Nag-hard launch ng kanyang relasyon ang dating child actress na si Isabelle de Leon sa pamamagitan ng social media.
Sa Instagram noong June 14, 2026, nag-uplaod si Isabelle ng isang Reel kung saan ipinakita niya ang kanyang pilotong boyfriend.
Naka-text overlay sa video ang ganitong mga salita: "POV: crush mo yung Pilot nyo."

Mapapanood sa video, na tumagal ng 1 minute and 9 seconds, ang paghu-holding hands ni Isabelle at ng boyfriend, pagpasok ng piloto sa cockpit ng eroplano ng Delta Air Lines, at iba pang kaganapan sa kanilang biyahe.
Pagkatapos ng landing, lumapit si Isabelle sa boyfriend kung saan maririnig siyang nagsabing, "Nice landing, Captain."
Sa hashtags niya sa caption, si Isabelle na mismo ang nagsabing "hard launch" ito ng kanilang relasyon.
Pero hindi binanggit ng dating aktres ang pangalan ng piloto niyang boyfriend.
Buong caption ni Isabelle, "POV: crush mo yung Pilot nyo [plane, dizzy, heart emojis]
#JowaReveal #isabelledeleonBF #DudayDating #Pilot #hardlaunch"
View this post on Instagram
Base sa size ng Delta Air Lines na pinipiloto ng boyfriend ni Isabelle ay local destinations ang flights nito.

Ang Delta Air Lines ay isa sa pinakamalaking local at international airline companies sa U.S.
Read: Isabelle de Leon: from award-winning child star to aspiring beauty queen
NETIZENS REACT TO ISABELLE DE LEON'S "JOWA REVEAL"
Sa comments section, kilig na kilig ang ilang followers ni Isabelle sa kanyang guwapong pilot boyfriend.
Komento ng isa, "Sana all [face with hearts emojis]"
Sagot ng aktres, "thank you"

Biro ng isa, "Sino na naman yan duday apaka gwapo bagay kayo [heart emoji]"
Pabiro ring sagot ni Isabelle, "maka na naman ka naman [crying emoji] parang ang dami kong lalake [crying emojis]"

Ang palayaw na "Duday" ay mula sa sitcom ng GMA-7 na Daddy Di Do Du, na umere mula 2001 hanggang 2007.
Si Duday ang ang youngest daughter ni Kul, played by Vic Sotto.
Sabi ng isa pa, "Love is in the air [hearts emojis] happy for you duday [face with hearts emoji]"
"Thank you," sagot ni Isabelle.

"Very young captain [clapping hands emoji]," komento ng isa.
Pagmamalaki ni Isabelle, "yesss [heart emoji]"

Noong July 2025, inanunsiyo ni Isabelle na sa Amerika na siya maninirahan kasama ng kanyang pamilya.
Kaya naman lahat ng gamit niya sa Pilipinas ay kanya nang ipinasubasta.
Read: Isabelle de Leon sells belongings; set to move to the US for good
