PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Inside Ricky Lee’s scriptwriting workshop: Why many want a slot

Among the recent workshoppers are Kylie Padilla and Kara David.
by Mark Angelo Ching
Published 2 days ago
Ricky Lee (in yellow) with his workshoppers, including celebrities (encricled in red, L-R) Kylie Padilla, Cristine Reyes, Kara David
Ricky Lee (in yellow) with his scriptwriting workshoppers, including celebrities (encircled in red, L-R) Kylie Padilla, Cristine Reyes, and Kara David
PHOTO/S: Kara David on Facebook

Masayang-masaya si Ricky Lee sa kinalabasan ng huli niyang scriptwriting workshop.

Noong simula ng May natapos ang Batch 30 ng kanyang tanyag na workshop, na nagsimula noong December 2025.

Kasama sa 36 participants ang ilang sikat na celebrities tulad nina Kylie Padilla, Kara David, JC Santos, at Cristine Reyes.

Kuwento ni Ricky sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), natuwa siya na motivated ang participants na maging scriptwriter.

Nag-extend pa nga raw sila mula sa 10 sessions.

Sa pagpapatuloy nga National Artist for Film and Broadcast: “Naging 16 sessions na siya kasi gusto ng workshopers na ma-extend nang ma-extend nang ma-extend.

"Ang saya niya at ang sigla. At ang ganda ng mix,” saad niya.

More than one script did naw ang naging output ng ilan sa kanila.

Halimbawa, nakatapos daw ng apat na scripts si Kylie Padilla.

“Nagso-sorry na nga siya na ang dami niyang sina-submit. Sabi ko, ‘Hindi, hayaan mo lang manganak nang manganak nang manganak ang mga ideas sa iyo,’” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kara David (L) and Kylie Padilla (R) put on their writer’s hats at Ricky Lee’s (middle) scriptwriting workshop
Kara David (L) and Kylie Padilla (R) put on their writer’s hats at Ricky Lee’s (middle) scriptwriting workshop.
Photo/s: Kara David on Facebook; @onlykyliepadilla on Tiktok

Maging si Kara David daw ay na-inspire ng naturang workshop. Namangha raw ang journalist dahil natuto siya ng ibang klase ng pagkukuwento.

“And I think binanggit niya sa sa isang post niya sa TikTok na yung isang episode nila sa i-Witness, ginamit niya yung natutunan niya sa workshop, doon sa intro at sa outro,” sabi pa ni Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP si Ricky sa advanced screening ng restored version ng Muro-Ami noong May 19, 2026, sa SM North, Quezon City.

Read:

Who is Divine Adili?

Bianca Manalo draws flak after congratulating SP Win Gatchalian

FUTURE WORKSHOPS

Sa ngayon, naghahanap ng paraan ang batikang manunulat para mailapit sa producers ang mga naisulat na scripts.

Buti nga raw na marami nang producer ang nagpakita ng interes.

“Marami nang nagtatanong, e. Tinatanong ako na, ‘O, nasaan ang mga scripts na isinulat ng workshoppers na puwede naming bilhin? Puwede mo kaming i-introduce sa kanila?’

"So, marami nang mga nagtatanong. So, so nice and masaya.”

Ngunit higit pa sa mga naisulat na script, ang mas mahalaga para kay Ricky ay ang samahang nabuo nila sa workshop.

“I think nakapagbuo sila ng isang komunidad na na where they will feel na hindi ako nag-iisa, marami akong kasama dito, mga kapatid ko sa panunulat at sa paggawa ng pelikula. Maski tapos na ang workshop, magkakasama silang magpapatuloy. I think that community is there already,” paliwanag niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Excited na rin siya sa simula ng Batch 31, na magsisimula sa August 2. Kasama rito ang ilan pang celebrities tulad nina Karylle, Chai Fonacier, Rica Peralejo, at Romnick Sarmienta.

Balak din niyang magbukas muli ng susunod pang mga workshop para tuluy-tuloy ang pagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipinong nais magsulat, celebrity man sila o hindi.

“Hindi naman puwedeng tumigil, e. Pero ang isang gusto kong sabihin, sa workshop walang celebrity. Pag nakita mo sa sahig o sa pila sa pagkain sina Kara...pantay-pantay silang lahat doon.

"At pag nagbalitaktakan sila, nagkomentaryo ng trabaho nila, pantay-pantay silang lahat doon. And I think yun ang isang gustong-gusto ng mga so-called celebrities na gaya nina Karylle or nina Kylie, where they will feel na ordinaryo lang kaming tao rito na gustong matuto gaya ng lahat,” saad pa ni Ricky.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Lee (in yellow) with his scriptwriting workshoppers, including celebrities (encircled in red, L-R) Kylie Padilla, Cristine Reyes, and Kara David
PHOTO/S: Kara David on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results