Nakikipag-date na ba ulit ang Kapamilya actress na si Bela Padilla?
Ito ang tanong ng netizens matapos maispatan ang aktres sa isang event kasama ng isang guwapong mystery guy.
Sa opening ng pet lifestyle clinic ng cosmetic doctors na sina Dra. Aivee Aguilar-Teo at Dr. Z Teo, makikitang may katabing mystery guy si Bela.

Sa isa pang larawan na in-upload ni Dra. Aivee, makikitang kasama niya ang asawang si Dr. Z, si Bela, at ang mystery guy.
Naka-tag ang post kay Bela ngunit hindi sa mystery guy.

Read: Senator Sherwin Gatchalian reacts to Bianca Manalo’s message
THE MYSTERY GUY THAT NETIZENS ASSUME BELA IS DATING
Ayon sa usap-usapan ng netizens sa Facebook, ang mystery guy na kasama ni Bela ay isang tech entrepreneur na nagngangalang Martin Tan.
Base sa profile niya sa Instagram, si Martin ay co-founder at CEO ng Tenext.ai ay ang dating Arbolo.ai, isang "AI-native experience (CX) and software development company."
Nakapribado ang Instagram account ni Martin ngunit makikitang pina-follow ito ni Bela.

Sa Reddit naman, may post din tungkol sa inilarawan nilang "rumored boyfriend" ni Bela.

Noong February 2026, may sightings na rin si Bela kasama si Martin na ipinost din sa Reddit.

Noon pa man ay tukoy na ng netizens ang katauhan ng mystery guy.

Ngunit wala pang panayam kay Bela na nagkukumpirma kung dating ba sila ni Martin.
Read: Sigabo, Someone, Someday head to TV5 under new ABS-CBN deal
BELA PADILLA-NORMAN BAY BREAKUP
Limang taon ang naging relasyon ni Bela sa pinakahuli niyang boyfriend, ang Swiss-Italian na si Norman Bay.
Sabi ni Bela sa panayam sa kanya noong August 6, 2025, mutual decision nila ni Norman ang kanilang breakup.
"Pero okay lang din naman. Sabi ko nga sa pelikula ko dati, some people are just meant to just pass by," saad ng aktres.
Read: Bela Padilla admits breakup with boyfriend Norman Bay
Sa panayam niya noong August 27, sinabi naman niyang open siya sakaling may bagong manliligaw sa kanya.
"Yeah, you know, that's the beauty of life — to stay open.
"Pero let's see, so far wala pa naman. Baka after na ng mga sinu-shoot ko."
Read: Bela Padilla "full of love" following breakup with Norman Bay
