Nagkita na sa wakas si Vince Maristela at veteran actress-TV host at ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio matapos ang naging viral na name mix-up ng Kapuso actor sa isang episode ng It's Showtime.
Naganap ang kanilang pagkikita sa MEGA Ball 2026, ilang araw matapos pag-usapan online ang naging sagot ni Vince sa segment na “Laro, Laro, Pick” ng Kapamilya noontime show noong June 10, 2026.
Read: Jerome Ponce grieves death of youngest brother
Noong araw na iyon ay kasama ni Vince na naglaro ang kapwa niya former housemates ng PBB: Celebrity Collab Edition.
Tnanong si Vince kung sino ang host ng longest-running drama anthology sa Pilipinas na Maalaala Mo Kaya (MMK), na nagsisimula ang pangalan sa letrang “C.”
Sa halip na pangalan ni Charo, “Cory Vidanes” ang naging sagot ng aktor.
Dahil dito, agad napahagalpak sa tawa ang mga host ng segment na sina Vice Ganda at Jhong Hilario.
Si Cory ang Chief Operating Officer for Broadcast ng ABS-CBN.
Read: Baterbonia and Adili families seek accountability from Ateneo; present five demands
Dahil dito ay natatawang isinumbong ni Vice si Vince kay Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group.
“Napaka mo... Ms. Annette, oh! Si Vince, playtime. Hala ka, si Ma'am Charo ang host ng Maalaala Mo Kaya,” ani Vice.

Agad namang humingi ng paumanhin si Vince kay Charo dahil sa kanyang pagkakamali.
“Hello po, Ma’am Charo. Nanonood po talaga ako ng MMK,” palusot ni Vince.
Matapos ang insidente, pabirong inimbitahan ni Charo si Vince na bumisita sa kanyang opisina.
Ibinahagi ni Charo sa Instagram ang video clip ng naging sagot ni Vince sa “Laro, Laro, Pick.”
“This is so funny... Hi Vince, please go to my office,” saad niya.
Reply naman dito ni Vince, “Pwede po ba magpasama kay Ms. Annette?”
VINCE FINALLY MEETS CHARO
Maliban sa kanilang naging palitan ng mensahe sa social media, nagkrus din ang landas nina Vince at Charo noong June 13.
Sa Instagram, ibinahagi ni Vince ang kanilang larawan, kalakip ang pagbati at pasasalamat niya kay Charo para sa inspirasyong hatid nito sa maraming henerasyon.
Mababasang caption ni Vince (published as is): "Goodmorning, bati na po kami hehe.
“Congratulations, Ma'am Charo. Thank you for inspiring many generations of artists.
"A legend. An icon."

Sinamantala rin ni Vince ang pagkakataong makisabay sa isang TikTok trend kasama si Charo.
Ginawa nila ang acting challenge na nagpapakita ng iba't ibang emosyon habang binibigkas ang sikat na linyang “Dear Charo.”
Ang “Dear Charo” ang kilalang pambungad ni Charo sa MMK bago niya basahin ang ipinadalang liham ng sender sa bawat episode ng programa.
