Nag-deactivate ng Instagram account ang girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos.
Ito ay matapos niyang magbahagi ng ilang cryptic posts nitong mga nakaraang araw.
Base sa kanyang posts, tila may kinalaman sa kanyang birthday at lalaki ang dahilan ng pagkadismaya ni Isabel.
Noong June 11, 2026, ang ika-36 kaarawan ni Isabel.
Mensahe niya sa sarili sa isang post: "HAPPY BIRTHDAY WEEK, ISABEL SANTOS
"36 is the year you start accepting compliments without embarrassment.
"This year your task is to believe in the promise of your own life. Say no to sh*t you hate.
"Remember what it feels like to roll around in your own dreams.
"Go to the limits of your longing. Leave the door open for people to walk through.
"As you journey into the next year, say, 'Here I am,' and listen closely as the universe responds, 'So glad vou are.'"

Naglabas din siya ng saloobin ukol sa pagdiriwang niya ng kaarawan.
Anim na taon na raw hindi "good" ang kanyang birthday kaya hindi niya alam kung bakit patuloy pa rin niyang sinusubukang maging maganda ito.
Pero sa pagkakataong ito ay suko na raw siya.
Saad ni Isabel" "I GIVE UP
"Birthdays are just a day in a year you force to feel something.
"Ive never had a good birthday for over 6 years and i dont know why i keep trying."
Ang short caption naman nito ay: "I'd like to stop this charade."

Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good
ISABEL EXPERIENCING MID-LIFE CRISIS, BIRTHDAY BLUES?
Sa isa pang post, nagbahagi si Isabel ng larawan ng isang upuang marmol na may nakaukit na salitang "MEN DON'T PROTECT YOU ANYMORE”

Sa social media site na Reddit, nagbigay ng kuru-kuro ang ilang netizens kung ano ang ibig pakahulugan ni Isabel sa kanyang posts.
Para sa iba, walang kinalaman sa lovelife ang post ni Isabel.
Sabi ng isa (published as is): "Baka midlife crisis lang. For mw lang ha, parang di naman tungkol sa lovelife nya yung post"
Pagsang-ayon ng isang netizen: "She never had a good birthday daw for Over 6 years. I think 4yrs lang sila ni JL. .so this issue is beyond their rs na, it's how she feels around bdays... I don't know."

"Birthday blues" naman daw ito, obserbasyon ng iba.
Ang "birthday blues" ay pakiramdam ng isang taong malapit nang magdiwang ng kaarawan, kung saan mapapaisip siya kung natupad ba niya ang mga ninanais niya dahil patuloy na umiikot ang mundo.
Karamihan, napu-frustrate dahil iilan lamang ang natupad sa kanilang mga pinangarap.
Komento ng isang netizen: "Baka may Birthday blues? Birthday niya nung June 11 (as per pep article).
"May ibang tao kasi mas na malungkot or not feeling celebrating pag palapit na ang birthday."
Tugon ng isa: "Agree. When you become aware of your life expectancy, then realize nasa gitna ka na or lampas na sa gitna tapos andami pang goals, dreams na kailangan pagsumikapan and it will take time. Mapapasabi ka na lang talaga, san napunta ang panahon?
"Hahaha feeling this way since araw ng kalayaan, so mej relate"

May paliwanag naman ang isang netizen tungkol sa maaring nararamdaman ni Isabel.
Hula niya, hindi talaga ito tungkol sa relasyon nila ni John Lloyd.
Saad ng netizen: "Some people just hate celebrating birthdays. It’s not always relationship related bc let’s face it, people forget, and in the event they do remember— they are probably learning via other people or social media updates and not bc they are actively & intentionally thinking abt you.
"That can make people feel like an afterthought plus the gifts for the sake of giving gifts kasi it’s the thought that counts daw but the gift shows you they don’t know you at all.
"Baka yun lang kasi ang off naman na alam ng mga tao sila ni JL tapos isisi kay JL yung bday blues niya haha she might be much more sophisticated than that. just offering an alternative perspective kasi hindi lahat ng bagay nakarevolve sa love life"

Read: Imelda Schweighart asks if SB19 represents LGBTQIA+ community
isabel, john lloyd recent sighting with ellen adarna
Noong June 4, isang linggo bago ang kaarawan ni Isabel, masaya itong nakipag-bonding sa boyfriend na si John Lloyd at ex-partner ng aktor na si Ellen Adarna.
Kasama rin nila sa kanilang bakasyon sa Boracay ang mga anak ni Ellen na sina Elias, kay John Lloyd, at Lili, anak naman ng aktres kay Derek Ramsay.
Masaya ang naging bonding nila dahil sa ilang araw nilang pamamalagi sa Boracay, sinubukan nila ang swimming, diving, pati na ang kayaking.
Sa gabi naman, masaya silang lahat sa kanilang videoke session.
Sa isang IG Story ni Ellen, pinasalamatan niya si Isabel dahil sa kabutihan nito sa kanya at sa kanyang mga anak.
Kalakip nito ang litrato nila na may caption na (published as is), "Eh un iniyakan kita for being the best stepmom mahal kita! @isabelreyessantos."
Read: Ellen Adarna praises Isabel Santos for being the "best stepmom"
