PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kolette Madelo gets candid about bashers: "Half-deadma na ako."

Kolette Madelo reveals the comment that hurt her the most.
by Arniel C. Serato
Published 9 hours ago
Kolette Madelo on bashers
Former Pinoy Big Brother: Gen 11 Third Big Placer Kolette Madelo on bashers: "Noong nalaman ko na hindi pala lahat ng tao kaya mong i-please, so pabayaan mo lang. So, kaya ngayon, parang natatawa na lang ako pag naalala ko yung pinapatulan ko sila."
PHOTO/S: Arniel Serato

Hindi na raw nagpapaapekto sa bashers ang Pinoy Big Brother: Gen 11 Third Big Placer na si Kolette Madelo.

Bagamat madalas siya sa social media, binawas-bawasan na raw niya ang paggamit nito.

Saad ni Kolette, "Of course, ma-social media ako. Pero simula noong mga may nababasa akong mga negative, so parang wala na. Medyo binabawas-bawasan ko na."

Marami raw kasing mga negatibong tao sa social media.

Aniya, "Yes, ang daming negative. And hindi sila nawawala lalo na dito sa showbiz industry na parang gusto nila perfect lang lahat ng nakikita nila sa isang tao."

At hindi rin siya nakaiwas dito. May mga negatibong komento sa kanya.

Paano ito nagsimula?

Lahad ni Kolette, "Feel ko, nung una kang pumasok ng PBB kasi, pag ayaw... naniniwala ako sa kasabihan na pag ayaw ka ng tao, ayaw ka.

"May masasabi at may masasabi yan. Kahit gaano pa kabuti yung mga nagawa mo."

Ano yung salitang medyo nasaktan siya noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-alala ng singer: "Siguro feel ko yung sinabihan akong 'onanay.'

"Hindi ko alam. Onanay? Hindi ko alam kung nakakatuwa siya or masakit. Pero feel ko mas nakakatawa siya, more on nakakatawa saya.

"Kasi parang, 'Ay, nakakatawa ka naman. Ba't ka nagsasabi ng ganun? Na parang hindi naman.' Okay, go."

Hindi niya sinabi kung bakit "onanay" ang tawag sa kanya.

May serye ang GMA-7 na pinamagatang Onanay (2018) na pinagbidahan ng aktres na si Jo Berry, na may kundisyong Achondroplasia o dwarfism.

Read: Jo Berry, nais maging inspirasyon sa ibang little people dahil sa kanyang pagganap sa Onanay

kolette madelo on bashers: "hindi naman totally deadma..."

Aminado si Kolette na sumasagot siya noon sa bashers.

May isang pagkakataong binuweltahan niya ang netizen na sinabihan siya ng "kamukha nya talaga si kiray."

Kolette basher
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: "Dati. Kasi bago ako sa industry.

"Sorry, parang hindi ko pa alam kung ano yung mga kailangang gawin. So, yun.

"Noong nalaman ko na hindi pala lahat ng tao kaya mong i-please, so pabayaan mo lang.

"So, kaya ngayon, parang natatawa na lang ako pag naalala ko yung pinapatulan ko sila."

So, parang nag-mature siya?

"Oo. Parang nag-mature in a way na, 'Okay, pabayaan mo yan sa parang wala naman talaga silang naiambag sa buhay ko.'"

Deadma na siya sa bashers ngayon?

Sagot ni Kolette, "Hindi naman totally deadma pero parang ganun na nga.

"Parang deadma. Half-deadma. Oo. "

Giit niya, "I choose my battles na lang, in silence. Wow!"

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kolette sa presscon ng Afterglow: Seasons of the Heart noong June 23, 2026, sa isang restaurant sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.

Read: F4 star Vanness Wu announces he's now married

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THE AFTERGLOW CONCERT

Ang Afterglow: Seasons of the Heart concert ay magaganap sa July 11, 2026 sa PICC Plenary Hall.

Isa itong mini-tribute concert para sa OPM legend na si Jose Mari Chan na main singer din sa konsiyerto.

Alalahanin dito ang mga musikang isinulat at kinanta niya mula pa noong 1967.

Makakasama rin nila sa concert sina "Tawag ng Tanghalan" champion Lyka Estrella, at "Tawag ng Tanghalan" 1st Duet Grand Champion at Your Face Sounds Familiar grand winners na sina JM dela Cerna at Marielle Montellano.

(L-R) JM dela Cerna, Marielle Montellano, Jose Mari Chan, Kolette Madelo, and Lyka Estrella at Afterglow: Seasons of the Heart presscon held Via Mare at PICC Complex.
(L-R) JM dela Cerna, Marielle Montellano, Jose Mari Chan, Kolette Madelo, and Lyka Estrella at Afterglow: Seasons of the Heart presscon held at Via Mare restaurant inside PICC Complex.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang aabangan sa kanila sa July 11?

Ayon kay Kolette: "Ang aabangan sa akin sa July 11, siyempre itong Afterglow: Seasons of the Heart ni Tito Jo or Sir Jose Mari Chan.

"And marami kami dito. Meron sina Ate Lyca Estrella, yung JMielle, yung nanggaling sa Your Face Sounds Familiar grand champion.

"And ako siyempre, ako, and at ang nag-iisang Tito Jo or Sir Jose Mari Chan."

Nagpasalamat si Kolette na napasama siya sa concert.

"I'm so thankful po kasi ito po yung pinaka-first kong concert, na yung mga nakakasama ko mga sobrang galing kumanta.

"Yung JMielle, sobrang galing kumanta niya. Yung Ate Lyca, sobrang galing.

"So, parang natsa-challenge ako na, ay, so kailangan kong galingan. Kailangan kong mag-rehearse talaga. Kasi hindi basta-basta yung mga nakasama ko."

Ang Afterglow: Seasons of the Heart ay hatid ng QR Events.

Read: Does Jose Mari Chan still receive royalty from his hit songs?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Pinoy Big Brother: Gen 11 Third Big Placer Kolette Madelo on bashers: "Noong nalaman ko na hindi pala lahat ng tao kaya mong i-please, so pabayaan mo lang. So, kaya ngayon, parang natatawa na lang ako pag naalala ko yung pinapatulan ko sila."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results