PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kyline Alcantara reveals she lost money in phishing scam

Kyline Alcantara plays forensic analyst in Taskforce Firewall.
by Arniel C. Serato
Published 4 hours ago
Kyline Alcantara joins Taskforce Firewall cast
Kyline Alcantara on falling victim to phishing scam: "To be honest, pinabayaan ko na lang po siya. Kasi mahirap na po siya habulin, e. Lalo na sa akin. I don't really... check, mali po ata na gawain yun, but I don't really check yung [halaga] sa account or whatever. So, napansin ko na po siya maybe after like a week or two na nawala."
PHOTO/S: Arniel Serato

Nagsimula nang mapanood si Kyline Alcantara sa Kapuso primetime series na Taskforce Firewall simula ngayong Biyernes ng gabi, July 3, 2026.

Gumaganap siya bilang si Callie Sandoval, isang forensic analyst.

Nakaka-relate daw si Kyline sa tema ng kanilang show na tumatalakay sa mga cybercrime. Kamakailan lamang daw ay nabiktima siya sa phishing scam.

Ito yung links na pinapadala sa cellphone o email address na aakalain mong galing talaga sa mapagkakatiwalaang source dahil minsan ay sa numero o official email address pa mismo ng bangko ito nanggagaling.

Ang iba naman ay cyberbullying mismo.

Pagbabahagi ni Kyline, "Siyempre lahat naman po tayo ang nakakaranas ng cyberbullying, whether you're a public personality or not. Siguro yun po yung isa.

"At yung isa din yung na-scam ako at nabawasan yung pera ko sa bangko. Ayun po.

"Like, may nag-text, ta's may link. Tapos klinik ko, I don't know if I can remember, like, email or whatever. Klinik ko. Tapos, napunta siya sa ibang website."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw ganun kalaki ang nabawas na pera sa bank account niya kaya pinabayaan na lang niya.

"To be honest, pinabayaan ko na lang po siya. Kasi mahirap na po siya habulin, e.

"Lalo na sa akin. I don't really... check. Mali po ata na gawain yun, but I don't really check yung [halaga] sa account or whatever.

"So, napansin ko na po siya maybe after like a week or two na nawala."

Ito ang kuwento ni Kyline sa set visit ng media sa location taping ng Taskforce Firewall noong nakaraang linggo sa Marikina City.

Kyline Alcantara during media interview on the set of Taskforce Firewall.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jonathan Sterling fires back at tax evasion claims

KYLINE TO PLAY AS FORENSIC ANALYST IN TASKFORCE FIREWALL

Sa pagpasok ni Kyline sa Taskforce Firewall, na-challenge ba siya dahil pumapalo ito sa ratings?

Sagot ng Kapuso actress, "Oo naman po siyempre. At siyempre, hindi lang po doon ang challenge ko kasi sobrang gagaling po ng makasama ko."

Co-stars ni Kyline sa show sina Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Jak Roberto, at Buboy Villar.

First time daw niyang mag-action serye kaya na-excite siya rito.

Saad ni Kyline: "Sa aksiyon po siyempre kase first time ko pong mag-action. And yung makasama ko po ay mga batikan na ho.

"Yun nga po, nae-excite po ako sa mga eksena, sa mga kasama ko, and sa napakarami pang mga plot twists na magaganap dito sa Firewall."

Kuwento naman niya sa kanyang role: "Ako po'y isang forensic accountant dito po sa Firewall. Ako po ay accountant, so sa finance po.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sinasabi nga po namin dito kung gusto mo talaga malaman kung saan nanggaling yung isang krimen, you just gotta follow the money.

"So, ako po ay sumusunod sa pera."

Ano ang lesson na matuttuunan ng viewers sa kanilang show?

Ani Kyline: "I mean, lahat... ang buong mundo natin ay nasa cellphone na po, e.

"Napakalaking parte na siya ng buhay natin. And it's so up-to-date to our generation right now.

"So, sana kahit papaano po, dito po sa aming show, e, may matutunan po tayo kung paano i-handle, kung paano makaiwas, at kung paano malaman kung scam or isang cybercrime na ba ang ating dini-deal."

View this post on Instagram

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Mapapanood ang Taskforce Firewall tuwing 8:50 ng gabi sa GMA Prime.

Read: Angel Castro shares painful truth about mom Raven Villanueva

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara on falling victim to phishing scam: "To be honest, pinabayaan ko na lang po siya. Kasi mahirap na po siya habulin, e. Lalo na sa akin. I don't really... check, mali po ata na gawain yun, but I don't really check yung [halaga] sa account or whatever. So, napansin ko na po siya maybe after like a week or two na nawala."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results