Sinampahan ng criminal complaints ang 15-anyos na suspek sa malagim na shooting incident na naganap sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte, noong June 22, 2026.
Tatlo ang nasawi at tinatayang 11 ang nasugatan.
Ang kasamang 14-anyos ng 15-anyos na suspek ay exempted mula sa criminal liability ngunit subject to intervention program, ayon sa Juvenile Justice and Welfare Act o Republic Act 9344.
Si Alyas Rod ang 15-anyos na Child in Conflict with the Law (CICL); habang si Alyas Nash ang 14-anyos.
Pareho silang estudyante sa paraalan kung saan nila isinagawa ang krimen.
Ang mga kasong isinampa laban kay Alyas Rod ay three counts of murder, three counts of frustrated murder, at multiple serious physical injuries.
Ito ay ayon kay Police Lieutenant Colonel Analiza Armeza, Regional PIO & spokesperson ng Police Regional Office 8, ulat sa Super Radyo DZBB.
Ayon din kay Armeza, base sa pagsusuri ng social worker na tumingin kay Alyas Rod, “He acted with discernment kaya nag-file ng complaint.”
Nangangahulugan itong alam ni Alyas Rod ang ginawa niya.
Sabi naman ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, dahil 15 years and two months old na si Alyas Rod, kinukunsidera na itong "above 15."
Saad niya: “Pag 15 years old and one day ay considered above 15 na po.
"So, siya po ay mag-undergo, and most probably makikita po ng DSWD na he acted with discernment, at siya po ay will undergo regular trial, formal trial.
"But, of course, while observing child protocols.”
Bagamat hindi maaaring ikulong si Alyas Nash sa edad na 14, sinabi ni Armeza na ipapasok siya sa Regional Rehabilitation Center for the Youth Sa Tanauan, Leyte.
Isasailalim din siya sa intervention program.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng City Social Welfare and Development Office sa Leyte ang dalawang menor-de-edad na suspek.
THE SHOOTING INCIDENT
Tinatayang nasa 40 beses nagpatupok ng baril ang mga suspek.
Lumalabas sa imbestigasyon na isang beses lamang umanong nagpaputok ang 15-anyos na si Alyas Rod.
Si Alyas Nash, na mas bata,daw ang nagpaputok nang maraming beses.
Dahil sa pagpapaputok ni Alyas Nash kaya nasawi ang tatlong estudyante at nasugatan ang iba pa.
Ayon naman sa mga awtoridad, nasa stable condition na ang lahat ng mga nasugatan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis.
Ilan sa mga tinitingnang anggulo ay kung pinagplanuhan o premeditated ba ang nangyaring school shooting.
Iniuugnay rin ang shooting incident sa bayolenteng online game na nilalaro umano ng mga suspek.
Nakita rin sa isinasagawang imbestigasyon na may social media posts ang dalawang suspek tungkol sa mga personalidad na involved sa mass school shooting sa Amerika, kung saan talamak ang mga ganitong insidente.
Read: Mom of student hero laments son’s death in school shooting
JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT OR R.A. 9344
Sa ilalim ng R.A. 9344, hindi puwedeng kasuhan ang edad 15-anyos pababa na sangkot sa krimen, pero isasailalim sila sa intervention program.
Isang social worker ang hahawak sa CICL at tutukuyin kung mayroon itong discernment o kakayahang intindihin ang ginawang krimen ng 15-17 years old.
Kung wala itong discernment, isasailalim ang suspek sa intervention program.
Kung merong discernment ang edad 15-17, isasailalim siya sa diversion program o kaya ay ihaharap sa korte.
Ang edad 12-15 years old naman na nakagawa ng krimen ay ipapasok sa Bahay Pag-Asa o sa youth-care faculty na kung tawagin ay Intensive Juvenile Intervention and Support Center.
Kapag ang krimen naman ay karumal-dumal, tulad ng murder, rape, arson, at iba pa, pagbabayarin ng danyos ang mga magulang, maliban kung mapatunayang naging sapat ang paggabay nila sa batang nakagawa ng krimen.
Sa isang recent ANC interview kay Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, may dagdag siyang pahayag ukol sa Juvenile Justice Law.
Ito ay bilang reaksiyon sa nabuhay na panawagan na ibaba ang edad ng criminal responsibility sa 12 anyos mula sa 15 anyos.
Saad ni Diokno: "The Juvenile Justice Law, I have to make it clear, does not excuse criminal behavior.
"What it simply does, and it doesn’t provide immunity from accountability... What it simply does is recognize, and this is, I believe, is a global recognition, that the treatment of children should be different from the treatment of adults.
"The law as well provides that children between the ages of 15-18, if they act with discernment, may be treated and prosecuted as adults."
Sa halip daw na ibaba ang edad ng criminal responsibility, “What really need is to make sure that the Juvenile Justice Law is properly implemented, and as well all the... punishment for everyone regardless, especially adults, but even those children who act with discernment to be punished in accordance with the law.
Other sources:
