Usap-usapan ngayon sa social media ang mga kuhang larawan ng dating magkarelasyon na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna kasama ang GMA executives na sina Atty. Annette Gozon-Valdes at Tracy Garcia.
Si Gozon-Valdes ay GMA Network Senior vice president at GMA Pictures president, habang si Garcia naman ay Sparkle senior talent manager.

Ngayong Sabado, April 18, 2026, in-upload ni Atty. Annette sa kanyang Instagram account ang litrato nila nina John Lloyd at Ellen, kuha habang nagdi-dinner sila kasama ang iba pang executives.
Sa mga larawan, makikitang all smiles at magkatabi ang dating magkasintahang sina John Lloyd at Ellen.
Mayroon ding kuha kung saan nakaakbay si Ellen kay John Lloyd.
"Ending the work week with exciting conversations," mababasang caption dito ni Atty. Annette.
NETIZENS' REACTION TO JOHN LLOYD-ELLEN REUNION
Kumalap ng samu't saring reaksiyon online ang muling pagkikita ng dalawa.
Maraming netizens ang umaasang ang pagkikita nina John Lloyd at Ellen kasama ang GMA executives ay patikim sa posibleng pagsasama nila sa isang proyekto.
Hirit pa ng ilan, maaaring pelikula o teleserye ang pagsamahan ng dalawa na ipo-produce ng GMA Network.
Sa kabila ng mga hinala, wala pang opisyal na anunsiyo sina John Lloyd, Ellen, o maging ang mga opisyal ng GMA Network hinggil sa umano’y proyekto ng dalawa.
Read: Ellen Adarna spills on child support from Derek vs. John Lloyd
NETIZENS PRAISE JOHN LLOYD–ELLEN RELATIONSHIP
Bukod sa usap-usapang proyekto, may ilan ding netizens ang humanga sa maayos na relasyon nina John Lloyd at Ellen sa kabila ng masalimuot nilang nakaraan.
Hindi ito ang unang beses na nagsama ang dalawa matapos ang kanilang hiwalayan at kalauna’y magkaroon ng kanya-kanyang karelasyon.
Read: Ellen Adarna praises John Lloyd Cruz for being a "present father"
Si John Lloyd ay nobya ngayon ang artist na si Isabel Santos, habang si Ellen naman ay kakahiwalay lang sa asawang si Derek Ramsay.
Sa tuwing nagkikita sina John Lloyd at Ellen, madalas ay kasama nila ang kanilang anak na si Elias.
Gaya na lamang noong March 4, nang magkasama sina John Lloyd, Isabel, Ellen, Elias, at Lili habang nagbabakasyon sa Amanpulo.
Read: Ellen Adarna bonds with John Lloyd, Isabel Santos in Amanpulo
Si Lili ang anak ni Ellen sa estranged husband nitong si Derek.
Noong December 14, naispatan din sina John Lloyd at Ellen na magkasama sa piano recital ni Elias.
Read: Ellen Adarna denies claim on why she did not marry John Lloyd
