Masaya ang Kapuso actress at dating beauty queen na si Bianca Manalo sa pagkakahirang sa ex-boyfriend na si Senator Sherwin Gatchalian bilang bagong Senate President.
Naluklok sa puwesto si Gatchalian kahapon, June 17, 2026, matapos magpatawag ng special session ang Palasyo para sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Ang Senate President ang ikatlo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno, kasunod ng President at Vice-President.

Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good
BIANCA MANALO: "The country needs you!"
Sa kanyang Instagram account kinagabihan, binati ni Bianca ang ex-boyfriend.
Very proud daw siya sa pagkakaluklok ni Gatchalian bilang Senate President. Kailangan daw ng bansa ngayon ang dating kasintahan.
Buong mensahe ni Bianca: "Will forever be proud of you!!! Well deserved!!!!!! It’s about time! [raising hands emojis] The country needs you! [index finger pointing up emoji]"

Ni-repost naman ni Senate President Gatchalian sa kanyang personal Instagram account ang mensahe ni Bianca.

NETIZENS REACT
Sa comments section ng Instagram Story ni Bianca, may ilang netizens ang nag-post ng hindi kagandahang mensahe kay Bianca.
Inakusahan nila ang actress-beauty queen na gusto umano nitong makipagbalikan sa senador matapos ang nangyari sa kanilang relasyon.
Komento ng isa: "lol, after nung ginawa mo sa kanya makikipagbalikan ka [laughing emoji]"
Biro ng isa na may halong pasaring: "kay ano pa rin po siya uuwi hehe (na para bang ngayonng nasa higher position na si sen. win may gusto bumalik? ay)"
"Y*uck," sabi naman ng isa.

May nagsabi namang "WinRi: na sila — na ang ibig sabihin ay Senator Win at Senator Risa Hontiveros.
Ang isa naman ay inakusahan si Bianca na sinaktan lamang daw ang damdamin ng senador.

Marami ring hate comments laban kay Bianca sa Instagram post ni Gatchalian.
BIANCA-WIN BREAKUP
Nalaman ng publiko na single na si Gatchalian dahil sa isang panayam noong January 21, 2026, kung saan sinabi niyang "non-existent" ang kanyang love life.
Tila kumpirmasyon ito sa bali-balitang hiwalay na talaga sila ni Bianca.
Read: Sherwin Gatchalian admits to having a “non-existent” love life
Bago ito, noong 2023, nasangkot sa isang kontrobersiya si Bianca dahil sa kanyang Magandang Dilag co-star na si Rob Gomez.
Naglitawan ang diumano'y screenshots ng kanilang conversations, na nagpapahiwatig na meron silang ugnayan.
Pinabulaanan ito ni Bianca at tinawag na "false rumors" at "unfounded accusations" ang mga alegasyon.
Read: Senator Sherwin Gatchalian no comment on Bianca Manalo-Rob Gomez issue
Kamakailan lamang ay nadawit naman ang pangalan ni Bianca sa napabalitang paghihiwalay ni Miss Universe Philippines 2009 Celeste Cortesi at ng boyfriend ntong si Jonathan Sterling, isang mayamang software developer.
Ayon sa isang ulat, si Bianca umano ang third party.
Ngunit mariin itong pinabulaanan ng Sparkle GMA Artist, na namamahala sa career ni Bianca, sa pamamagitan ng isang official statement.
