PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sachzna Laparan's mother takes a swipe at Mark Pascual

Christine Laparan Policarpio: "Mahiya ka!"
by Arniel C. Serato
Published 4 hours ago
Sachzna Laparan's mother Christine on Mark Pascual's death
Sachzna Laparan's mother Christine Laparan Policarpio (left) on daughter's ex-boyfriend Mark Pascual (right, both with Sachzna) about his P50-M debt: "HOY KAPAL AH! SINO NAMAN TANGA HINDI MAG PAPABAYAD NG GANYANG KALAKING PERA! IBIG SABIHIN NYAN MAHIYA KA!"
PHOTO/S: Facebook

May patama ang ina ni Sachzna Laparan na si Christine Laparan Policarpio sa isang taong hindi niya pinangalanan.

Ngunit malinaw na ang tinutukoy niya ay ang ex-boyfriend ni Sachzna na si Mark Pascual.

Sa kanyang Facebook account ngayong Martes ng umaga, July 7, 2026, nag-post si Christine ng reverse psychology ng mga babae sa mga sinasabi nila at sa nararamdaman nila.

Nakasaad dito: "PAG SINABI NG BABAE, 'HINDI AKO GALIT' FOR SURE GALIT YAN!"

Kapag naman daw ang sinasabi ng babae ay "HINDI AKO NAG SESELOS"

"AY GRABEHANG SELOS NA YAN."

Kapag naman daw, "SIGE UMALIS KA"

Dapat daw, "WAG KANG AALIS."

Kapag nagsabi itong, "OKAY"

Sabi ni Christine, "AY HINDI OKAY YAN!"

Inihalintulad ito ng ina sa utang nag nagkakahalaga ng PHP50 million.

Nang sinabi raw ng anak niyang si Sachzna na "WAG MO NG BAYARANG 50M," hindi raw ibig sabihin nito ay literal na huwag bayaran.

Pasaring ng ina ng actress-influencer: "HOY KAPAL AH! SINO NAMAN TANGA HINDI MAG PAPABAYAD NG GANYANG KALAKING PERA! IBIG SABIHIN NYAN MAHIYA KA!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pang-uuyam pa ni Christine sa comments section ng post niya: "Maiintindihan ko kung mala 'PIOLO PASCUAL' ang mukhaan ni ex eh! grabe naman confidence binigay mo dito anak! ang taas!!!"

Christine Laparan Policarpio's post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: The story behind a house blessing for rented Airbnb

SACHZNA TO MARK: "yung p50M... huwag mo nang bayaran."

Noong gabi ng Sabado, July 4, inanunsiyo ni Sachzna ang hiwalayan nila ng boyfriend na si Mark.

Umabot sa halos tatlong taon ang pinagsamahan ng dalawa.

Marami man daw siyang masayang alaala, babaunin daw niya ito, at patuloy na aalagaan.

Bahagi ng post ni Sachzna: "Thank you sa tatlong taon ng walang sawang suporta. Thank you sa pag-push sa’kin na gawin yung mga bagay na akala ko hindi ko kaya. Napakalaki ng naging impact mo sa pagkatao ko bilang Sachzna. Dahil sa’yo, naranasan ko kung paano pala mahalin nang sobra."

Pero hindi na raw niya kaya ang mga nalalaman niyang impormasyon na tila inilihim sa kanya.

May binanggit din siyang malaking halaga ng pagkakautang, pero ang sinukuan daw niya ay ang "betrayal" at "pain."

Saad ni Sachzna: "Pero sorry… sorry kung kailangan ko nang sumuko ngayon. Sorry kung hindi na kita kayang hintayin. Hindi ko na kaya yung mga betrayal at yung pain every time may nalalaman ako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yung P50M na utang mo sa’kin at sa pamilya ko, huwag mo nang bayaran. Tulong ko na ’yon sa’yo para magkaroon ka ng chance na makapagsimula ulit. Gusto kong bumangon ka ulit kahit wala na ako sa tabi mo.

"Alam ko kung gaano ka lumaban para sa’kin. Ilang beses mong sinabi na ako yung dahilan kung bakit ka nagpapatuloy. Pero ngayon, sana lumaban ka naman para sa sarili mo. Alam kong kaya mo, at naniniwala akong babangon ka ulit.

"Sorry kung napagod ako. Sorry kung kung kailangan ko na piliin sarili ko."

Kalakip ng post ni Sachzna ang black-and-white photo nila ni Mark noong magkarelasyon pa sila.

Sachzna Laparan and ex-boyfriend Mark Pascual
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panig naman ni Mark, matapang niyang inaming nagkaroon siya ng problemang pinansiyal simula noong 2024.

Natalo raw siya ng PHP150 million sa crypto futures trading.

Nagpasalamat siya kay Sachzna sa tatlong taon nilang pagsasama.

Humingi rin siya ng tawad dahil nadamay ang kasintahan sa mga naging problema sa pinasok niya negosyo.

Bahagi ng nakasaad sa post ni Mark: "PATAWAD

"Sa mga oras mo na nasayang ko sa pag bibigay sakin ng paulit ulit na chance pero hindi ko parin inayos buhay ko sa mga betrayals sa mga sakit naibigay ko sayo sorry... ang hirap lang din ng sitwasyon ko pero alam kong walang explanation para ma justify ung mga pangakong na napako.

"Alam kong binigay mo sakin lahat ng kaya mo pero sinayang ko alam kong kasalanan ko to lahat sobrang sakit. Im so sorry baby.."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sachzna Laparan and Mark Pascual end three-year relationship

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sachzna Laparan's mother Christine Laparan Policarpio (left) on daughter's ex-boyfriend Mark Pascual (right, both with Sachzna) about his P50-M debt: "HOY KAPAL AH! SINO NAMAN TANGA HINDI MAG PAPABAYAD NG GANYANG KALAKING PERA! IBIG SABIHIN NYAN MAHIYA KA!"
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results