May pahayag si Celeste Cortesi kaugnay ng napabalitang paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Jonathan Sterling, isang mayamang software developer.
Ang third party diumano ay isa pang beauty queen: si Bianca Manalo.
Ipinagbubuntis ni Celeste ang anak nila ni Jonathan.
Sina Celeste at Bianca ay parehong beauty queen: si Celeste ay Miss Universe Philippines 2022 at si Bianca naman ay Binibining Pilipinas-Universe 2009.
Una nang itinanggi ng kampo ni Bianca ang alegasyon sa pamamagitan ng official statement na inilabas ng Sparkle GMA Artist. Sinabi ritong “single and not in any relationship” ang dalaga.
Parehong Sparkle artists sina Bianca at Celeste.
Read: Bianca Manalo's camp denies third-party allegation
CELESTE REACTS
Madaling araw ng Sabado, June 13, 2026, naglabas ng reaksiyon si Celeste via Instagram Story.
Ipinost niya ang larawan nila ng British businessman at philanthropist na magkadikit. Pareho silang nakangiti.
Sa text overlay, idinetalye ng Filipina-Italian beauty queen ang set-up nila ngayon ni Jonathan.
Bungad ni Celeste, “Jonny and I are good. Our focus remains on caring for our child, Sergio, and supporting our family.”
Nanawagan din siya ng privacy sa pagkakataong ito.
“I believe some situations call for greater consideration and respect, especially when a child and family are already involved.
“Our priority is our family, and that is where our time, energy, and attention will remain.
“With that said, people can now relax and focus on their own lives instead.”
Walang pahayag si Celeste kaugnay ng third-party allegations.

NETIZENS REACT
Samantala, ni-repost ni Bianca via Instagram ang official statement ng Sparkle GMA Artists.
Subalit nakatawag-pansin sa ilang netizens ang makahulugang komento ng make-up artist ni Celeste na si Roge Bernaldez sa post ni Bianca.
“Hmmmm?1??” komento ng make-up artist na may kasamang thinking emoji sa dulo.
Bunsod nito, naintriga ang ilang netizens at lalong kinuwestiyon kung may katotohanan ba ang alegasyong third party.

Ipinagtanggol naman si Bianca ng kanyang supporters.
Mapapansin ang pag-like niya sa ilang comments:
- "I've read it and i don't think Bianca would do that. Maybe the man may like her but having breaking someone's relationship isn't Bianca's tea.
"She is just beautiful but not to the point of ruining someone's relationship. Babae din siya alam niya ang feeling ng babae..."
- "LET THEM WAG THEIR TONGUES. STAY SILENT.. IMPORTANTE YOU'RE NOT GUILTY. I STAND BY YOU..."


Isang netizen ang naglitanya kaugnay ng “women blaming” sa ganitong senaryo.
Kung nasira man daw ang relasyon nina Jonathan at Celeste na buntis ngayon, huwag daw isisi sa ibang babae.
“We always forget that these are grown up men that know what they want and what they’re doing and instead blame it all on the woman!!” parte ng post ng netizen.
“Stop normalizing this shit of blaming women when men themselves can’t protect their own relationships.”

Read: Brandon Espiritu deactivates social media accounts amid "halfies" controversy
