Labis ang paghihinagpis ngayon ng Kapuso actress na si Ashley Rivera dahil sa pagpanaw ng kanyang ina, matapos ang pakikipaglaban nito sa lung cancer.
Nitong Lunes, June 15, 2026, ibinahagi ni Ashley ang malungkot na balita sa pamamagitan ng sunud-sunod na posts sa Instagram Stories.
Sa unang post ng aktres, makikita ang masayang larawan ng kanyang ina.
Read: Ashley Rivera a.k.a. Petra Mahalimuyak shares her happy-go-lucky routines!
Kalakip nito ang caption na: "No more pain, Ma.
"May your heart and soul find peace and comfort.
"I miss you so much. I love you forever."

Sa sumunod na litrato, makikita naman si Ashley na hawak ang kamay ng kanyang inang nakaratay sa ospital.
Sabi ng aktres, "I'm gonna miss holding your hand, Ma."

Read: Tab Baldwin resigns amid probe into deaths of Ateneo athletes
Sa isa pang post, ipinahayag niya ang labis na pangungulila sa ina.
"I miss you so much, Mama Bear. I can't believe you're not with us anymore."

Sa huli niyang Instagram Story, ibinahagi ni Ashley ang isang video kung saan humahagulgol siya habang hawak ang kamay ng ina sa hospital bed.
Read: Belle Mariano and Ivana Alawi reveal insecurity: their noses
Sa mga sandaling iyon, sumakabilang buhay na ang kanyang ina.
Kalakip ng video ang madamdamin niyang mensahe: "Worst nightmare. Biggest heartbreak. Hardest goodbye.
“I held your hand until your last breath. I didn’t want to let go but I have to."

Bagamat masakit para sa pamilya nina Ashley ang mawalan ng mahal sa buhay, pangako niya sa ina na mananatili siyang matatag.
Saad niya, "You're home now, Mom. I’m lost but I’ll be okay. I’ll be strong for you. I promise."
Ashley recalls learning about her mother's lung cancer
Noong May 2, 2026, sa YouTube podcast na i-Listen ni Kara David, binalikan ni Ashley ang panahon nang nalaman nilang may stage 4 lung cancer ang kanyang ina.
Lahad niya: "There was a time, February 24, that's when I found out that my mom has stage 4 lung cancer, metastasized to the bone.
"Yung time na ito, talagang parang gumuho yung mundo ko. Iyak ako nang iyak from morning until night.
"And then sabi ng handler ko, 'Oh, kailangan ng posting. Bahala ka na kung ano gusto mong content.'
“And knowing na medyo sira-ulo yung mga content ko, naisip ko, okay, iinom ako. Tapos, sha-shot ako, magli-lip sync ako, tapos umiiyak ako.
“Tapos dumami yung views noon, so people didn't really know kung ano yung nangyayari sa buhay ko that time.
"They thought it was just one of those contents. So when I cry sa mga content ko, most of the time it's because I was really going through something.
"It's real tears, it's not acting. May pinagdadaanan ako."
ASHLEY DESCRIBES HER MOTHER AS "SUPER STAGE MOM"
Ibinahagi rin ni Ashley sa nasabing panayam kung gaano kalaki ang naging pagbabago sa kanyang buhay nang magkasakit ang ina.
Noong wala pa raw kasi itong karamdaman, madalas niya itong kasama sa mga taping at guesting.
Pahayag ni Ashley: "Nagti-taping ako, nandiyan siya kahit madaling-araw. She's always with me.
“Yun nga, knowing na may sakit siya ngayon, it's just so hard. Kasi sa mga guesting, taping, lagi ko siyang kasama, nandiyan siya, nagbi-video.
"Tsaka sobra yung tiwala niya sa akin. Even nung sa Chika Minute, nandun din siya, nanonood siya. Very supportive."
Read: Do air fryers cause cancer? Experts speak up.
Inilarawan pa ni Ashley ang kanyang ina bilang isang "super stage mom" dahil sa walang-sawang suporta nito sa kanyang karera.
Dagdag pa niya: “And then now, almost three weeks na kami nasa hospital—highs and lows talaga. Iniisip ko, 'Oh my God, hanggang kailan na lang ba ito?'
“Or mawawalan ka ng hope kasi ang payat na niya, tapos hirap na hirap na siya.
"Alam ko na hindi ko dapat pinapakita na umiiyak ako, kasi siya mismo nawawalan ng pag-asa kapag nakikita niya kaming malungkot."
