Muling nagbalik ang content creator at host na si Baus Rufo bilang guest co-host sa GMA-7 morning show na Unang Hirit.
Ito ay matapos mag-viral ang kanyang paghu-host sa nasabing programa noong Huwebes, June 18, 2026.
Read: Famous Pinoy Dads Proudly Raising Twins
Sa halip kasi na "Kapuso" ang pagbati niya sa sa mga manonood, "Kapamilya" ang kanyang nasabi.
Nangyari ito sa pagtatapos ng segment na "UH Quiz-Sabihan," kung saan kasama niyang nag-host si Miss Philippines Earth 2025 Joy Barcoma.

Sabi ni Joy, "Mag-aral din kayo ng mga kasabihan, lalo na sa mga bahay niyo. Kasi baka kayo na ang susunod naming tanungin ng mga kasabihan."
Read: Joy Barcoma weighs in on pageant "halfies" issue
Pagsang-ayon ni Baus, "Korek. Kaya naman mga Kapamilya..."
Agad na napailing sina Baus at Joy bago tuluyang napagtanto ni Baus ang kanyang pagkakamali.

Aniya, "Sorry. Hello po, mga Kapuso!
"Yes, I love it! It’s my first time. It’s live TV."
NETIZENS REACT TO BAUS' HOSTING MIX-UP
Mabilis na nag-viral ang pagkakamali ni Baus at umani ng samu't saring reaksiyon mula sa netizens.
Marami ang nagbiro na baka iyon na rin ang una at huli niyang pagkakataong maging guest co-host sa Unang Hirit.
Read: LGBTQ+ Dads Who Redefine Parenting
Tweet ng isang netizen sa X, kalakip ang viral clip ni Baus, "From Unang Hirit to Huling Hirit ang atake. Hahaha."
Saad pa ng isa, "Ang tanong, makakahirit pa kaya si Baus, mga Kapuso?"
"POV: First day mo pa lang sa work, pero umuwi kang may memo," dagdag pa ng isa.
Pati ang mismong Facebook page ng Unang Hirit ay nakisabay rin sa biruan tungkol sa viral hosting mix-up ni Baus.
Post nila (published as is): "IT’S GIVING ONBOARDING AND EXIT INTERVIEW REAL QUICK.
"Baus, maliiiiii."
Ini-repost ito ni Baus kalakip ang caption na, "Salamat Unang Hirit, willing po ako to work overtime without pay at mag choreograph ng Christmas party number for free."
Gumawa rin siya ng TikTok video kung saan makikitang paulit-ulit niyang ineensayo ang pagbati sa mga "Kapuso" sakaling makaharap niya ang GMA executives.
Saad ni Baus sa video: "What's up, mga Kapuso? Hello, Kapuso. Hi Kapuso. Oh my God, Kapuso, kumusta ka?
"Alam mo, Kapuso, okay ako ngayon, as a Kapuso."
BAUS RETURNS AS GUEST CO-HOST OF UNANG HIRIT
Dahil sa good vibes na hatid ni Baus, muli siyang inimbitahan ng Unang Hirit na maging guest co-host sa programa nitong Biyernes, June 19.
Pabirong sinabi ni Baus na halos hindi siya nakatulog dahil sa kakaensayo ng pagbati sa Kapuso viewers.
Read: Miguel Escueta believes in "respectful parenting": "We don't wanna spank."

Aniya: "Ang saya-saya. Ganito pala ang [pakiramdam] na mabigyan ng pangalawang pagkakataon.
"Hindi pa naman tayo napi-principal's office, 'no."
