Mariing itinanggi ng Sparkle GMA Artist Center na si Bianca Manalo ang dahilan sa sinasabing hiwalayan ng isang beauty queen at ng milyonaryo nitong boyfriend at magiging ama ng kanyang ipinagbubuntis.
Lumabas sa isang online news site nitong Huwebes, June 11, 2026, na hiniwalayan diumano ng tech millionaire, British national, at philanthropist na si Jonathan Michael Sterling ang partner nitong si Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi.
Ang sinasabi nilang dahilan at third paty ay si Bianca, na kinoronahang Bb. Pilipinas Universe noong 2009.
View this post on Instagram
Ayon sa inilabas na pahayag ng Sparkle ngayong Biyernes, June 12, single si Bianca at walang idini-date sa kasalukuyan.
Buong pahayag nila: "On behalf of our Sparkle Artist, Bianca Manalo, we would like to clarify that there is no truth to rumors circulating about her involvement with another couple. She is single and not in any relationship.
"We hope this settles the matter and that we all continue to spread and click kindness instead."
Read: Who is Brandon Espiritu?
Ni-repost ito ni Bianca sa kanyang Instagram, pero wala siyang inilagay na caption.

Read: Tab Baldwin makes first public appearance after drowning tragedy
BIANCA MANALO IS SINGLE SINCE 2025
January 2025, naintriga ang relasyon nina Bianca at Sneator Sherwin Gatchalian nang mapansin ng netizens na hindi na nila ipinu-post ang isa’t isa sa kani-kanilang social media accounts.
Nangyari ito matapos hiwalay na magdiwang ng Pasko ang dalawa noong December 25, 2024.
Nag-post ng holiday pictures ang senador pero wala si Bianca sa mga ito.
Samantala, si Bianca naman ay nagdiwang ng kanyang 2024 holiday sa Japan.
Taong 2023, nasangkot sa isang kontrobersiya si Bianca dahil sa kanyang Magandang Dilag co-star na si Rob Gomez bunsod ng mga naglitawang umano'y screenshots ng kanilang conversations, na nagpapahiwatig na meron silang ugnayan.
Pinabulaanan naman ito ni Bianca at tinawag na "false rumors" at "unfounded accusations."
Read: Senator Sherwin Gatchalian no comment on Bianca Manalo-Rob Gomez issue
Sa isang panayam naman kay Sherwin noong January 21, 2026, sinabi niyang "non-existent" ang kanyang love life na nagpapahiwatig na hiwalay na talaga sila ni Bianca.
Read: Sherwin Gatchalian admits to having a “non-existent” love life
Wala pang pahayag sina Celeste at Jonathan tungkol sa nagba-viral na isyu.
