PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda denies alleged BTS ticket hoarding claims

Vice Ganda slams claims on alleged bulk BTS ticket reservation
by Khryzztine Joy Baylon
Published 7 hours ago
Vice Ganda
Vice Ganda slams allegations circulating on social media claiming he secured 50 tickets for the South Korean boy group BTS concert in the country.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Mariing pinabulaanan ng TV host-comedian na si Vice Ganda ang alegasyong sangkot siya sa umano’y pagpapareserba ng mahigit 50 tickets para sa two-day concert ng South Korean supergroup na BTS na gaganapin sa March 13 at 14, 2027, sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan.

Ang naturang concert sa Pilipinas ay bahagi ng Arirang World Tour ng sikat na K-pop boy group.

Read: BTS RM apologizes after disbandment statement sparks fan worry

Noong Huwebes, June 11, 2026, isinagawa ang General Onsale o huling bentahan ng mga ticket para sa concert ng BTS sa bansa.

Kung saan maraming ARMY (tawag sa fans ng BTS) ang nagpahayag ng pagkadismaya matapos mabigong makakuha ng tiket para sa inaabangang pagbabalik ng K-pop supergroup sa bansa, labindalawang taon matapos ang huli nilang concert sa Pilipinas noong 2014.

BTS RM apologizes after disbandment statement sparks fan worry
BTS members V, Suga, Jin, Jungkook, RM, Jimin, and J-Hope.
Photo/s: bts.bighitofficial on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay nito, kumalat online ang isang post na nagsasabing may ilang indibidwal umano na nakapagpa-reserve ng 40 hanggang 50 tiket, na sinasabing nakaapekto sa pagkakataon ng ibang Pinoy ARMY na makabili ng ticket.

Mabilis ding lumaganap ang haka-hakang ang tinutukoy na indibidwal ay walang iba kundi ang It's Showtime host na si Vice Ganda.

Read: AC denies using "connections" to get early BTS pop-up access

Dahil dito, umani ng batikos si Vice mula sa ilang BTS fans na naniwala sa naturang alegasyon.

Vice denies hoarding BTS concert tickets accusations

Sa X nitong Huwebes, June 11, diretsahang sinagot ni Vice ang ilang netizen na nag-uugnay sa kanya sa umano'y pagbili ng mga tiket na lampas sa itinakdang purchase limit.

Tumagal ng tatlong araw ang ticket selling.

Isinagawa ang ARMY Membership Presale noong June 9, Live Nation Presale noong June 10, at General Onsale noong June 11.

Sa ilalim ng ticketing guidelines, hanggang dalawang tiket lamang ang maaaring mabili ng bawat account para sa bawat show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tab Baldwin makes first public appearance after drowning tragedy

Kabilang sa sinagot ni Vice ay ang tweet ng isang nanggagalaiting BTS fan na: "Mahiya ka naman Vice Ganda. Ang hirap kumuha ng ticket ng BTS, tapos ikaw 50 tickets pa nakuha mo?

"2 lang maximum sa website pero sa yo petiks lang? Nakakahiya galawan mo. Sana lumaban naman kayo ng patas."

Buwelta rito ni Vice (published as is), "Mas mahiya ka at ang mga kapwa mong mga bobo na mapagpaniwala sa mga tsismis na pang tanga! Tama yan!

"Nawa'y magpuyos ang mga puso nyo sa galit na likha ng mga maliliit nyong utak na kayang gaguhin ng fake news!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi rin pinalampas ni Vice ang isa pang netizen na nag-post ng: "So totoo nga yung kay Vice Ganda? P*tang i*a niya, nawala ako ng respeto sa kanya."

Dito, muling itinanggi ni Vice ang alegasyong nakakuha siya ng 50 tickets.

Aniya, imposible itong mangyari dahil maging siya ay hindi pa niya tiyak ang kanyang schedule—kung makakapanood ba siya o hindi sa araw ng concert ng BTS sa bansa.

Pahayag niya (published as is): "Bobong mapagpaniwala ampotah!

"Saan galing ang 50 tix? Aanhin ko yun? 100 ba ang mata at tenga ko kung sakaling manunuod man ako!!!

"Ni hindi ko nga alam ang schedule ko sa araw na yun!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nang bukas si Vice tungkol sa pagiging fan niya ng BTS na binubuo nina RM, Suga, Jin, J-Hope, V, Jimin, at Jungkook.

Noong February 19, 2021, nag-post siya sa X upang pasalamatan ang mga ARMY na mainit siyang tinanggap bilang bagong BTS fan.

Tweet niya noon: "I AM SO HAPPY! I found an extra source of happiness.

"Nahihiya ako sa mga ARMY. Bago palang akong super faney ng BTS and wala pa kong masyadong alam kaya ayokong magpakafeelingera na ARMY ako.

"Pero thankful ako ng severe sa mga nagwe-welcome sakin. Ang saya pala talaga no! Chugug!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda slams allegations circulating on social media claiming he secured 50 tickets for the South Korean boy group BTS concert in the country.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results