PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Court orders Anjo Yllana to pay TVJ Productions PHP3.5M

TVJ Productions welcomes court ruling against Anjo Yllana.
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
anjo yllana court ruling
The Regional Trial Court of Mandaluyong has ordered actor-host Anjo Yllana to pay PHP3.5 million in damages to TVJ Productions, Inc. over statements he made about noontime show Eat Bulaga! and its hosts.
PHOTO/S: Aiko Melendez YouTube

Ipinag-utos ng korte sa actor-TV host na si Anjo Yllana na magbayad ng PHP3.5 million sa TVJ Productions, Inc. kaugnay ng kasong isinampa laban sa kanya dahil sa mga naging pahayag niya tungkol sa Eat Bulaga! at sa mga host nito.

Nitong Lunes, Hunyo 29, 2026, inilabas ni Presiding Judge Gloria Monica S. Lopez ng Branch 279 ng Regional Trial Court ng Mandaluyong City ang desisyon sa kaso.

Ngayong Martes, Hunyo 30, isinapubliko naman ng TVJ Productions ang court ruling, kabilang ang permanent injunction at mga danyos na ipinataw laban kay Anjo.

Read: Former Dabarkads Anjo Yllana appeals to TAPE Inc. for settlement of unpaid wages

PERMANENT INJUNCTION VS. ANJO

Sa desisyon ng korte, pinagbigyan ang kahilingan ng TVJ Productions para sa permanent injunction.

Ibig sabihin, permanente nang pinagbabawalan si Anjo—kasama ang kanyang mga kinatawan at sinumang kumikilos para sa kanya—na mag-post, magbahagi, mag-reupload, o magpalaganap sa TikTok, TikTok LIVE, at iba pang social media at digital platforms ng mga pahayag na maaaring makasira sa reputasyon, goodwill, at brand ng TVJ Productions at ng Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw rin ng korte na saklaw ng proteksiyong ito ang mga host ng Eat Bulaga!, kung saan ang anumang paninira sa kanila ay may direktang epekto sa pangalan at goodwill ng programa.

PHP3.5-MILLION DAMAGES

Bukod sa injunction, inutusan din ng korte si Anjo na bayaran ang TVJ Productions ng kabuuang PHP3.5 million: PHP1 million bilang temperate damages; PHP1 million bilang moral damages; PHP1 million bilang exemplary damages; at PHP500,000 bilang attorney's fees at litigation costs.

Ayon pa sa ruling, papatawan ng 6 percent legal interest kada taon ang lahat ng monetary awards mula sa oras na maging pinal ang desisyon hanggang sa tuluyan itong mabayaran.

Read: Anjo Yllana to Maine Mendoza: “No talk, no mistake.”

TVJ PRODUCTIONS REACTS

Sa opisyal nitong pahayag, sinabi ng TVJ Productions—na pinamumunuan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—isang malaking patunay raw ng integridad ng Eat Bulaga! at lahat ng bumubuo nito ang naging desisyon ng korte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad sa kanilang statement: "We welcomed the Court's Decision as a definitive vindication of the integrity of Eat Bulaga, its hosts, and its management, and of the decades of trust that generations of viewers have placed in the program."

Dagdag pa nila: "The Court's Decision stands as a stern warning that social media cannot be used recklessly to destroy the rights of others."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang opisyal na reaksiyon si Anjo sa naging desisyon ng korte.

Inaasahang maglalabas ng pahayag ang dating Eat Bulaga host sa Miyerkules, Hulyo 1.

Read: Jaime Yllana, nag-apologize sa mga birada ng amang si Anjo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Regional Trial Court of Mandaluyong has ordered actor-host Anjo Yllana to pay PHP3.5 million in damages to TVJ Productions, Inc. over statements he made about noontime show Eat Bulaga! and its hosts.
PHOTO/S: Aiko Melendez YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results