang oras ang layo sa Madrid. Ang welcome party naman para sa mga guests ay nakatakda para sa May 12, sa Jerez de la Frontera na isang oras ang layo sa Seville.

Ang mga petsang ito ay ayon sa isang showbiz insider na nagsabi sa PEP na nakakita ito ng soft copy ng imbitasyon. Ini-report ito ng PEP noong April 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit malinaw na hindi natuloy ang kasalan dahil nakita si Vincent dito sa Pilipinas noong mismong May 14, sa event ng Puregold.

Kasama nito sa event ang ama, ang billionaire-businessman na si Lucio Co.

May mga umaasa pa ring na-postpone lamang ang kasal dahil nang mga panahong iyon ay nasa Spain na ang ina, kapatid, at ilan pang malapit na kapamilya ni Bea.

Naroon na rin si Bayani Agbayani, ang biyenan ni James Carlos, ang half-brother ni Bea.

Natuloy din sa Spain ang malapit na kaibigan ng aktres na si Dimples Romana, kasama ang mister nitong si Boy Ahmee. Naglabas pa sa YouTube ng ilang video ang mag-asawa ng kanilang pamamasyal sa Espanya.

Napag-alaman ng PEP na ang mga kapatid na babae ni Vincent ay nagtungo rin sa Spain noong Mayo.

Si Bea ay balitang nasa Spain din ngunit ang tanging post nito ay noong May 11, Mother's Day, kasama ang ina na nakasuot ng hikaw at singsing na hinahawak-hawakan ni Bea. Ito ay jewelry brand na inendorso ng aktres. Ang sumunod na post na nito ay June 2.

Ganunpaman, nabuhay ang pag-asa ng mga tagasuporta nina Bea at Vincent na baka puwede pang ayusin kung anuman ang balakid sa pag-iisang dibdib ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CIRCUMSTANCES SURROUNDING THE BREAKUP

Ayon sa pangatlong PEP source, umabot sa puntong niyaya raw ni Vincent na magpakasal na sila ni Bea sa civil rites.

Pero ayon pa rin sa source, tumanggi si Bea.

Sa puntong iyon ay tila napakasalimuot na ng mga puwersang hadlang sa kanilang pagpapakasal. Tila kailangan nang pairalin ang isip at hindi lamang ang emosyon, lalo pa't panghabambuhay ang pinag-uusapan.

Sabi naman ng unang PEP source, hindi raw nakapagtataka kung isa sa mga malaking balakid ay ang magkaibang mundong ginagalawan nina Bea at Vincent.

Bilang galing sa isang very traditional, Filipino-Chinese family si Vincent, idagdag pang unico hijo ito sa apat na magkakapatid at magiging tagapamahala ng Co family fortune, daraan daw talaga sa butas ng karayom ang sinumang mapupusuan nito.

Bilang A-lister naman sa entertainment industry at may aktibo pa ring career, at bilang matagal nang kilalang independent female, sinasabing kahit kaliit-liitang intriga na naidikit kay Bea noon at ngayon ay nakakabawas sa puntos nito sa mga konserbatibong magulang ng nobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahat naman ng sources ng PEP ay nagsasabing ang pinakamalaking balakid pa rin sa pag-iisang dibdib ng dalawa ay ang hindi pagiging pabor nina Lucio at Susan Co kay Bea para sa kanilang tanging anak na lalaki.

Malamang na mananaig daw hindi lamang ang personal feelings ni Vincent kundi ang natatanging posisyon nito sa pamilya, lalo pa't kabilang siya ng isang tight Chinese family.

Dagdag na lang ang matinding hindi pagkakaunawaan ng dalawang kampo sa isyu ng prenup agreement.

Hanggang sa, nang huli, nauwi sa breakup ang ugnayan nina Bea at Vincent.

Sabi pa ng pangalawang PEP source, tila naman desidido ang magkabilang-partido na huwag magbigay ng anumang detalye sa mitsa ng kanilang hiwalayan. Sinabihan na raw ang lahat na manahimik.

BEA AND VINCENT BACK AT WORK

Business as usual si Vincent kahit noong kasagsagan ng isyu ng "on and off" wedding nila ni Bea, ayon sa pangalawang PEP source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw mababanaag kay Vincent kung may dinaramdam ito sanhi ng breakup. Wala raw itong pinamamalas na inip, galit, o init ng ulo, na siya dating nakikita umano sa kanya sa trabaho kapag may personal na pinagdaraanan.

Noong May 19, ibinalita ng isang tabloid na natanong si Vincent tungkol sa bali-balitang sinusuyo uli nito si Bea, at ang tanging isinagot daw ng Co scion ay isang maikling tawa.

Read: Vincent Co spotted at company event; new prenup rumors swirl

Vincent Co (L) and dad Lucio Co (R) with Net25 President and CEO Caesar Vallejos (middle)
Vincent Co (L) and dad Lucio Co (R) with Net25 President and CEO Caesar Vallejos (middle)
Photo/s: Caesar R. Vallejos on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Back-to-work din ang atake ni Bea. Liban sa klarong pagbawas nito ng timbang, hindi ito makikitaan ng dinaramdam matapos ng kasal na hindi natuloy.

Noong May 26, nagbalik-taping na ang aktres sa Whispers From Heaven, ang ginagawa nitong Kapuso teleserye na inaasahang eere sa 2027.

Read: Bea Alonzo resumes Whispers From Heaven taping amid wedding rumors

June 2 ay nag-post na nga si Bea ng Instagram carousel ng mga litratong kuha niya sa Paris, London, at ilan pang lugar na pinasyalan habang siya ay nasa Europa noong Mayo.

Nakapanood pa siya ng concert doon ng singer na si Olivia Dean.

"A few randoms" ang simpleng caption ni Bea sa post.

Bea Alonzo during her Euro trip
Bea Alonzo during her Euro trip
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ramdam sa post ni Bea ang pinagdaanang kontrobersiya.

Pero hindi naman nakaligtas sa paningin ng netizens na sa isang litrato ay wala siyang suot na engagement at wedding rings.

Tingin ng netizens, patunay uli ito na walang wedding na naganap.

Read: Bea Alonzo gives glimpses of Europe trip amid wedding rumors

Noong June 10, nag-update ulit si Bea sa mga pinagkakaabalahan niya.

"Work mode" daw siya sa set ng serye, at nag-post din siya ng ilang litrato kuha sa office ng Bash.

Bea Alonzo at her office for Bash
Bea Alonzo at her Bash office
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo and Vincent Co nearly got married in Spain, broke up, and then returned to work without saying a word to the public about why they called it quits. These pictures were taken in mid-2025.
PHOTO/S: Ate Rose via @beaalonzo.empire Instagram / @jomar.aviary TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results