Marami ang nagulat dahil sa biglaang pag-unfollow nina John Lloyd Cruz at Isabel Reyes sa Instagram account ng isa't isa.
Pero naka-follow pa rin silang dalawa sa original account ni John Lloyd sa Instagram na @dumpsitegallery.


Matagal na ang nasabing account ni John Lloyd na ginamit niya nang nagkaroon siya ng showbiz hiatus.
Pero nang magbalik siya sa showbiz noong 2021, bilang contract artist ng Crown Artist Management ni Maja Salvador, gumawa siya ng account na related sa trabaho, ang @johnllloydcruz83.
Read: John Lloyd Cruz, ima-manage ng talent management ni Maja Salvador?
Makikita sa account na @dumpsitegallery ang artsy photos ni John Lloyd.
Dito ay hindi pa rin niya binubura ang larawan nila ni Isabel.
View this post on Instagram
Maging si Isabel ay hindi pa rin nagbubura ng larawan nila ng boyfriend matapos mapabalitang unfollow-han nila.
View this post on Instagram
Kaya naman malaking balita para sa netizens na nakasubaybay sa pag-iibigan nina John Lloyd at Isabel ang pang-unfollow nila sa isa't isa.
Read: John Lloyd Cruz, Isabel Santos unfollow each other on Instagram
JOHN LLOYD CRUZ-ISABEL REYES INSTAGRAM OFFICIAL
Sa PEP Yearender noong 2022, isa sina John Lloyd at Isabel sa mga relasyong naging lantad at hayag na sa publiko.

October 2022 naging Instagram official ang aktor na si John Lloyd at ang artist na si Isabel dahil sa cozy photos nila sa kanilang bakasyon sa Italy.
Sa Instagram noong October 6, 2022, sunud-sunod ang pagsi-share ni Isabel ng mga kuha niyang larawan sa mga lugar na pinupuntahan nila doon.
Sa unang post, ibinahagi ni Isabel ang tourist attractions sa Venice, Italy. Sa dulo nito ay makikita ang sweet na larawan nila ni John Lloyd.
Pangalawang post ni Isabel ay larawan nilang dalawa na tila nagpapahinga sa isang coffee shop.
Caption niya, “It has been decided, onesies arent for adults [people with bunny ears [partying emoji] Also i like my profile better [bird emoji]”
Sa ikatlong post naman ni Isabel, makikitang tila nakataas ang kilay ni John Lloyd habang nasa isang yate o bangka sila.
Mababasa sa caption na tila nakatuon ang buhay niya ngayon sa aktor.
Aniya, “My favorite picture—the composition, the view, the lighting! and the subject [see no evil monkey, two hearts emojis] 5 stars! 10 yums!”
Ayon sa emojipedia.org, ang two hearts emojis ay nangangahulugan ding “love is in the air.”
Magka-holding hands naman ang dalawa nang dumalo sa 15th Asia Pacific Screen Awards (APSA).
Nominado si John Lloyd sa nasabing award-giving body sa kategoryang Best Performance para sa kanyang pagganap sa pelikulang When The Waves Are Gone ni Lav Diaz. Ang local title nito ay Kapag Wala Na Ang Mga Alon.
Ginanap ang awards night noong November 11, 2022 sa Home of the Arts sa Gold Coast, Australia.
November 17 ng gabi naman ibinahagi ni Isabel ang tatlong larawan sa kanyang Instagram feed kung saan makikita sa isang picture na magka-holding hands silang dalawa.
Read: Isabel Santos posts holding hands photo with rumored boyfriend John Lloyd Cruz
Mula noong September 2021, usap-usapan ng netizens ang napansin nilang ugnayan nina John Lloyd at Isabel.
Hindi nakaligtas sa netizens ang ilang pagkakataong nag-post si Isabel ng mga litrato ni John Lloyd.
Minsan na ring nag-post si Isabel ng litrato nina John Lloyd at Elias na namamasyal sa tabing-dagat.
Si Elias ang anak ni John Lloyd sa dating partner na si Ellen Adarna.
At noong June 24, 2022, sa kaarawan ni John Lloyd, unang pagkakataong nasilayan ang sweet moments sa pagitan ng rumored couple.
Read: John Lloyd Cruz kisses Isabel Santos in front of Happy ToGetHer co-stars
