PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Ansay confirms he stopped courting Sofia Pablo in March

Allen: "Sana po ay tigilan na natin ang pagpapakalat ng mga maling kuwento."
by Arniel C. Serato
Published 1 Hour ago
Allen Ansay no longer courting Sofia Pablo
Allen Ansay on Sofia Pablo: "Para na rin po sa tamang impormasyon, matagal na pong hindi naipagpatuloy ang panliligaw ko kay Sofia noong March pa po. Maayos po naming nirerespeto ang isa’t isa, at nagbago lamang ang direksyon ng aming mga priorities lalo napo sa trabaho."
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram

Marso 2026 pa raw itinigil ni Allen Ansay ang panliligaw sa ka-loveteam na si Sofia Pablo.

Ang loveteam ng dalawa ay tinatawag na AlFia.

Ibinahagi ni Allen ang kanyang saloobin sa isang viral TikTok video na nagsabing "Napaka green flag ni Allen kay Sofiaaa."

Wala raw kasing posts na kasama ng ibang babae ang Kapuso young actor kundi si Sofia lang.

@luckxxxs Napaka Green flag ni Allen kay Sofiaaa..???? #fyp #allenansay #sofiapablo #millionviews #jolly ? original sound - SEIJUROO

Ngunit sa comments section ng post, nilinaw ni Allen na ilang buwan na siyang tumigil sa panliligaw kay Sofia.

Saad niya: "Gusto ko lang pong linawin na okay po kami ni Sofia. Wala pong iniwan, nagpaasa, o nang-bale-wala sa kahit kanino.

"Para na rin po sa tamang impormasyon, matagal na pong hindi naipagpatuloy ang panliligaw ko kay Sofia noong March pa po.

"Maayos po naming nirerespeto ang isa’t isa, at nagbago lamang ang direksyon ng aming mga priorities lalo napo sa trabaho. [praying hands emoji]"

Nakiusap din si Allen sa netizens na huwag magpakalat ng maling balita tungkol sa kanila, lalo na kay Sofia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sana ay suportahan pa rin daw sila kahit magkahiwalay na ang kanilang landas.

Dagdag ni Allen: "Pinili lang po namin na hindi magsalita tungkol dito dahil personal naman po ito.

"Sana po ay tigilan na natin ang pagpapakalat ng mga maling kuwento o false narratives tungkol kay Sofia. Wala po siyang ginawang masama.

"Sana ay patuloy ninyo kaming suportahan sa kani-kaniya naming journey. Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta. [heart emoji]"

Allen Ansay on Sofia Pablo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: The story behind a house blessing for rented Airbnb

ALLEN, SOFIA ON WORKING IN SEPARATE PROJECTS

Noong April 2026, naiulat na paghihiwalayin na ang loveteam nina Allen at Sofia.

Sa ulat ng PEP Troika, tinanong nila ang dalawa pagkatapos ng premiere night ng pelikulang Huwag Kang Titingin kung totoong magpapahinga muna ang kanilang tambalan.

Sagot ni Allen, "Actually, meron kaming mga pasabog ni Sofia ngayong taon.

"Hindi pa po namin puwedeng i-reveal. Abangan niyo yan.”

Saad ni Sofia: “Hindi po ako sure if I can talk about it.

“Pero abangan niyo na lang, because may plan yung management. So, abangan niyo na lang.

“May pinaghahandaan po kami individually.”

Sabi pa ni Allen: “Kami naman talaga ni Sofie ever since… kahit before pa siya pumasok ng PBB [Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0] talaga… actually, sinabi ko pa nga sa kanya yun na kahit na magka-loveteam siya sa loob, may magustuhan siyang iba, maiintindihan ko yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And ngayon naman kasi, kumbaga yung friendship namin, hindi naman talaga mawawala yun.

"And part naman talaga ng trabaho namin na may maka-loveteam na iba, may maka-partner na iba.”

Read: Loveteam nina Sofia Pablo at Allen Ansay, paghihiwalayin muna?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Ansay on Sofia Pablo: "Para na rin po sa tamang impormasyon, matagal na pong hindi naipagpatuloy ang panliligaw ko kay Sofia noong March pa po. Maayos po naming nirerespeto ang isa’t isa, at nagbago lamang ang direksyon ng aming mga priorities lalo napo sa trabaho."
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results