Nagluluksa si Jerome Ponce sa pagkamatay ng pinakabatang kapatid na si Jesus Omboy Porciuncula.
Malungkot ang post ng aktor sa kanyang Facebook page kahapon, June 13, 2026.
Kalakip ng mga larawan ay ang maikling caption (published as is): “Boy.. mahal ka ni kuya sobra,, maaabot ko rin rank mo, hintay lang. GGWP.”
Ang GGWP ay acronym para sa Good Game, Well Played, isang expression na madalas ginagamit sa video games.
Una nang inanunsiyo ng ina ni Jerome na si Gema Gapido Zafra ang pagpanaw ni Jesus Omboy ilang araw na ang nakakaraan.
Hindi inanunsiyo ng ina ang eksaktong petsa at dahilan ng pagkamatay ng anak.
“We know that many of you were part of his life and shared memories, laughter, and friendship with through the years.
"As we grieve this heartbreaking loss, we ask that you keep him and our family in your thoughts and prayers.
"Thank you for all the kindness and love you have shown him. It brings us comfort to know that he was cared for by so many people,” saad pa niya sa isang post sa Facebook.
Read: Is a divide brewing within SexBomb Girls?
A FEW THINGS ABOUT Jesus Omboy
Sa pagsisiyasat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isang college student sa Far Eastern University - Cavite si Jesus Omboy, na may palayaw na Jo.

Information Technology ang kinukuha niyang kurso.
Mahilig siya sa basketball at malimit pumunta sa beaches.
Endorser rin siya ng isang coffee brand.
Sa kanyang mga social media account ay makikita ang pagmamahal niya sa kanyang mga kaibigan at sa kanyang pamilya.
Read: Marian Rivera's viral Q&A with Jether Palomo resurfaces online
JEROME PONCE'S closeness with his BROTHER
Makikita rin ang closeness nila ni Jerome.
Sa isang panayam sa Kapamilya actor ng ABS-CBN, ipinahayag nito na sobrang close siya kay Jo.
“Siya kasi ang nakikita kong better version of me as early as now kasi, I mean, I’m not his dad, pero naglu-look forward siya sa lahat ng ginagawa ko.
"Lahat ng ginagawa ko, gusto niyang gawin. And sobrang wala nang sasarap sa isang taong gustong umidolo sa iyo, hindi lang umidolo kundi to be a better version of you.
"Pero hindi lang para higitan ka but, you know, kung ano man yung kulang, siya yung gagawa,” saad ni Jerome.