Pagkatapos ng halos tatlong linggo mula nang mag-deactivate ng kanyang Instagram account si Isabel Santos, ibinahagi ng boyfriend nitong si John Lloyd Cruz ang larawan ng nobya.
Sa account ng aktor na @dumpsitegallery, ibinahagi ni John Lloyd noong July 3, 2026 ang larawan ni Isabel na blonde ang buhok, may hawak na payong at cellphone.
Mukhang kuha ang larawan sa ibang bansa.
Walang inilagay na caption si John Lloyd.
View this post on Instagram
Isa sa nag-like ng post ni John Loloyd ay ang ex-girlfriend ng aktor at kaibigan ni Isabel na si Ellen Adarna.

Read: VIRAL: The story behind a house blessing for rented Airbnb
JOHN LLOYD'S POST QUASHES BREAKUP RUMORS
Noong June 11, ikinalungkot ng mga tagahanga nina John Lloyd at Isabel nang mag-deactivate ang huli ng kanyang Instagram account.
Hinala tuloy ng iba, may problema sa relasyon ng dalawa.
Kasunod ito ng ilang cryptic posts ni Isabel bago ang kanyang ika-36 kaarawan.
Base sa posts ni Isabel noon, tila may kinalaman sa kanyang birthday at tila lalaki ang dahilan ng pagkadismaya ni Isabel.
Mensahe niya sa sarili sa isang post: "HAPPY BIRTHDAY WEEK, ISABEL SANTOS
"36 is the year you start accepting compliments without embarrassment.
"This year your task is to believe in the promise of your own life. Say no to sh*t you hate.
"Remember what it feels like to roll around in your own dreams.
"Go to the limits of your longing. Leave the door open for people to walk through.
"As you journey into the next year, say, 'Here I am,' and listen closely as the universe responds, 'So glad vou are.'"
Sa isa pang post, nagbahagi si Isabel ng larawan ng isang upuang marmol na may nakaukit na salitang "MEN DON'T PROTECT YOU ANYMORE”
Sa social media site na Reddit, nagbigay ng kuru-kuro ang ilang netizens sa pakahulugan ng posts ni Isabel.
Para sa iba, walang kinalaman sa lovelife kanyang post kundi tila nakaranas lamang siya ng midlife crisis.
Sabi ng isa (published as is): "Baka midlife crisis lang. For mw lang ha, parang di naman tungkol sa lovelife nya yung post"
Pagsang-ayon ng isang netizen: "She never had a good birthday daw for Over 6 years. I think 4yrs lang sila ni JL. .so this issue is beyond their rs na, it's how she feels around bdays... I don't know."
Read: Isabel Santos deactivates Instagram account after cryptic posts
